REMEMBER ME THIS WAY
Written by:Yeshameen BrejenteCHAPTER 7
"S-sir bakit ho?" tanong ni Catherine na labis ang pagkagulat.
"Catherine, bakit mayroon kang kwintas na ganyan?" seryosong tanong ni Ivan sa kanya habang hawak siya sa magkabilang braso.
"Nakakagulat naman kayo, Sir. Akala ko naman ay ano na." Sabi ni Catherine saka nakahinga nang maluwag. "Habang nagwawalis ho ako ay napulot ko ang kwintas na 'to. Maganda kasi kaya naisipan kong isuot. Nakalimutan ko tuloy na hubarin. Sorry ho."
Sapo naman ni Ivan ang sariling noo. Akala niya kanina ay kung ano na ang maaaring ibig sabihin no'n.
"Akin na." Mahinahong sabi ni Ivan saka inilahad ang kanang palad upang kunin iyon. Kaya agad namang ini-unlock ng dalaga ang kwintas saka isinoli sa binata.
"Pasensya na ho, Sir." Sabi ni Catherine saka ipinagpatuloy na ang pagwawalis.
Umupo si Ivan sa kanyang swivel chair. Saka itinapat sa dibdib ang kwintas na bigay ni Sofia sa kanya. Ang kwintas na iniwanan nito sa kanya. Lagi kasi itong nakapaloob sa bulsa niya kahit saan man siya magtungo. At siguro nga ay posibleng nahulog 'yon.
Batid ni Catherine na maaaring napakahalaga ng kwintas na 'yon para sa binata. Hindi na lang siya nag-usisa dahil wala naman siyang karapatan. Mukhang naging abala si Ivan sa pagbabasa ng mga nakasulat sa bawat papeles na hatid ni Gina. Ang personal secretary nito at sa bawat nakikita ni Catherine na labas-pasok si Gina ay nanliliit siya sa sarili. Iba kasi ang bawat tinging ipinupukol nito sa kanya.Habang siya ay tatayo lang kapag kailangan ni Ivan ng snacks.
Gumabi na ang panahon. Halos ay di iyon namalayan nina Ivan at Catherine. Karamihan sa mga empleyado ay nagsiuwian na. Habang si Ivan ay marami pa ring pini-pirmahang mga papeles.
Napatingin ang dalaga sa malaking wall clock ng opisina.Tiyak na gagabihin na siya ng uwi.
Lalo pa at nasabi na ni Ivan sa kanya na hindi pa siya makakauwi hangga't naririto pa ito. She wanted to remind him, pero sino ba siya upang gawin 'yon? Inayos na lamang niya ang bawat magazines at mga libro na naka-display sa malaking bookshelves.Pinunasan saka inayos nang naaayon sa uri nito. Hanggang sa maging maayos ang buong opisina."Naku, tulog na si Sir." Puna niyang napakamot sa pisngi. "Ang daya naman." Tumayo siya saka lumapit sa desk ni Ivan. Di sinasadyang namasdan niya ang hitsura nito. Napakaguwapo at napaka-kisig. Naka-suot pa ito ng maliit na reading glasses. Wavy ang medyo mahaba-haba nitong buhok. Maganda ang hugis ng labi na para bang pinagpapantasyahan ng mga babaeng makakakita sa kanya. Dahan-dahang inalis ni Catherine ang eyeglasses ni Ivan. Sa paraang hindi ito magigising.
"Sofia.." bulong ni Ivan na animo'y nananaginip. "Please don't leave me. Please, don't."
"Nasaan kaya si Sofia? Bakit napakalungkot mo, Sir? Ano ang nangyari sa inyo ni Sofia?" tanong ni Catherine habang minamasdan nang maigi ang maamong mukha ng binata. She took a look at him, closer.
"Catherine!" gulat na wika ni Ivan nang mamulatan ng mga mata ang dalaga. "Ano'ng oras na?"
"Sir, past 11a.m na ho." Tugon ni Catherine na bigla ring kinabahan dahil nahuli siya nitong nakatitig sa kanya. "Wala na ho akong bus na masasakyan. Mamayang 4.am pa ang first trip."
"I'm sorry, nakatulog ako. I can take you, home." Sabi ni Ivan."Or better yet dalhin na lang kita sa resort at doon ka na magpalipas ng oras. Hindi ka ba hahanapin sa inyo?"
"Natural ho nag-aalala na sa akin ang mga magulang ko.Tulog pa sila nang madaling araw kaya di ho ako nakapagpaalam." Sabi ni Catherine.
Iniunat ni Ivan ang mga kamay niya't mga braso. Kaya lumagutok ang mga iyon. Lalo na ang leeg niyang medyo nangangawit.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME THIS WAY
RomanceMARAMING taon na ang lumipas, ngunit hindi pa rin makalimutan ni Drake Lewis Ivan ang babaeng minahal niya nang lubusan.Si Sofia. Sofia was a very beautiful woman he has ever met.Such a beautiful woman that he couldn't believe to vanished. "You can'...