REMEMBER ME THIS WAY
Written by:Yeshameen BrejenteCHAPTER 10
NAKARATING kay Jewel ang balitang naglabas ng malaking halaga ng pera si Ivan.Dahil iyon ang sumbong ng banko sa kanya. Hindi niya alam kung para saan iyon gagamitin ng anak.
"Thirdy, I need to see Lewis Ivan. Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon. Una, nag-decide siya na umalis sa bahay na 'to and stay in the hotel.Two years na. Two years na siyang wala sa bahay and then this?" sabi ni Jewel na talaga namang nagtataka na sa ikinikilos ng panganay na anak. Hindi na yata niya ma-control ang mga anak.
"Jewel, malaki na ang anak mo. Baka magtalo lang kayo kapag nalaman niyang pati iyon ay sisitahin mo pa. It's his account. Pera niya ang inilabas niya." Sabi ni Thirdy na pinapa-kalma ang asawa.
"I know it's his money, Thirdy." Sabi ni Jewel saka naupo sa mahabang sofa na nakalagay sa paanan ng kama nilang mag-asawa. "Pero baka ano na ang pinagkaka-abalahan niyang anak mo. Lalo pa at laging wala sa office niyang para bang may inaasikaso."
"Baka naman business matters lang." Sabi ni Thirdy.
"Paano naman 'yung responsibilidad niya sa Company? Considering that he's a president? Alam mo, mas hanga ako kay Angelo. Nasa mababang posisyon pa ang batang iyon pero responsable. Mabuti na lang at lagi pa rin kami'ng puma-pagitna ni ate Angel sa mga board members na kinu-kwestiyon na ang posisyon niya't kakayahan!" sabi ni Jewel.
"Ivan has proved himself to deserve that position. At kahit may pinagdadaanan ang anak mo, ginagawa pa rin niya ang bawat tungkulin niya. Give him time, Jewel. Hindi na lingid saiyo ang pait na pinagdaanan ni Ivan. Let him stand, again. Let him do the things that he wanna do independently." Payo ni Thirdy sa asawa saka niya ito niyakap.Di na nagsalita pa si Jewel. May punto naman ang asawa niya.
MAAGANG umalis si Ivan tungo sa Batangas. May appointment na rin siya kay Señora Leonora. Bagamat di pa nito alam ang tunay na pakay niya't kinailangan pa niyang makipagkita rito sa unang pagkakataon. At nagagalak naman ang puso niya sa isiping makikita sa tahanan ng Señora si Catherine. Ang babaeng nag-papalakas ng pintig ng puso niya.
Nasa sala na siya't hinihintay ang pagbaba ni Señora Leonora. Nagustuhan niya ang disenyo ng loob ng tahanan ng mga ito. Moderno ang estilo. Alam niyang sa texture pa lang ng bahay ay matagal na itong nakatayo. Napapanatili na lang ang ganda dahil sa maayos na pangangalaga ng may-ari.
"Ivan Valencia?" tanong ng medyo may kalakihang boses ng Señora ang nagpalingon kay Ivan. "Related to Marc Valencia?"
"I'm his grandson." Nakangiti niyang sabi saka kinamayan ang matanda. Nakangiti namang tinanggap iyon ng Señora.
"Nice to meet you, tingnan mo nga naman at kuha mo ang kaguwapuhan ng iyong abuelo." Sabi ni Señora Leonora. At iminuwestra nito ang upuan sa binata. "It was Marc who designated this house. Hindi basta-basta ang materiales na bigay niya."
Kaya naman pala ay nagustuhan niya ang buong bahay. Sadyang mahusay na Architect nga ang lolo niya.
"Señora, nais kong bumili ng lupa dito sa Batangas.May naisip lang kasi akong negosyo na simulan dito. I've tried to look for a land with bunches of trees. A farm." Aniya dito." At may nakapagsabi sa akin na halos 80 porsyento ng malalaking sakahan ay kayo ang nagmamay-ari." Sabi ni Ivan sa magalang na pananalita. At napangiti naman ang Señorang mukhang naging proud pa at tanyag na ang authority niya.
"Tama iyon, hijo. Ngunit, palagay ko ay di kita matutulungan sa iyong pakay. Kung tutuusin, kulang pa ang mga lupang nais kong makuha. Gusto kong paalisin ang bawat magsasakang nakatira pa rin sa aking lupa. I want to make a commercial places. I want to build many Inns." Tugon ng matanda sa binata.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME THIS WAY
RomanceMARAMING taon na ang lumipas, ngunit hindi pa rin makalimutan ni Drake Lewis Ivan ang babaeng minahal niya nang lubusan.Si Sofia. Sofia was a very beautiful woman he has ever met.Such a beautiful woman that he couldn't believe to vanished. "You can'...