REMEMBER ME THIS WAY
Written by:Yeshameen BrejenteCHAPTER 13
NAWALAN ng malay si Catherine.Dumugo din ang nabagok niyang noo. Maging ang driver ay sugatan din.
"Tumawag kayo ng ambulansya!" sigaw ng ibang passenger na hindi naman nasugatan.Kaya, kumilos na din ang ilan upang matulungan ang driver at si Catherine na nasa front seat.
Hindi nagtagal ay mayroon na ring mga ambulansya ang dumating. Maingat na binuhat ng mga paramedics ang walang malay na si Catherine habang inalalayan ang tsuper na makababa at maisakay ng ambulansya.
NABABALISA naman si Aling Agnes dahil sa biglaang pag-alis ni Catherine kanina. At batid niyang mayroong karapatan ang dalaga upang magdamdam.Dahil inilihim nito ang pagkakataon na pwede sanang makilala ng dalaga ang tunay nitong ama.
"Masama ba akong ina, Romeo?" tanong ni Aling Agnes sa asawa. "Masama ba ako dahil pinaghiwalay ko ang aking mga anak?Mali ba ang isipin ko ang kapakanan ni Sofia, kaya pinili kong ibigay siya kay Alex?" wika ni Aling Agnes.
"Ginawa mo lang ang nararapat kahit pa masakit. Alam kong hindi biro ang desisyong mahiwalay ka ang isa saiyong anak.Kinailangan ni Sofia na mapunta sa ama niya para mabuhay siya.Pero hanggang doon na lang talaga ang buhay niya. Ang buhay na kinailangang mawala para mabuhay pa ang kakambal niyang si Catherine." Sabi ni Mang Romeo sa asawang hinahagod ang likod habang sila ay magkayakap.
HINDI tumigil si Ivan hangga't di niya naririnig mula mismo kay Alex ang katotohanan tungkol sa pagkatao nina Sofia at Catherine. At ngayong alam na niya ang lahat, isa lang ang sigurado siya. Ang manatili si Sofia para maalala niya sa katauhan ni Catherine. At ngayon nga ay alam na niya ang buong katotohanan.Dumalaw na naman siya ngayon sa puntod ni Sofia.Nag-alay siya ng mga bulaklak na inilagay pa sa lapida nito.
"Sofia, I remembered the day when you told me that you want me to remember you as beautiful as you were. And now, I remember you through Catherine.Bukod kasi sa magkamukha kayo ay pareho pa kayo ng ugali.Kung puso mo nga ang nasa puso niya ngayon, posible kayang ikaw pa rin ang magmamahal sa akin, kung sakali man?" tanong ni Ivan sa puntod ng dalaga."Ang alam ko lang ngayon, mahal ko na si Catherine.Yung anong mayroon tayo noon,walang sinumang makakapantay no'n. Walang pwedeng magnakaw sa naging samahan natin noon.Pero, alam ko na gusto mo rin akong lumigaya ulit.Kaya magpapaalam na ako saiyo, Sofia.Hayaan mo sana akong buksang muli ang puso kong minsan ay kinuha mo."
Hindi na rin siya nagtagal sa puntod ni Sofia. Sa ngayon ay dapat niya lang bigyan ng pansin ang kanyang trabaho. Sapat na 'yung minsan ay naging abala siya sa Batangas, lately.Nasa kotse na siya nang bigla siyang makatanggap ng tawag mula kay Alex.
"Yes, tito?" tugon niya.
"Ivan, nasa hospital si Catherine. Naaksidente siya kanina."Balita ni Alex sa binata.
"Po?" di makapaniwalang wikang patanong ni Ivan saka binilisan pa ang pagpapatakbo ng kanyang kotse.
Nang makarating ang binata sa ospital kung nasaan si Catherine ay nadatnan niyang luhaan sina Mang Romeo at Aling Agnes. Gano'n din si Alex.
"How is, she?" concerned na tanong ni Ivan saka mabilis nang lumapit sa dalagang nagkapasa sa noo."Cathy."
Saka naman marahang gumalaw si Catherine. Sapo niya ang nasaktang noo.
"Ivan." Catherine said after recognizing him. Saka siya napatingin sa iba pang mga tao sa loob ng puting silid. Hinawakan ni Ivan ang kamay niya.
"How do you feel by now?" tanong ni Ivan sa dalaga.
"Medyo nahihilo lang ako.Pero maayos naman na ang aking pakiramdam." Tugon ng dalaga. "Nay, Itay.Huwag na po kayong umiyak, maayos naman na ho ako. Sorry po kung bakit bigla na lang akong umalis kanina."
Lumapit naman ang mag-asawa sa kanya.
"Anak, patawarin mo kung bakit naglihim ang Nanay saiyo.Kaya lang naman kayo nagkahiwalay ni Sofia ay dahil sakitin ang kakambal mo.Tatlong taong gulang pa lang siya nang ma-diagnosed siya sa sakit na Leukemia.Sabi sa amin ng doctor noon ay di na siya aabot sa edad na pitong taon at mawawala din siya." Wika ni Aling Agnes at lumapit naman si Alex sa kanila.
"Lumapit sa akin ang iyong ina, Cathy.Kung noon ay wala siyang balak na ipaalam sa akin ang tungkol sa inyo ng kakambal mo, wala na siyang choice dahil buhay na ng kapatid mo ang pinag-uusapan, nakiusap ang iyong ina upang ako na ang bahalang magpagamot kay Sofia. I took her to America, and in God's mercy, na-extend pa ang buhay niya nang mahigit dalawampung taon.Which I was lucky enough because I've been with her." Sabi ni Alex.
Napaluha si Catherine.Kung sana ay nabigyan lang sila ng pagkakataon ni Sofia na magkakilala, baka mas masaya siya.Baka magkasundo silang dalawa.Baka nga magkaribal din sila ngayon pagdating kay Ivan.
"Inay, tay..pwede ho bang kay daddy na muna ako? Pwede ko ba siyang makasama kahit sandali lang?" pakiusap ni Catherine.
At tumango naman sina Aling Agnes at Mang Romeo sa kanya.Bagay na ikinatuwa nila ni Alex.
PAGKATAPOS ng check-ups ni Catherine ay naiuwi na din siya ng amang si Alex tungo sa mansion nito.Namangha ang dalaga sa ganda at laki ng kabuuan ng bahay.Lalo na nang dalhin siya ni Alex sa silid ni Sofia. Malaki at nananatiling maayos ang silid ng dalaga. May piano pa ito.
"Magaling siguro sa pagtugtog ng piano si Sofia, ano?" tanong niya habang sinubukang itugtog ang mga pyesa. Naupo siya sa harap ng malaking piano. At dahil nakapag-aral naman siya dati ng piano lesson ay maingat niyang sinunod ang bawat notang nakalagay na si Sofia mismo ang may gawa noon.Dance With My Father pa ang musikang iyon.
"Whenever I'm tired and sicked before, Sofia never fails to make me feel good by playing a piano for me. Just the way how you played that song now for me."Sabi ni Alex na biglang nangilid ang luha sa mga mata.Tumayo si Catherine saka yumakap sa ama.
"Dad, habang naiisip ko kung gaano kayo ka-close ni Sofia dati, gusto kong manibugho sa bawat sandaling kayo lang ang magkasama. At alam ko ho na minsan sa buhay niya ay naisip niya rin na mainggit sa akin na lumaki kay Inay." Sabi ng dalaga. "Nalaman ba niyang may kakambal siya? Na si Inay ang aming ina?"
"She was already weak when she came to know about you. At nang malaman niyang may sakit ka sa puso,inihiling niya sa akin na kung ano man ang mangyari sa kanya ay ibibigay daw saiyo ang puso niya.Na kung maihihiling lang daw niya saiyo na ibigin mo rin si Ivan.Para hindi na ito malulungkot pa."Saad ni Alex. At nagyakap silang dalawa.
KINABUKASAN ay dumating si Ivan sa bahay ng mga Dela Ria.Hawak niya ang kanyang digital camera. Nakita niya si Catherine na nakadungaw sa may terasa ng mansion.
He open the lens cover and switched the zoom lens. Sumilip siya sa optical viewfinder. Switching the control buttons into paronamic mode,and the focus-assist light is working! Ivan slowly press the shutter. And the electronic flash has made Catherine look that she was captured by him.
"Ivan!" masayang wika ni Catherine saka nagmadaling bumaba.When she was making her way downstairs, Ivan captured more pictures of her. And though it was a stolen shots, she looks more beautiful as shown on the LCD panel.
Isang mahigpit na yakap ang inialay ng binata sa kanya. Masayang-masaya ito nang makita ang dalagang tila ay masaya rin.
"Kukuhanan daw kita ng mga litrato, sabi ni Tito Alex.Gusto niyang gawan kita ng self-portrait mo."Sabi ni Ivan saka naman tumango ang dalaga.
Ipinasuot ni Ivan sa kanya ang bagong evening gown sa kanya at ang pointed heels na terno nito.She looks very beautiful with that look.
"Come on Cathy, walk elegantly. Don't forget to wear smile."Sabi pa ni Ivan habang kinukuhanan pa ng mga larawan ang dalaga.Sa pag-ikot ni Catherine ay pasuray-suray siyang maglakad gamit ang heels. Natatawa tuloy ang binata sa ayos niya, nang mahapo si Catherine ay tinanggal nito ang suot na heels saka siya naglakad na animo'y sa white sand beach.Kapansin-pansin pa lalo ang gandang taglay niya.
TBC
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME THIS WAY
RomanceMARAMING taon na ang lumipas, ngunit hindi pa rin makalimutan ni Drake Lewis Ivan ang babaeng minahal niya nang lubusan.Si Sofia. Sofia was a very beautiful woman he has ever met.Such a beautiful woman that he couldn't believe to vanished. "You can'...