REMEMBER ME THIS WAY
Written By: Yeshameen BrejenteCHAPTER 16
"I think I have to go." Saad ni Ivan nang kumalas sa yakap ni Catherine.
"Mag-iingat ka palagi." Sabi ni Catherine. Nakahawak pa rin sa isang kamay ng binata. At hinatid niya ito palabas. Masaya silang naglalakad tungo sa driveway.
"I'm going to miss you." Sabi ni Ivan. "Sanay na yata ako saiyo."
"Sanay na din ako saiyo, Ivan. Kung pwede nga lang na dito ka na sa akin." Nakangiting saad ni Catherine. Bagamat seryoso, pabiro naman ang dating. "Pwede mo ba akong samahan sa Batangas, bukas? Nami-miss ko na kasi sina Inay at Itay."
"Sure, Cathy. Sasamahan kita kahit saan mo gusto." Tugon ni Ivan. "Kahit ano ang mangyari, gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita." Tumango ang dalaga. Saka muling yumakap sa kanya. Yung klase ng yakap na naglalambing. Kaya naman ay niyakap din siya ng binata nang buong suyo.
"Sige na, Ivan. Malalim na ang gabi." Anang dalaga at nang magtama ang paningin nila ay bigla na lang siya nitong siniil ng halik sa labi. Hindi na rin siya nakatiis ang dalaga, tinugon na din niya ang mga halik ni Ivan sa kanya.
Nang makaalis si Ivan ay di na maialis sa dalaga ang mapangiti. Kahit ang makapasok na siya sa kanilang mansion. Nadatnan niyang nasa sala pa rin ang amang si Alex.
"Papa, gising pa kayo?" wika ni Catherine sa amang nakaupo sa mahabang couch.
"Akala ko ay tuluyan ka nang sumama kay Ivan." Ani Alex sa dalaga saka niya itinuro gamit ang palad niya ang kanang bahagi ng upuan para sa kanya.
"Pa, ba't ko naman ho 'yon gagawin? May tamang panahon naman para do'n." Saad ni Catherine sa malambing na tinig. Saka niya inihiga ang ulo sa kanang braso ng ama.
"Cathy, hindi naman lingid saiyo na minsan ay minahal ni Ivan si Sofia, di ba?" sabi ni Alex. Bagay na nagpabuntong-hininga kay Catherine.
"Papa, ako na ho ang mahal ni Ivan ngayon. Wala na si Sofia." May himig na pagtatampo sa tinig ng dalaga. "Sana ho ay maging masaya na lang din kayo para sa akin. Kung paano niyo tinanggap si Ivan noon para sa kanya."
"Catherine, hija. I mean no harm. Ang gusto ko lang ay protektahan ka. Ayokong masaktan ka pagdating ng araw." Sabi ni Alex. Napatango ang dalaga saka siya umarteng inaantok na. Kaya nagpaalam na siya dito na aakyat na para makapag-pahinga. At nang makarating siya sa silid niya ay di niya maiwasang mapaisip. Kung mahal ba talaga siya ni Ivan bilang siya o bilang si Sofia lamang.
KINABUKASAN ay maagang umalis ng Mansion si Catherine. Nagpahatid siya sa kanyang driver sa puntod ni Sofia. Nakaupo siya habang nakaharap sa lapida nito. Nag-alay siya ng dasal matapos sindihan ang scented candles saka nag-alay rin ng isang bouquet ng mga bulaklak.
"Sofia, patawarin mo 'ko kung minahal ko na si Ivan. Alam ko'ng puso mo ang nasa dibdib ko ngayon. Pero sabi ng utak ko, kahit puso ko pa ang narito.. magmamahal at magmamahal pa rin ako sa kanya." Sabi niyang napaluha na. "Sana maging masaya ka na rin para sa akin. Sana'y ipaubaya mo na lang siya sa akin nang tuluyan."
Nagtagal siya roon, nang uminit na ang araw ay saka pa lang siya umalis sa puntod ni Sofia.
"Mang Thomas, sa Batangas ho tayo." Sabi niya sa kanyang personal driver. Tumango naman ang matanda saka iniandar na ang kotse ni Catherine. Alam niyang dapat ay magkasama sila ni ngayon ni Ivan, pero parang nais niyang mapag-isa na muna.Naka-flight mode na muna ang cellphone niya at nang di siya matawagan ng sinuman.
DUMATING si Ivan sa tahanan ng mga Dela Ria. He is looking for Catherine. But she was not around. Maging si Alex ay wala rin sa bahay. Nasa opisina daw ito at maraming kailangang asikasuhin. Sinubukan naman niya itong tawagan ngunit cannot be reach naman. Alam niyang dumiretso na ito sa Batangas. He drove off as fast as he could.
NASA batis si Catherine. Pinapanood ang pagragasa ng tubig. Hinahayaan niyang mabasa ang mga paa niya ng tubig.
"Catherine!" tawag ni Ivan matapos ituro ni Mang Romeo ang kinaroroonan ng dalaga. Napalingon namang bigla ang dalaga. At agad namang nakalapit ang binata sa kinaroroonan niya. "Akala ko ba ako ang kasama mo sa pagpunta rito?"
"Ivan, sorry pero nais kong mapag-isa." Saad ni Catherine. At naupo naman ang binata sa malaking bato kaharap sa kanya.
"You should have told me, Cathy. Alam mo bang labis akong nag-alala saiyo?" sabi ni Ivan saka mabilis niyang niyakap ang dalaga. "I miss you."
"Alam ng Diyos na miss din kita." Tugon ng dalaga at gumanti na rin ng yakap dito.
"May problema ba tayo?" Tanong ni Ivan.
"Wala naman, Ivan. May iniisip lang ako." Sabi ng dalaga.
"When I tell you I love you, I really mean it. You gotta trust me, babe. I love you." Masuyong sabi ng binata. Bagay na ikinatuwa ni Catherine. Iyon lang ang nais niyang marinig nang paulit-ulit. Kumbinsido na siya doon. And now she wants to get back to Manila with him. Hapon na rin at baka gabihin pa sila sa daan. Nauna ng umuwi ang kanyang driver na si Mang Thomas. Habang kotse ni Ivan ang gamit nila.
KINABUKASAN, naging abala si Ivan sa kanyang opisina. Pero tinatawagan naman niya si Catherine na nagpapahinga sa sarili niyang kwarto.
"See you, tonight." Sabi ni Ivan.
"See you." Tugon ni Catherine na malapad ang pagka-kangiti. Saka siya nag-hang-up na. Nang biglang may kumatok sa silid niya. "Pasok."
Iniluwa naman no'n ang kasambahay nilang si Tonyang.
"Ma'am may naghahanap ho sa inyo." Sabi nito. "Nasa sala ho siya."
Nagmadali namang bumangon mula sa kama si Catherine saka mabilis nang bumaba ng hagdanan. Nakatayo naman ang isang taong tila ay nagpatigil sa pag-inog ng mundo niya. Nakangiti habang nakatingin sa kanya. And Catherine can't believe it.Tila gusto niyang umatras. Nais niyang pagsisihan ang pagbaba niya.
TBC

BINABASA MO ANG
REMEMBER ME THIS WAY
Любовные романыMARAMING taon na ang lumipas, ngunit hindi pa rin makalimutan ni Drake Lewis Ivan ang babaeng minahal niya nang lubusan.Si Sofia. Sofia was a very beautiful woman he has ever met.Such a beautiful woman that he couldn't believe to vanished. "You can'...