Chapter 3

37.5K 1.1K 53
                                    


Nagmamadali akong lumabas nang kuwarto saka tumakbo pababa. Inabangan ko ang pagbaba nila Mommy para sa pag pasok sa trabaho. Sana naman ay pagbigyan nila ako. Minsan lang naman ako humingi ng favor. And this one will surely be appreciated. Sana..

"So how's the deal, naclose mo ba, honey?" Tanong ni Mommy kay Daddy at inayos ang neck tie nang tuluyan na silang makababa.

"I already close it. So expect Mr. Hiroshi's big help. Mas ma-eexpand pa ang ilang restaurant. Lalo na sa Japan," sagot ni Daddy. May bahid ng ngiti ang mukha niya habang pinagmamasdan si Mommy. Napangiti ako dahil alam kong inlove na inlove siya kay Mom.

"Mom...Dad." Pag-agaw ko ng pansin sa kanila.

Ang kaninang masaya nilang ekspresyon ay napalitan nang malamig at blankong aura. Kinabahan ako dahil sa klse ng tingin nila. But I remained calm and smiled sweetly.

"What is it?" Masungit na tanong ni Mommy.

Napabuntong hininga ako saka umiwas sa tila nandidiring tingin ni Daddy. Ramdam ko ang pag-init nang mata ko pero agad kong pinikit-pikit ang mata ko para mawala agad ang luha. Tumikhim ako at huminga ng malalim.

"May meeting po para sa Recognition next week, mamaya. Lalo na daw sa akin, I have the highest honor Mom, Dad," masaya kong sambit. Ngunit alam ko na ang sagot nang inismiran lang ako ni Mommy. Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko nang makita ang reaksyon nila.

"We have more important things to do than that. Stop the shit, Hatey," malamig na utas ni Dad saka tumalikod at umalis na sila sa harap ko. Ilang sandali lang ay rinig ko na ang ugong ng papaalis na sasakyan.

Nanghihinang napa-upo ako sa sahig. I bit my lower lip to suppress my sob. Matatapos na ako ng grade 10 next week. Walang graduation, instead we will have recognition. I did my best para makuha ang pagiging top among all hoping that this time, magiging proud na sila sa akin. Na baka tanggapin na nila ako dahil malaking achievement iyon, but I expected so much kaya nasasaktan ako nang ganito. So, aakyat ako nang walang magchicheer? Walang pamilyang proud? Damn, be positive Hatey Faye. Baka ngayon, sa meeting they can't attend. Pero sa recognition, they will. Maybe.

Inilibot ko ang tingin at inisa-isa ang mukha nang mga tao sa may left side kung saan ang upuan ng mga pamilya ng mga estudyante. They will attend, baka late lang. Be positive Hatey. Hindi naman siguro nila palalampasin ito since pride ito ng isang Aragon. Another achievement kumbaga.

Isa-isang tinawag ang top ten, but I still hoped na darating sila. Kitang-kita ko ang saya ng mga magulang nang makatanggap ang anak nila ng ilang medalya dahil sa iba pa nitong achievements maliban sa rank nito. I felt my heart clenched. Naiinggit ako, sobra. Would they have the same eyes kapag ako na? Pero tanga ka Hatey. Paano mo malalaman kung kikislap rin sa saya ang mga mata nila kung hindi naman sila dadalo?

Nanghihinang napatayo ako nang tinawag na ang pangalan ko. Tumahimik ang paligid nang ako lang ang maglakad dahil ako lang ang walang kasama at ako lang siguro ang may hindi masayang aura. Ramdam ko ang pag-init ng sulok nang mata ko but I tried to smile. Pero peke na ngiti lamang ang naging resulta. Nag-palakpakan ang mga magulang at bisita nang isa-isa ng sinabi ang mga award ko manliban sa pagiging first rank. Ilang ribbons at medals ang natanggap ko at bilang pinakamalaki ang value. The medal of first ranked o valedictorian. Gold medal. I felt one of my tears fell nang makita ang paghanga sa mata nang ilang mga magulang. Their smile are genuine and their eyes show hint of admiration. Maging ang mga panauhing pandangal. Lumapit sa akin ang isang guro na pamilyar sa akin pero hindi ko kailanman naging guro. Nakita ko ang pag-alpas ng luha sa mga mata niya saka hinalikan ako sa noo.

"Don't cry Miss. Your parents are surely proud of you. Baka may emergency na nangyari kaya wala sila," aniya saka niyakap ako. I cried on her shoulders because of pain I felt. Ramdam ko na naaawa siya sa akin, I can feel her sympathy. But I don't need their pity, I need the presence of my family.

NASA gilid lamang ako at pinagmasdan ang mga estudyante kasama ang mga pamilya nila na nag-papakuha nang litrato. Walang parangal o medalya na nakuha ang iba ngunit bakas ang kasiyahan sa mukha nila. Napatingin ako sa maraming medalya na nakasabit sa leeg ko. It is worthless and useless since my family are not here to appreciate my awards. Mas masaya sana kung nandito sila, masaya rin katulad ng iba. Pinagmamalaki ang natamo ng anak. And they will tell me how much they are proud to me. Muli akong napatingin sa kanila at naririnig ang tawanan nila.

"Let's go to Deluxe, we will celebrate!" Masayang pahayag ng ama.

Tuwang tuwa naman ang anak niya saka masaya silang naglakad papunta sa sasakyan. I sighed saka tumayo nang may humarang sa daan ko. She's the teacher earlier on the stage. Yung iniyakan ko, kaya nakaramdam ako ng hiya. Ngumiti siya na sinuklian ko ng alanganing ngiti. Nahihiya pa rin ako sa kan'ya.

"Mag-pakuha tayo ng litrato para remembrance," aniya at wala akong nagawa kung hindi ay tumango.

Tumawag siya nang photographer saka kami nagpakuha nang ilang shots na agad nadeveloped. Binigay niya sa akin ang apat na litrato at tatlo naman sa kanya.

"Thanks, Ma'am." Saad ko.

"It's okay. You're really an amazing girl. I'm admiring you," aniya saka niyakap ako.

And I felt so love and valued so much that moment. Parang nakahanap ako ng kaibigan, kapatid at ina sa isang katauhan. Kay Mrs. Custudio.

Bagsak ang balikat na lumabas ako ng sasakyan na sumundo sa'kin. Nagtagal ako sa school at umalis lamang nang magsasara na. Kaya inabot na ako ng gabi. Wala naman silang pakialam sa akin, kaya okay lang ito.

Pagbukas nang pintuan ay sumalubong sa akin ang nanlilisik na mata ni Mommy at blankong mata ni Daddy. Nakatago na sa bag pack ko ang mga medals, ayokong ipakita sa kanila. Nasasaktan lang ako kapag hindi makitaan nang saya ang mga mata nila.

"Saan ka nanggaling?" Galit na sigaw ni Mommy.

Nakayuko lang ako at napa-angat nang tingin nang marinig ang yabag pababa nang hagdan. Sila ate at kuya pala. Nakangisi sila habang nakatingin sa akin.

"If I know, baka nakipagkita sa boyfriend yan," ani ate Aliah.

Damn, 'eto na naman kami!

*****

Supladdict<3

The Unwanted (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon