Meeting Catherine

5.4K 140 5
                                    

REMEMBER ME THIS WAY
Written by:Yeshameen Brejente

CHAPTER 4

TWO YEARS AGO.

GANO'N na rin katagal na nawala si Sofia sa mundo.Hindi gano'n kadali para sa isang puso ang lumimot sa sakit.Sa sakit ng pagkawala ng isang minamahal.Ang mga alaala ni Sofia na lang ang tanging kasama ni Ivan.Ang magagandang larawan ng dalaga kung saan niya ito unang nakita.Iyon na lamang ng tanging inspirasyon ng binata upang ipagpatuloy ang buhay.Suot din niya ang kwintas na iniwan ni Sofia sa kanya.Kahit kelan hindi pa niya 'yon hinuhubad.

Sa Lewishantie hotel pa rin siya nakatira hanggang ngayon.Sa silid kung saan maraming magandang alaala meron siya kasama ng yumaong dalaga.Bumibisita na lamang siya sa kanila kapag nagka-oras siya at dahil nauunawaan siya ng inang si Jewel ay hinayaan na lamang siya sa kagustuhan niyang bumukod ng tahanan mula rito.Ang silid ng hotel ay puno na ng malalaking portraits ni Sofia.Naroon na din ang mga frames na puno pa rin ng larawan ng namayapang dalaga.Mahigpit niyang ipinagbabawal ang mga crew na maglinis ng silid na 'yon.Dahil siya na mismo ang gumagawa no'n.

Mula nang mailibing si Sofia ay di na niya dinadalaw ang puntod no'n.Gusto niyang isipin na hanggang sa mga sandaling ito ay kasama pa niya ang dalaga.He don't want to remember her, died.

Kakalabas niya lamang mula sa loob ng company nila nang aksidenteng makita niya ang isang babaeng malaki ang pagkakahawig kay Sofia.Akala niya ay namamalik-mata lamang siya, ngunit batid niyang hindi.Kinuso niya ang mga mata, dahil baka sakaling dinadaya lamang siya ng kanyang paningin.

"Sofia." He uttered.Ngunit mabilis yatang nakasakay ng jeep ang babaeng 'yon.Nagmadali siyang sumakay sa kotse niya upang sundan ang babaeng 'yon.Hindi siya pwedeng magkamali.Si Sofia 'yon.

Naiipit pa siya sa makapal na traffic.Mas mabilis yata ang naging takbo ng jeep.Kaya di na niya 'yon nasundan .Naiinis tuloy dahil bigo sa hangaring muli ay makita nang malapitan ang mukhang kanyang matagal ng pinanabikan.

Dumiretso na nga siya sa Lewishantie.At nang mai-park niya ang kotse ay nadatnan niya si Martha.Ang ex-girlfriend niya.

"Ivan."Tawag ni Martha.Nakita nga nitong nangangayayat na ang dating nobyo.

"Martha?"He said."You're here?"

"Kararating ko lang kanina.Sabay kaming dumating ni mommy.Nasa Paris naman sina dad at Lucille."Nasabi ni tita Jewel na narito ka nga."

Walang emosyon sa mukha ng binata nang marinig 'yon.

"I can't tour you around,Martha.Alam ko naman na kabisado mo na ang resort,have fun.Excuse me."Sabi ni Ivan sa dalaga.

"Okay,Ivan."Sabi ng dalaga,saka lumapit dito at hinagkan sa pisngi ang dating iniibig."Goodnight."

Tumalikod na si Ivan sa dalaga.Nabalitaan na rin ni Martha ang pinagdadaanan ni Ivan.Pero kahit nagbalik man siya ng bansa ngayon ay di dahil may nararamdaman pa siya para sa binata.Kung naririto man siya ngayon,iyon ay dahil nag-aalala pa rin siya dito,bilang isang kaibigan.Naging maayos naman ang closure ng break up nila.And they're in good terms,after all.Dumiretso na siya sa restaurant ng napakalaking resort.

Pagdating ni Ivan sa silid na ino-okupahan niya ay agad niyang hinagkan ang larawan ni Sofia.Hindi niya mawari kung bakit nakita niya ang mukha nito kanina.

"Nagparamdam ka lang ba, kanina? Ang daya mo talaga.Masyado kang mabilis na naglaho."Ivan said as he is holding the frame. Ang larawang kuha niya nang matakpan nito ang sunset dahil sa pagtalon sa harap niya tungo sa dagat noon.

REMEMBER ME THIS WAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon