Only For You

3.8K 125 4
                                    

REMEMBER ME THIS WAY
Written by:Yeshameen Brejente

[NEW COVER PHOTO]

CHAPTER 9


"Magandang araw, ho." Bati ni Ivan kay Aling Agnes na natigil sa pagwawalis.

"Mukhang pamilyar ka." Tugon ni Aling Agnes saka itinayo ang hawak na walis tingting sa may puno. "Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?"

"Nariyan ho ba si Catherine? Nais ko ho sana siyang makausap."Sabi ni Ivan sa ginang.

"Wala siya rito. Naghahanap pa iyon ng mapapasukan.Hindi ko alam kung saan o kung may tumanggap na ba sa kanya. Ilang oras na din kasi'ng hindi nakakabalik." Sabi naman ni Aling Agnes saka inayang maupo sa mahabang upuan sa lilim ng punong mangga. Naupo naman ang binata.

"Maghihintay ho ako." Sabi ni Ivan.

"Ikaw ang bahala." Sabi ni Aling Agnes saka sinulyapan ang binata. "Ikaw ba ay umiinom ng kape?"

"Opo." Tugon niya sa matanda na nakangiti. At panandalian siyang iniwan ni Aling Agnes upang ipagtimpla ng kape.Tumayo si Ivan saka tumingin sa kapaligiran.Presko ang hangin. Ang sarap damhin. Inayos pa niya ang suot na eyeglasses. Saka binusog ang mga mata sa pagtanaw ng magandang lugar.

"Sir, narito na ho ang inyong kape." Tawag pansin ni Aling Agnes sa kanya saka iyon inilapag sa mesang yari sa nara. Makintab iyon dahil sa varnish na natural ang kulay. Lumingon naman ang nakangiting si Ivan. At amoy na amoy niya ang mabangong aroma ng kapeng itinimpla ni Aling Agnes.

"Salamat ho." Aniya sa matanda saka naupo.

"Walang anuman. Sana ho hindi kayo mainip sa paghihintay kay Cathy." Sabi ng matanda sa kanya sa seryosong tinig.Pilit niyang pinag-aaralan ang mukha ni Ivan. Kung saan ba niya ito minsang nakita. Ngunit wala naman siyang maalala.

"Wala naman ho akong appointments ngayon. At nakahanda akong hintayin si Catherine. May mahalagang bagay lang akong sasabihin sa kanya."Sabi ng binata saka humawak sa tasa ng kape. Inamoy niya iyon. Alam niyang bagong luto ang kape.Dahil sa amoy nitong walang halong chemical. "Kayo ho ba ang personal na gumagawa ng kape?"

"Paano mo 'yon nalaman?" nakangiting tanong ni Aling Agnes.

"Yung kape namin ho kasi, di ganito ang sarap at ang bango." Tugon ni Ivan saka marahang sumimsim ng kape sa tasang hawak.Napangiti pa lalo si Aling Agnes sa narinig. "Pwede ho kayong mag-negosyo."

"Yun nga sana ang nais ng anak namin, Sir.Kaya lang natigil na siya sa pag-aaral simula nang magkasakit ako. At yung lupa namin na taniman ng mga kape ay naibenta na rin namin. Kaya imposible na ho'ng sumabak pa kami sa pagne-negosyo."Sabi ni Aling Agnes saka naman napaisip ang binata. "Naku, Sir.Maiiwan na muna kita, rito.May tatapusin lang ako, bago makabalik ang tatay ni Catherine."

"Sige ho. Salamat ho sa pagpayag na hintayin ko ang inyong anak." Sabi ni Ivan saka muling uminom ng kape. At napatingin siya sa kanyang orasan.Malapit na pala ang tanghali. Pero sigurado na siyang hintayin si Catherine, upang personal na makahingi ng tawad dito. "I'm certainly sure that you aren't Sofia at kung may kaugnayan man kayo sa isa't-isa dahil magkamukha kayo iyon ang aalamin ko."

NAPAKARAMI ng trabahong ipinagawa ni Señora Leonora sa dalaga. Ni hindi siya nito binigyan ng break. Pero di na muna nagreklamo si Catherine. Gagawin niya ang lahat para sa mga magulang niya. Lalo na kay Aling Agnes.

Saka na lang siguro siya babalik ng pag-aaral kapag nakaluwag na siya.Kapag nakaipon na siya.

Buong silid ng Señora ang ipinalinis sa kanya. Alam niyang sinasadya ng Señora na pahirapan siya, dahil nagagawa na ito noon sa kanya. Pero si Catherine ang tipo ng babaeng hindi marunong sumuko. Lalo na kapag pursigido siyang makamit ang isang bagay na nais niyang makuha. Maingat ang pagkakatupi niya ng mga damit sa loob ng closets. Inilabas kasi iyon ni Señora Leonora.

REMEMBER ME THIS WAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon