REMEMBER ME THIS WAY
Written by:Yeshameen BrejenteCHAPTER 14
SA paglipas pa ng mga araw ay lalo pang naging close sina Catherine at Ivan. Lagi pa rin siyang dinadalaw ng binata sa mansion ng mga Dela Ria. At pakiramdam ni Catherine ay mayroon ng puwang sa puso niya si Ivan.
"Pwede ba kitang imbitahan sa amin, tonight?" tanong ni Ivan sa dalaga habang naglalakad sila sa may hardin ng mansion.
"Bakit, Ivan? Ano'ng meron?" tanong naman ng dalaga.
"I want you to meet my family. Ipapakilala kita sa kanila.I hope you won't mind it." Masuyong wika ni Ivan saka hinawakan sa kamay ang dalaga.
"Baka naman nakakahiya, baka isipin pa nila na feeling ko naman girlfriend mo 'ko. Knowing that I am not-"
"Let's not talk about Sofia, anymore. Ikaw ang kasama ko ngayon, ikaw na ang narito." Saad ni Ivan saka itinuro ang tapat ng dibdib niya. "Sana naman, isang araw ay kaya mo ring tugunin ang tibok nito."
Napangiti ng matamis si Catherine. Naniniwala naman siyang limot na ni Ivan si Sofia. But there are many things bothering her.
"Ivan, pwede ba akong magtanong?" anang dalaga.
Mukhang alam na ni Ivan ang itatanong nito. Batid niyang may kinalaman na naman si Sofia sa magiging tanong niya.
"What is it?" Sabi ni Ivan. Saka nagpakawala ng buntong-hininga.
"May namagitan na ba sa inyo ni Sofia?" curious na tanong ng dalaga saka tuwid na tumingin sa magaganda at maaamong mata ng binata.
Ivan doesn't know if he has to answer her question or not. But he needs to be true. Because love won't lie and love doesn't need a story to be untold. He don't need to keep everything a secret. Because Sofia was his past.
"Isang beses, Cathy." Tugon ng binata saka tumanaw sa blue sky. "That was the last time I saw her."
"Kaya naman pala sobra-sobra ang pagmamahal mo sa kanya." Tanging saad ni Catherine. Ewan pero nais niyang magselos sa nakaraan nito. At kung tunay na ba siyang iniibig ni Ivan o nakikita pa rin nito ang namayapang kakambal niya sa kanyang katauhan.
Ivan hold her hands and he sighed. Saka muling tumingin ng tuwid sa mga mata ng dalaga.
"Kung minahal man kita ngayon, iyon ay dahil sa aking nararamdaman. Hindi dahil sa nakikita ko si Sofia saiyo. Huwag mo naman sana ako'ng pagdudahan, Catherine." Tapat na wika ng binata. Kaya naman ay napangiti na ang dalaga. Marahang kumilos ang mga kamay niya saka dahan-dahang tinanggal ang reading glass na suot ni Ivan.
"Mas gwapo ka pala kung wala kang salamin." Sabi niya saka napangiti nang matamis. Ngunit maluha-luha naman ang mga mata ni Ivan nang tanggalin iyon ni Catherine.Ngumiti siya.
"Simula nang mawala si Sofia noon, minsan na akong naaksidente. Lagi ko kasi siyang nakikita minsan sa dagat na tumatawag sa akin, minsan sa daan. My doctor said it was an illusion dahil siya lang lagi ang laman ng puso ko. Pero batid kong si Sofia iyon, nagpaparamdam sa akin. She always told me to remember her as beautiful as she was. Kaya,kahit saan ako magpunta at kahit ano ang gawin ko, lagi ko siyang naaalala at lagi pa rin akong nasasaktan. Dahil di ko pa rin matanggap na wala na nga siya. Minsan nang nabangga ang kotse ko sa poste, may mga bubog na tumama sa mga mata ko. Good thing na naagapan iyon. Hindi naman ako nabulag, but my vision wasn't that good like before. " Sabi ni Ivan, kaya naman ay ibinalik ng dalaga sa mga mata nito ang maliit niyang reading glass.
Nagtama ang paningin nila saka sila parehong ngumiti. Pagdaka ay unti-unting nagyakap.
SUMAMA nga si Catherine sa tahanan ng mga Valencia.Ipinakilala siya ni Ivan kina Thirdy at Jewel at kay Miggy.Tanging si Shantie ang wala sa bahay.
Anniversary nina Jewel at Thirdy kaya naman ay dumaan muna sila sa isang Mall at bumili ng panregalo sa mag-asawa.
"We are glad to meet you, hija." Saad ni Thirdy sa dalaga.
"Maraming salamat ho." Tugon niya dito at dumiretso na sila sa dining room. Hindi nagtagal ay dumating naman si Martha.
"Happy Anniversary to the both of you!" masayang bati ni Martha nang bumungad ito sa pintuan. At nawala lang ang ngiti niya nang makitang nasa tabi ni Ivan si Catherine.
"Hi, Martha. It's good to see you here." Sabi ni Jewel saka tumayo at sinalubong si Martha. Humalik agad ang dalaga sa pisngi ni Jewel. She's trying to be okay. "May bisita si Lewis Ivan. It's Catherine."
Tumango naman si Martha saka lumapit kay Ivan. Sa inis na nararamdaman kanina nang mabungaran si Catherine ay pinili niyang hagkan sa mga labi ang binata. Although, it was a smack hindi mapigilan ni Ivan na mainis.
"Martha! " saway niya dito. Saka naman napangiti ang dalaga. Naging seryoso naman si Catherine, dahil nasaksihan niya iyon.
"Hey Catherine. I'm Martha. Ivan's ex." Pagpapakilala niya dito saka naglahad ng kanang palad.
"I am Catherine. Ivan's girlfriend." Saka kumindat sa binatang alam niyang nainis sa lantarang pang-hahalik sa labi ng binata. Medyo malakas ang pagkakapisil niya sa mga palad ni Martha kaya bahagyang nasaktan si Martha.
"I suggest you to try our product, Catherine. Our new lotion. Baka gumaling ang kalyo ng mga palad mo. Magaspang kasi at masakit." Saad ni Martha. But, Catherine didn't mind it. Hindi na siya nagsalita pa.
Nagkatinginan naman sina Jewel at Thirdy.The meals were served by their housemaids. Sanay na sanay kasi'ng magkamay si Catherine. Hindi siya sanay na gumamit ng kutsara't tinidor. Natalsikan ang magarang damit ni Martha ng chicken na may sauce habang hinihiwa ng dalaga't di sinasadyang lumipad ang sliced ng manok.
Galit na galit si Martha. Bagay na nagpakaba sa dalaga.
"I'm sorry, Martha." Apologetic niyang sabi.
"My God, Ivan! Heto ba ang ipinalit mo sa akin? Isang babaeng taga-bundok?" iritableng saad ni Martha saka pa-simpleng sinadyang magalaw ng braso niya ang laman ng wine glass, dahilan upang mabasa ang damit ni Catherine. "Mukhang mabilis ang karma! "
TBC

BINABASA MO ANG
REMEMBER ME THIS WAY
RomansaMARAMING taon na ang lumipas, ngunit hindi pa rin makalimutan ni Drake Lewis Ivan ang babaeng minahal niya nang lubusan.Si Sofia. Sofia was a very beautiful woman he has ever met.Such a beautiful woman that he couldn't believe to vanished. "You can'...