Kahit kailan, hindi pala natin natatanggap na mamamatay na tayo. Tayo nga ba, o ako lamang? Matagal na simula ng malaman kong meron akong rare heart disease na ito.Sakit na unti-unting humihina ang tibok ng puso. Sakit na kahit kailan ay pwede ng tumigil ang puso sa pagtibok. Kaya noon pa man, tinanggap ko na sa sarili na hindi na ako magtatagal. Na hindi ko alam kung kelan ako titigil sa paglaban sa buhay, at kahit kailan ay pwede na lamang ako matumba kahit saan.
Mapait na lamang akong napapangiti sa tuwing iniisip na may iiyak nga ba sa burol ko? May maghihinagpis ba? May masasaktan? May dadalaw ba sa puntod ko?
Minsan napapaiyak ako kapag na-imagine ko ang puntod ko na madumi, mataas na ang mga damo, napabayaan at napaglipasan ng panahon. At oo, mataas ang posibilidad na ganoon ang mangyari sa akin. Na walang makaka-alala sa tuwing death anniversarry ko o 'di kaya ay birthday. Walang magbibigay ng bulaklak, at walang magpapadasal.
Pero pilit ko na lamang tinatanggap ang maaaring kahihinatnan ko. Kaya ko naman siguro iyon. Nabubuhay nga ako, nakaya kong walang pakialam ang mga nasa paligid ko sa akin. Ang pamilya kong tinuring akong hangin kung lagpasan lamang. Siguro naman 'pag patay na ako hindi na ako makakaramdam ng inggit hindi ba? Siguro puro kasiyahan na lamang ang mararamdaman ko. Dahil sa wakas ay nakapag-pahinga na ako.
Pero ngayon, unti-unti ng nagbabago ang gusto ko. Ayoko pa pala mamatay, hindi ko tanggap. Ayokong iwanan sila Mommy. Ayokong makita silang umiiyak, ayokong masaktan sila. Naisip ko rin na siguro, dapat mas mabuting wala silang pakialam sa akin para hindi sila masaktan.
Sana magiging istorbo na lang sa kanila ang pagkamatay ko. Isang dagdag gastos para sa kabaong at ilan pang bagay na kailangang gastusan pag namatayan. 'Yun bang kapag nailibing na ako, wala na. Tapos na ang lahat, wala nang sakit.
Pero hindi, sa huling panahon ko minamahal nila ako. Lalo nila akong minamahal. To the point na, ayoko na ring mawala. Gusto ko na ring manatili sa tabi nila.
God, you give this opportunity to me. Can you please extend my time? Can you please add many years on my remaining time?
Kapag nakita ko si Jaycee, mas lalo pa akong nahihirapan. Gusto ko rin pala maranasan ang ginagawa ng normal na mag-nobya at nobyo. Yung magdidate at gagawin ang mga relationship goals. Gusto ko rin pala maikasal sa kan'ya. Gusto ko rin pala magka-anak na siya ang ama. Gusto ko rin pala bumuo ng masayang pamilya na siya ang kasama. Gusto kong siya ang makasama ko habang-buhay. God, can you extend my life in able to do my 'want-to-do-list'?
Because God, I know I'm dying. I'm dying to do everything with them. With my family and with my Jaycee.
"Anak, may bisita ka," Tipid na ngumiti si Mommy bago humalik sa pisngi ko at lumabas ng kwarto. Nanatili ako sa hospital.
I almost die, but I'm really a fighter katulad ng sinabi ni Jaycee. Napangiti ako nang maalala ang masaya niyang mukha na bumungad sa akin pag-gising ko. Ngunit kalakip ng saya na iyon, may halong takot at lungkot ang malalalim na pares na mata niya.
Napakunot-noo ako nang pumasok ang isang estranghero. Pero habang tumatagal, unti-unti akong nakaramdam ng munting kirot sa puso. Nag-init ang sulok ng mga mata. My jaw dropped as I stared on the stranger who's looking at me lovingly.
Tall, well-toned body, kulay tsokolateng buhok, matangos na ilong, manipis na labi at pares ng mata na kasingkulay ng dagat at kasing-liwanag ng kalmadong kalangitan. Hindi ko siya kilala, pero habang pinagmamasdan siya, alam ko na kung sino siya.
Akala ko xerox copy ako ni Mommy manliban sa mata...but I'm wrong.
"Hatey..." His baritone voice with a hint of foreign accent lingered on my ears.
BINABASA MO ANG
The Unwanted (Completed)
Historia Corta(Painful Series #1) Do you know what is the worst feeling in this world? It is being unwanted by everyone. No one is caring.. No one is loving... You'll always feel rejected. Neglected. Alone. Do I deserve this? Why do I need to feel this kind of pa...