REMEMBER ME THIS WAY
Written by:Yeshameen BrejenteCHAPTER 11
HINDI naman maintindihan ni Catherine kung bakit yumakap na rin siya sa binata.Lalo pa at magkahalong emosyon ang nadarama niya ngayon.Naaawa siya sa matinding pinagdaraanan ni Ivan. At ngayon ay magulo ang utak niya dahil sa pagkakahawig ng mukha nila ni Sofia at kung bakit nasabi ni Ivan sa kanya ang bagay na iyon ay di niya alam.
"Sir Ivan." She said.Trying to think that she heard him wrong.
"Totoo ang sinabi ko saiyo, Catherine." Sabi ni Ivan nang humiwalay sa yakap niya. "At sana ay bigyan mo 'ko ng chance para patunayan saiyo na totoo ang sinabi ko."
"Hindi ko alam, Sir.Pero malakas ang kutob ko na nakikita niyo lang si Sofia sa akin, kaya niyo nasasabi ang bagay na 'yan."Sabi ni Catherine sa binata saka tumalikod dito.
"Inaamin ko noong una, akala ko ikaw si Sofia.Kahit alam kong imposible.I was there, when we laid Sofia to rest. I saw her corpse at dahil unti-unti kong inaalam ang iyong pagkatao, napagtanto ko na kahit kelan, hindi ka pwedeng maging si Sofia." Sabi ng binata.Saka niya iniharap ang dalaga sa kanya.
"Gusto kong pag-aralan mong mabuti ang iyong nararamdaman.Huwag kang magpadalus-dalos.Bago mo lang ako nakilala at sana, hindi mo ako ginagamit.Para lang maalala si Sofia sa aking katauhan."Sabi ni Catherine. "Iuwi mo na ako sa amin."
Hindi na nagsalita pa ang binata.Hindi naman niya masisi si Catherine.Dahil ilang beses niya rin itong pinagkamalang si Sofia.Wala na silang naging imikan sa haba ng byahe nilang pabalik ng Batangas. Nakatingin naman si Catherine sa mga nadadaanan nila.Habang itinuon na lang ni Ivan ang sarili sa pagmamaneho.
Gabi na nang marating nila ang Batangas.Kaya ramdam ni Catherine ang pagod ng katawan niya.Napagod naman talaga siya sa paninilbihan kina Señora Leonora.Sumakit na tuloy ang batok niya.
"Salamat sa paghatid." Mahinahong sabi ni Catherine sa binata and Ivan just can't get enough of her.Titig na titig siya sa gandang taglay ng dalaga.Her simplicity that symbolizes a deep beauty. And behind her beautiful face, is a woman with brave personality.
"I love you, Catherine."Sabi ni Ivan, medyo pabulong iyon ngunit dinig na dinig ng dalaga.Bababa na sana ang binata upang pagbuksan ng pinto ng kotse ang dalaga nang bigla na lang niya itong niyakap."I'll be missing you."
At some point, Catherine smiled. Wari ay kinikilig sa narinig.She has never been in a relationship all her life and though she feel loved by Francis before, di pa rin katulad sa nararamdaman niya sa tuwing kasama si Ivan ngayon.
"Mag-iingat ka sa iyong pag-uwi." Nakangiting wika ni Catherine. At di niya mapigilang mapasulyap sa maamo at guwapong mukha ni Ivan nang magtanggal ito ng suot na eyeglasses.
"Mag-iingat ako para saiyo."Tugon ni Ivan na para bang bumuhay ng libu-libong kuryente sa katawan ng dalaga."I love you."
Malaki ang ngiti ni Catherine habang kumakaway sa papalayo nang kotse ni Ivan.Pakiramdam ng puso niya ay wala na nga siyang mahihiling pa.
NANG makarating si Ivan sa Lewishantie Resort ay nadatnan niya ang kanyang Mama na naghihintay sa lobby ng hotel na tinutuluyan niya.
"Ma?" kunot ang noong wikang patanong ni Ivan sa ina.
"Lewis Ivan, hijo." Emosyonal na sabi ni Jewel sa anak.Saka niya ito niyakap nang mahigpit.
"Mama, may problema ba?" tanong ni Ivan sa ina saka niya ito hinagkan sa noo.Maging si Jewel ay di makapaniwala kung bakit mukhang lumalambot na ang pamamaraan ng binata kahit nakikita siya ngayon dito.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME THIS WAY
RomanceMARAMING taon na ang lumipas, ngunit hindi pa rin makalimutan ni Drake Lewis Ivan ang babaeng minahal niya nang lubusan.Si Sofia. Sofia was a very beautiful woman he has ever met.Such a beautiful woman that he couldn't believe to vanished. "You can'...