REMEMBER ME THIS WAY
Written by:Yeshameen BrejenteCHAPTER 6
GANO'N na lamang ang pagkagulat ni Ivan sa narinig. Biruin mo ka-babaeng tao ay umutot sa harapan niya? At mas lalo namang napahiya si Catherine. Kung bakit kasi dito pa niya iyon napakawalan. Agad na pinamulahan ng mukha si Catherine.
"I'm sorry, ho." Hinging paumanhin niyang nagpapakatotoo na lang. Hindi naman alam ni Ivan kung paano pa mag-react. And he tried his best not to laugh, pero sino ba ang di magugulat? Napangiti siya nang di sinasadya.
"Di lang ako makapaniwala." Umiiling na sabi ni Ivan sa kanya na nagpipigil ng sariling matawa.
"Ako na ho ang babaeng malakas ang loob na umutot sa harap niyo, pero Sir di ko naman 'yon sinasadya. Sumakit lang ang tiyan ko". Paliwanag ni Catherine.
"It's alright. Di mo 'yun napigilan." Nakangiting sabi ni Ivan at di pa rin maka-get-over sa nangyari.
"Teka, Sir paano niyo naman nalaman ang number ko? Di naman ako nag-submit ng resume dito, ah?" Catherine said while staring at the whole office.
"Apply ka ng apply sa iba eh di ka naman natatanggap. Kung sino pa ang di mo ina-apply'an ang siya pang nag-hire saiyo. And don't tell me that you're going to say, no." Sabi ni Ivan.
"Kailangan ko ho ang trabaho, ngayon. At maaaring hindi naman naging maganda ang mga una nating pagkikita, gusto kong magpasalamat sa inyo." Sabi ni Catherine.
Ngumiti si Ivan. Maaaring magka-problema na naman siya sa pamilya niya at sa mga board members dahil sobra na ang empleyado sa malaki nilang Company. And hiring Catherine to be his assistant secretary, alam niyang marami na naman ang ku-kontra.
"Ikaw ang magiging tagapag-timpla ng coffee sa akin. Gusto kong ikaw ang magpanatili na maayos lagi ang office ko.You can stay here, as long as I am here. At ang personal secretary ko na ang bahala sa lahat." Sabi ni Ivan.Tumango naman si Catherine. "Isa ka ng empleyado dito. At ang lahat ng empleyado ay sumusunod sa rules ng Company. Bawal ang sumbrero. And starting tomorrow, gusto ko wala na 'yan.You will be issued a formal office uniforms."
"Huwag naman sana akong maghi-heels, Sir." Hirit niya.
"Kailangan mong mag-heels like the rest of the employees, Catherine.I hired you and you should follow the rules." Sabi ni Ivan bagamat nakangiti ay naroon ang ka-seryosohan. "Nag-breakfast ka na ba?"
Tumunog ang tiyan ni Catherine. Hindi niya alam kung paano pa nakakaharap ng ganito sa boss niya matapos ang kahiya-hiyang nagawa kanina.
"Takot ho kasi akong ma-late kaya nagmamadali na ako'ng pumarito. Lalo pa at sa Batangas pa ako nakatira." Sabi ni Catherine.
"Kaya nagmadali ka? At di ka na nag-breakfast?" tanong ni Ivan at naupo sa kanyang swivel chair. Gwapo ang binata, bumagay dito ang buhok niyang blonde na wavy ang estilo.Sobrang tangos ng ilong at mamula-mula ang mga labi na akala mo ay may bagong kahalikan lamang. Magaganda din ang mga impressive eyes nito.Maganda at matikas ang katawan na kahit anong suot ay buma-bagay dito.He took his mobile and called a food chain for a meal delivery.
Si Catherine naman ay naupo na muna sa sofa di kalayuan sa desk ni Ivan.Inikot-ikot niya ang mga mata sa kagandahan at kalakihan ng buong opisina ni Ivan.
"Catherine, I wanna say sorry for what happened on the past few days. Sorry kung napagkamalan kitang si Sofia." Sabi ni Ivan in an apologetic way.
"Ayos lang ho.Nakakapagtaka lang kasi at may taong pinagkakamalan akong gano'n. Sino nga ba si Sofia, Sir?" cuurious na tanong ni Catherine.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME THIS WAY
RomanceMARAMING taon na ang lumipas, ngunit hindi pa rin makalimutan ni Drake Lewis Ivan ang babaeng minahal niya nang lubusan.Si Sofia. Sofia was a very beautiful woman he has ever met.Such a beautiful woman that he couldn't believe to vanished. "You can'...