Minsan naiisip ko, ano nga ba ang dahilan kung bakit ako nabubuhay. Ano nga ba ang gagawin ko? Ano ang misyon ko? At paano ko magagawa ang lahat ng iyon kung mahina ako.I'm weak. Very weak. Ang pamilya ko ang nag-iisang dahilan kung bakit ako nabubuhay at sila rin ang dahilan kung bakit ako mahina. Hindi ko maramdaman ang pagmamahal nila. Ang pag-aalaga, o kaunting pakialam.
Hindi man lang nila napapalakas ang loob ko sa tuwing nanghihina na ako. Iba pa rin kasi kapag may nagpapalakas ng loob mo. Yung may magmomotivate sayo kapag gusto mo ng sumuko. Kapag pakiramdam mo kalaban mo na ang mundo. Kapag pakiramdam mo nasa iyo na ang lahat ng problema.Pero wala...
I stand against those problems and struggles alone. Kahit gusto ko ng sumuko, kinakaya ko pa rin. Dahil wala ng ibang choice. Sarili ko lang ang kakampi ko.
Yes, they gave me shelter. Meron akong tirahan at pagkain. But it's not enough. Gusto ko ang pagmamahal nila. 'Yun ang inaasam ko. Masama na ba ako dahil hindi ako marunong makuntento? Na 'yung mga meron ako, ay wala sa iba pero hindi pa sapat sa akin?
But I can't stop it. To wish for their love. To wish for their care. To wish for their presence. Simula pa no'n 'yan na ang gusto ko, na kahit sana minsan maranasan ko iyon.
Gusto ko ng matapos ang pag-iisa ko. Because I'm afraid of darkness. I'm always alone. Even my shadow leave me in darkness. Gano'n kalungkot at kahirap.
Tulala akong nakatingin sa kawalan. Iniisip ang lahat ng nangyari sa buhay ko. Kahit minsan hindi man lang ako nakarinig at nakatanggap ng pagpuri mula sa kanila na lagi nilang ibinibigay sa mga kapatid ko. Oo, inggit na inggit ako sa kanila. Masama ba iyon?
Pero kahit papaano, nakaramdam naman ako ng may nagmamahal sa akin. I felt that someone care for me. Sandali man pero pinapahalagahan ko ang mga iyon.
And suddenly, Jaycee entered my mind. He always make me feel loved, he cared for me and made me feel special. Ibang-iba ang pakiramdam ko kapag siya ang kasama ko. Parang lahat ng sakit, lungkot at frustrations sa buhay ko ay nakakalimutan ko. Parang hindi ko napagdaanan ang mga iyon. Parang hindi ko naranasan iyon.
But our time is always limited, sa tuwing may pasok lamang kami magkasama. Kaya minsan, gusto kong tumigil ang oras pero imposible.
Natatakot ako. I'm really afraid for this growing feeling. Dahil alam kong hindi na lang pagiging kaibigan ang tingin ko sa kan'ya. I can feel that there is something between us. Something strong, a connection. Parang katulad sa werewolves and vampire na konektado ang nararamdaman sa mate nila.
But this is reality, marami ang posibilidad na mali ang nararamdaman ko. Paano kung nagkakamali lamang ako? What if, I'm just assuming an impossible thing? Paano kung mali ang nakikita ko sa mga kilos ni Jaycee. Na baka gano'n talaga ang trato niya sa kaibigan.
I don't want to be hurt for the nth time. Bigo ako sa pamilya ko at natatakot ako na paano kung hindi ko kayanin ang panibagong sakit sa puso? Paano kung sumuko na ako nang tuluyan sa buhay ko, buhay na sabik sa pagmamahal?
Inilibot ko ang tingin sa loob ng bodega. Nakakulong na ako dito nang halos dalawang araw. Baka nakalimutan na nilang nandito ako. Sino nga ba ang may pakialam sa akin dito sa bahay? May nakaalala pa ba? May nag-alala ba?
Napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi sa braso ko. Marami itong kalmot, at sumasakit kapag nagalaw at ngayon ay natuluan ng luha. I'm crying unconsciously. I didn't know.
Napa-upo ako nang tuwid ng may kumalabog sa pintuan. Hindi ko masyadong makita ang paligid sa dahil sa dilim. I heard a creak coming from the door.
"Ma'am Hatey..." Narinig kong tinig. Dahan-dahan akong tumayo. Napapikit ako ng tumama ang ilaw ng flashlight sa mukha ko at agad naman niya itong ibinaling sa iba.
"Sorry po," aniya."Lumabas na po kayo." Dagdag niya. Tumango ako saka sumunod sa kan'ya. Pakiramdam ko ay medyo maga pa rin ang pisngi ko dahil sa maraming sampal na natanggap ko mula kay Mommy.
Kamusta na kaya si Ate? Sana nakarating siya nang ligtas. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung may mangyaring masama sa kanila. And I prayed, and I will always pray na sana lagi silang ligtas ng baby.
Sandali akong napapikit nang sumalubong sa akin ang maliwanag na paligid. Matapos ay tinungo ko ang kwarto ko saka agad dumiretso sa bathroom para maglinis ng katawan.
It's already noon time nang bumaba ako. Mabuti namang wala sila Mommy. Hanggang ngayon ay nagtatampo ako sa kan'ya. Pero ano nga ba ang magagawa ng tampo ko? As if namang apektado siya do'n. Natatakot rin akong saktan niya muli. At muling masaktan ang puso ko.
I ate silently at mag-isa lang rin ako. I'm really hungry, kaya marami rin akong nakain. Pagkatapos no'n ay bumalik rin ako sa kwarto at hinanap ang cellphone ko.
I turn it on at makalipas ang isang minuto ay pumasok ang maraming messages kasunod ang pag-notify ng missed calls.
From: Jaycee
Hatey...
Busy?
Can you please reply?
Pissing me off, eh?
Answer my call!?
Are you okay, Hatey?
Damn it Hatey Faye Aragon!
What happened?
Why you didn't attend our class?
I'll visit you.
Where are you, Hatey?
Damn it, Nasaan ka?
Seriously, I'm worried now Hatey.
Please, reply.
Tell me what happened.
Please....
Hatey, baby.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa mga mensahe niya, ngunit lalong bumilis sa huli niyang mensahe. Napapikit ako saka inilagay sa tapat ng dibdib ang cellphone.
Jaycee...you're scaring me.
You're scaring the shit out of me. Because I know I'm falling. I already fell and I'm not sure if you'll catch me.
Nag-ring ang cellphone ko at pag-tingin ko ay isang Unknown Number.
"Hatey, I'm on Davao."
Kahit Anonymous, alam kong si Ate yo'n. Nakahinga ako ng maluwag. Thanks God.
Biglang tumunog ang cellphone ko at agad sinagot.
"Ate, oka--"
"Hatey..." Natigil ang paghinga ko nang marinig ang paos niyang boses. Napapikit ako saka suminghap.
"J-jaycee..." Bulong ko.
"Where the hell did you go, baby?"
*****
Supladdict<3
BINABASA MO ANG
The Unwanted (Completed)
Short Story(Painful Series #1) Do you know what is the worst feeling in this world? It is being unwanted by everyone. No one is caring.. No one is loving... You'll always feel rejected. Neglected. Alone. Do I deserve this? Why do I need to feel this kind of pa...