Ako ay may kapatid. Palakaibigan siya. Poprotektahan ka sa lahat ng oras. Babantanyan ka at hindi pababayaan. Palagi kaming naglalaro ng bola at habulan sa aming hardin. Napakalambing talaga ng aming kapatid.
Isang araw, nalaman namin mula sa doktor na malala ang kanyang sakit at malapit na ang kanyang oras. Kaya naman pala napakalamya na niya at tila di na nakikipaglaro sa amin at parang laging pagod. Sobrang naging tahimik ang aming tahanan at naramdaman ko na para bang gumuho ang aking mundo dahil sa nalaman ko. Sino nang poprotekta samin ngayong mawawala na siya? Kaya naman todo ang alaga namin sa kanya habang may oras pa.
Dumating ang pinakanakalulungkot na araw na parang sobrang tagal matapos. Namatay na nga siya. Wala na siya. Tunay nga namang marami siyang kaibigan dahil maraming pumunta sa araw ng kanyang libing. Isa- isa kaming nagsalita at ito ang narinig kong sinabi ng lahat.
"Paalam Bruce, aming alagang aso at naging kaibigan. Mahal ka naming lahat."
BINABASA MO ANG
Dagli
Short StoryCollection ng Dagling naisulat ko kapag wala akong magawa... Salamat sa magbabasa :)