Revealed

3.9K 124 4
                                    

REMEMBER ME THIS WAY
Written by:Yeshameen Brejente

CHAPTER 12

LABIS na nagulat si Ivan kung bakit naririto din si Alex Dela Ria.Ang tatay ni Sofia.

"Tito Alex,why are you here?"tanong ni Ivan sa matandang lalaki."What are you doing,here?"

"I've been following you.Simula nang sabihin mo sa akin may nakita kang kamukha ni Sofia ay di na natahimik ang loob ko.It's the curiousity that pushed me to get here."Sabi ni Alex sa binata.Naguluhan naman si Catherine sa narinig.Ano nga ba ang kaugnayan nito sa buhay niya?

"Hindi ko kayo maunawaan." Sabi ni Catherine na napapailing."Narito ba kayo para ipamukha na naman sa akin na si Sofia na naman ang inyong nakikita sa katauhan ko? Mawalang galang na ho pero,nakasama mismo ako ni Ivan sa puntod ng inyong anak kanina.Sino ba kayo?"

"Malaki nga ang iyong pagkakahawig kay Sofia.But of course,you cannot be her.She's gone and that was two years ago."Sabi ni Alex saka lumapit sa dalaga.At niyakap niya ito nang mahigpit."Matagal na akong nangungulila sa aking anak,Catherine."

Hindi rin alam ni Ivan kung totoo ba ang mga sinasabi ni Alex sa kanya o nagpalusot lang ito.
Ano nga ba talaga ang ugnayan nito sa buhay nina Sofia at Catherine?

"Umalis na ho kayo,dito!" Sabi ni Catherine kay Alex."Walang karapatan ang isa sa inyo para kilalanin ako bilang kamukha ni Sofia.Dito ang buhay ko sa Batangas.Imposibleng mayroon akong kamukha.Imposibleng kambal kami."

Nangungusap ang mga mata ni Alex.Parang humihingi ng unawa.Hindi maunawaan ni Ivan ang klase ng tinging iyon.

"I think,I have to go."Sabi ni Ivan."Cathy,I'm sorry."

Tumingin naman ang dalaga sa kanya.It makes her feel like she wanna stop him.But Catherine didn't say anything at all.Hanggang sa makaalis na lang si Ivan.

"Umalis na ho kayo."Sabi ni Catherine sa matanda."Ano ba ang kailangan niyo sa akin?"

"Kumusta ka na, Cathy?" tanong ni Alex sa dalaga.

"Sino at ano ko ba kayo sa buhay ko? Bakit kayo naririto? Pwede bang sagutin mo ang lahat ng mga tanong ko?"wika ni Catherine.

Hinawakan ni Alex ang mga kamay ng dalaga saka niya ito inayang maupo sa silyang yari sa kahoy na nasa lilim ng punong mangga.

"Catherine,matagal na ang panahong lumipas.Alam kong marami akong pagkukulang saiyo.Pero may mga bagay na dapat ay panatilihin na lang bilang isang alaala."Sabi ni Alex sa dalaga.

"Wala pa rin akong maintindihan.Ako nga ba talaga si Sofia?"tanong niya sa sarili gayong alam niya sa puso at isip niyang siya si Catherine.

"Ayokong pangunahan ang iyong ina upang sabihin saiyo ng totoo."Sabi ni Alex.

Gustong maiyak ni Catherine.Mukhang mayroon nga siyang hindi nalalaman tungkol sa kanyang pagkatao.Sinundan na lamang niya ng tingin ang papaalis ng sasakyan ni Alex.

Kaya naman ay mabilis nang tinungo ni Catherine ang lupang sinasakahan ng tatay niya.Ang lupang nabawi na ni Ivan para sa kanila.

Pagdating ni Catherine sa kanilang sakahan ay nakita niyang nagsusunog ng mga tuyong dahon si Aling Agnes.

"Inay,pwede ho ba tayong mag-usap?"sabi ni Catherine sa marahang boses,ngunit hilam ang luha sa mga mata.Itinigil naman ni Aling Agnes ang kanyang ginagawa.Saka nilapitan ang dalaga.Dinala niya ito tungo sa maliit nilang kubong pinagpapahingahan nila.Naupo sila sa sahig na yari sa kawayan.

"Bakit anak? May problema ba?"tanong ni Aling Agnes.

"Inay,kaanu-ano ko ho ba si Alex Dela Ria? At kaanu-ano ko si Sofia?"tanong ng dalaga.At nagpakawala naman ng malalim na buntong hininga ang ginang.Siguro nga ay panahon na upang malaman ni Catherine ang buong katotohanan.

"Magkapatid kayo ni Sofia.Siya ang iyong kakambal na pumanaw na.Dalawang taon na ang nakaraan.At si Alex ay ang tunay niyong ama."Pagtatapat ni Aling Agnes."Dati kaming magkasintahan ni Alex,ngunit tutol ang kanyang mga magulang sa akin dahil hamak na katulong lang ako.Pinaghiwalay nila kami,huli na nang malaman kong buntis ako.Hanggang sa makilala ko ang tatay mo.Siya ang nanindigan sa akin.Inako niya kayo."

Naging emosyonal na si Aling Agnes.Napaluha siya habang nagku-kwento."Pareho kayong sakitin ni Sofia.Ngunit nagka-Leukemia ang kapatid mo.Hindi na maagapan ang sakit niya dahil malala na ito, nang ma-diagnose siya sa sakit na iyon.Naalala mo ba nang operahan ka sa puso?"

Oo may sakit sa puso si Catherine,noon.Nang mamatay si Sofia ay nag-desisyon silang isalin kay Catherine ang puso nito.Biglang napaluha si Catherine.Dahil ang puso ng kakambal niya'y muli na naman yatang umibig kay Ivan.Sa minamahal nitong si Ivan Valencia.

"Bakit ngayon niyo lang sinabi sa akin,Nay?" Luhaang tanong ni Catherine saka yumakap sa ina.Kawawa naman pala ang kakambal niya.Kaya mabilis na rin niyang iniwan ang sakahan nila't nagmadali na itong umalis tungo sa bus terminal.

Kailangan niyang makausap ang tunay niyang ama.Kailangan niyang makilala si Alex.Gusto niya ring puntahan ang puntod ni Sofia.Umiiyak pa siya habang sakay na ng bus ngayon.

"Ipinagkait niyo sa amin ni Sofia ang mamuhay ng magkasama.Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyo kaming paghiwalayin.Ni hindi ko man lang siya nakilala."Aniya sa sariling luhaan.Hilam ang mga luha sa mata ng dalaga.

Naging matulin ang takbo ng sasakyan.Dahil mukhang nasira yata ang brake ng bus ay di na ma-control pa ng tsuper ang speed running ng bus na kanilang sinasakyan!

Wala ng ibang paraan pa kundi ang ibangga na lang ng tsuper ang bus sa gilid ng daan bago pa sila tuluyang sumadsad sa bangin.At tumama naman ang ulo ni Catherine sa matigas na bahaging iyon na di pa matukoy kung ano.

TBC

REMEMBER ME THIS WAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon