REMEMBER ME THIS WAY
Written by:Yeshameen BrejenteCHAPTER 8
NATIGILAN naman si Ivan nang makitang nasasaktan si Catherine.
"Sofia, why?" tanong ng binata.Nag-aalala. Isang sampal naman ang ipinadapo ni Catherine sa binata.Kahit pa sumakit ang ulo niya.Wala siyang pakialam kahit masisanti pa siya sa trabaho.Hindi porke't boss niya ito ay pwede na siya nitong hagkan kung kelan niya gustuhin.
"Hanggang kelan ko ba sasabihin sa inyo na di ako si Sofia? Sumusobra ka na Sir Ivan. Masyado kang obsessed sa babaeng iyon at pati ako pinagti-tripan mo!" galit na sabi ng dalaga saka inirapan ang binata.
Ivan is back to his senses. Lasing nga siya. At ewan kung bakit naririto siya ngayon.Kung bakit niya pinuntahan si Catherine.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Ivan sa dalaga.
"Umalis ka na, Sir."Pagtataboy niya rito.Bigla namang nawala ang sakit ng kanyang ulo. At saka niya ito iniwan sa labas.Hindi niya maintindihan kung bakit narito si Ivan ngayon. Kung kamukha man niya si Sofia, siguro nga ito ang nais nitong makita at di siya.
Ilang sandali pa ang lumipas ay narinig na lamang ni Catherine ang malakas na pagharurot ng kotse ni Ivan.He's gone. At hindi siya makapaniwala na lagi na lamang nitong naaalala si Sofia sa kanya.
"Kung sino ka man Sofia, ano ba ang koneksyon mo sa pagkatao ko? Bakit gano'n na lang kasabik saiyo ang lalaki na 'yon? Iba ako.Hindi ako, ikaw! Kung nasaan ka man, bakit di ka na lang bumalik sa kanya?Para matahimik na siya.Para tigilan na niya ako!" ani Catherine sa sarili na para bang maririnig siya ni sofia.
Hindi nakatulog ang dalaga.Buong gabi siyang napapaisip.Kung may paraan lamang siya para malaman kung sino si Sofia, baka di na siya mag-atubiling alamin iyon at puntahan para makita mismo ng mga mata niya ang mukha nitong inihahalintulad sa kanya.Para bang di rin lumilipas ang oras.Mukhang mabagal ang pagtakbo ng orasan sa dingding na nakasabit sa silid na ipinagamit sa kanya ni Shezel.Nais na niyang umuwi sa kanila.Ngayon ay batid niyang si Sofia ang dahilan kung bakit kinuha siya ni Ivan para gawing assistant secretary.
"Wala naman akong ginagawa sa opisina niya ay bakit pa ako mananatili doon? Ang lakas ng loob niyang halikan ako nang ganoon na lamang!" sabi ni Catherine sa sarili. At buo na ang pasya niyang huwag na lamang muling pumasok sa Company ng mga Madrigal.
NASA hotel room na ngayon si Ivan. Hawak ang pisngi niyang nakatanggap ng malakas na sampal mula kay Catherine. Ganoon na lamang ba ang pangungulila nito kay Sofia at kailangang gamitin niya ang dalagang si Catherine.
"Stupid!" galit na bulyaw ni Ivan sa sarili."You should apologize to her, Ivan!" saka niya sinulyapan ang mga portraits ni Sofia na nakasabit sa dingding ng buong hotel room. At kahit anong gawin niya'y di pa rin niya mapigilan ang sariling mapaluha sa tuwing naaalala ang dalagang tuluyan na siyang iniwanan. All he have right now is a memory of her. A memories to just remember as a most happiest days of his life. "Help me to move on, Sofia. Please, help me how and tell me where to start. Dahil napakahirap."
NAG-IWAN na lamang ng liham si Catherine para sa kaibigang si Shezel. Malapit nang mag-alas kwatro ng madaling araw.Kailangan niyang magpunta sa bus terminal. Kailangan niyang makasakay sa first trip. Alam niyang labis na ang pag-aalala sa kanya ng kanyang mga magulang.
Habang sakay siya ngayon ng bus tungo sa Batangas ay nalulungkot siya. Hindi niya alam kung makakahanap pa ba siya ng mapapasukang trabaho. Hindi na niya kailangang manatili pa sa Kumpanya ng mga Madrigal, para maalala lamang ni Ivan si Sofia sa kanya. Hindi siya pwedeng gamitin ng kung sino man.Kahit ni Ivan pa.
Nang makarating si Catherine sa maliit nilang barung-barong ay nakita niya ang nanay niyang nagwawalis ng bakuran at ang tatay niya ay nagpapakain naman ng mga alaga nilang manok.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME THIS WAY
RomanceMARAMING taon na ang lumipas, ngunit hindi pa rin makalimutan ni Drake Lewis Ivan ang babaeng minahal niya nang lubusan.Si Sofia. Sofia was a very beautiful woman he has ever met.Such a beautiful woman that he couldn't believe to vanished. "You can'...