REMEMBER ME THIS WAY
Written by: Yeshameen BrejenteCHAPTER 15
AGAD namang tumayo si Ivan upang lapitan si Catherine. Tinapunan niya ng masamang tingin si Martha. Para bang nagsasabing, 'mag-uusap tayo!' Maging sina Jewel at Thirdy ay hindi rin gusto ang inasal ni Martha.
"Ivan, may mga damit si Shantie sa taas." Sabi ni Jewel sa binata. Tumango naman si Ivan at inalalayan ngang tumayo si Catherine. Dinala niya ito sa lavatory sa Comfort Room nilang nasa likod ng kusina.
"Pasensya ka na sa ginawa ni Martha, Cathy." Anas ni Ivan na siyang humihingi ng depensa sa nangyari.
"Halata namang di pa 'yon naka-move on saiyo, Ivan." Sabi naman ni Catherine na di maka-paniwalang sinadya ni Martha na matapon ang laman ng wine glass sa damit niya. Iniakyat ni Ivan si Catherine tungo sa silid ni Shantie. Namangha pa ang dalaga dahil walang kasing ganda at laki ang silid ng kapatid ni Ivan.
" Narito ang mga damit ng sister ko." Sabi ng binata saka binuksan ang closet ni Shantie. "Sayang at nasa America siya ngayon. Kundi sana ay maipakilala kita sa kanya. She'll surely love to meet you." Sabi ni Ivan na nakangiti. "I think babagay saiyo ang royal blue na mini-dress na 'to."
"Sobrang iksi naman, Ivan." Komento ng dalaga.
"Trust me, bagay 'to saiyo." Nakangiting wika ni Ivan. "Sige na, magbihis ka na."
"Ivan naman, eh." Reklamo niya.
"Talaga bang present girlfriend na kita, Catherine?" tanong nitong tumingin sa mga mata ng dalagang nang-aakit. Sinadya pa niyang ilapit sa dalaga ang mukha. Kinurot naman ni Catherine ang tagiliran ng binata na napapangiti na rin. Kaya di na napigilan ni Ivan ang yakapin ito. " I love you, Cathy."
"Di ako makahinga, Ivan." Sabi ni Catherine na kinikilig.
"Di naman kita bibitawan hangga't di mo sinasagot ang tanong ko." Sabi ni Ivan, pabiro lang iyon.
"Tingin mo, yayakapin din ba kita nang ganito kahigpit ngayon kung hindi pa kita boyfriend?" sabi naman ni Catherine. Kaya mabilis na kumalas sa yakap niya ang binata na malaki ang pagkakangiti.
"Yes!" Sabi ni Ivan saka binuhat ang dalaga't inikot-ikot.
"Ivan, basa ka." Anang dalaga nang mapansin ang damit nitong nabasa dahil sa pagkakayakap sa kanya.
"Oo nga, no?" Masayang saad ni Ivan saka niya ibinaba si Catherine. "Magbihis ka na, at ako ay magbibihis na rin sa room ko."
Tumango si Catherine at di niya inaasahang dinampian siya agad ni Ivan ng halik sa labi. It was just a smack. Ramdam niyang buhay na buhay ang bawat ugat niya't para bang kinu-kuryente. Masaya siya na di mai-paliwanag. Kaya pumasok na rin siya sa bathroom ni Shantie saka isinuot ang royal blue na mini-dress. Ramdam niyang nangangalay na ang mga binti niya dahil sa taas ng heels na suot niya.
"Kung ba't kasi kailangan pang naka-heels eh." Sabi niya sa sarili habang nakaharap sa salamin sa loob ng bathroom. Tinitignan ang kanyang reflection matapos isuot ang damit ni Shantie na nagkasya naman sa katawan niya. A soft knocks were heard out of the bathroom's door. Kaya nagmadali na rin siya matapos na mag-retouched. Sinasanay na rin niya ang sarili niya na magdala ng make-up saan man siya magtungo. And she found out that it was Ivan. Nababagay rito ang suot na manipis na white shirt.
"See, bagay na bagay saiyo." Nakangiting puri ni Ivan sa dalaga. "Perfectly, beautiful."
"Salamat, Ivan." Sabi ni Catherine.
"Ang ganda naman ng girlfriend ko." Sabi ni Ivan matapos titigan sa mga mata ang dalaga. "Halika nga dito." Saka niya niyapos muli ang dalaga. At pagdaka ay bumaba na din sila.
Wala na si Martha. Bigla na raw ito umalis matapos ma-realized na mali ang ginawa niya. Nakaupo sila ngayon sa sala.
"Ang ganda mo, hija. Bagay na bagay saiyo ang damit na 'yan." Sabi ni Jewel nang maupo sa tabi niya si Catherine.
"Thank you po, Ma'am-"
"Tita. Just call me,tita. Girlfriend ka na ngayon ng aking anak. And welcome to the family." Tugon ni Jewel na inayos-ayos ang magandang buhok ng dalaga. Natutuwa naman si Catherine. Sadyang mabait nga ang mga Valencia. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na rin sila. It's getting late and she needs to get home.
PAGDATING nila sa bahay ng mga Dela Ria, nadatnan nilang nasa sala si Alex na naghihintay.
"Papa.." tawag ni Catherine. Saka mabilis na lumapit dito at humalik.
" How was the dinner party?" tanong ni Alex saka tumango kay Ivan.
"Masaya po. Mababait ang parents ni Ivan." Tugon ng dalaga. "Papa, gusto ko hong makilala niyo si Ivan bilang boyfriend ko."
Saglit na natigilan si Alex. Pakiramdam niya ay may nangyayaring hindi kaaya-aya. Bagay na ikina-tatakot niya para sa anak. Umakyat si Catherine upang magbihis. Kaya naiwan sina Alex at Ivan.
" I am not against your relationship with Catherine." Simula ng matanda. " Pero, hindi rin biro ang naging pagmamahal mo noon para kay Sofia. Ayaw kitang pangunahan, hijo. Ayoko lang na dumating ang panahon na masaktan siya."
"Inaamin ko ho na minsan ay inakala kong siya si Sofia. Pero habang lumilipas ang mga araw, doon ko napagtanto na si Sofia ay isa na lamang alaala. Alaala na minsan sa buhay ko ay nangyari. At kung ano man ang mayroon kami ni Sofia noon, be rest assured that Catherine is different. Mahal ko siya bilang si Catherine at di dahil kay Sofia. Wala na si Sofia and that's the reality." Tugon ni Ivan.
"Ivan, paano kung sakaling buhay pa si Sofia ngayon? Paano kung hindi pala siya namatay noon?
Kaya mo bang panindigan ang sinasabi mong pagmamahal para kay Catherine?" tanong ni Alex sa binata."Isa lang ang alam ko, tito." Tugon ni Ivan. "I would not fall in love with different woman when Sofia is not gone. Pero wala na siya at kailangan kong mag-move on."
Bumaba na uli ng hagdanan si Catherine. Naka-sleeping dress na siya. Nakangiting minasdan ni Ivan ang dalagang bumababa ng hagdanan. At sinalubong niya ito ng isang mahigpit na yakap. Hindi naman mapakali sa mga sandaling iyon si Alex. Lalo pa ngayon at may relasyon na ang dalawa.
TBC
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME THIS WAY
RomanceMARAMING taon na ang lumipas, ngunit hindi pa rin makalimutan ni Drake Lewis Ivan ang babaeng minahal niya nang lubusan.Si Sofia. Sofia was a very beautiful woman he has ever met.Such a beautiful woman that he couldn't believe to vanished. "You can'...