"No! You can't do this to us!"Humahangos akong bumaba ng hagdan nang marinig ang sigaw ni Ate at pag-iyak. Pagbaba ko ay nakita ko si Mommy, Daddy pati na sila ate manliban kay Kuya na nasa trabaho pa.
Akmang sasabunutan ni Mommy si Ate nang humarang ako kaya sa akin dumapo ang kamay niya. Matapos ang pag-away sa akin ni Ate kanina ay bumalik siya sa kwarto at gano'n rin ako. Nag-aalala ako baka mapano sila ng baby.
"Mom, wag po. Baka mapano ang baby!" Pag-pigil ko sa kan'ya at pilit na hinarang ang sarili. Ako na lang wag lang mapahamak si Ate at ang bata. Ayokong may masamang mangyari at makunan si ate. The child deserve to be born. To see the world. Mamahalin ko pa siya, namin.
"Alam mo!?" Napatigil si Mommy sa pananakit saka galit na tumingin sa akin. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni ate mula sa likod.
"O-opo pero--" hindi ko natuloy ang sasabihin nang lumagapak ang kamay niya sa pisngi ko.
Napabaling ang mukha ko sa gilid dahil sa lakas niyon. Masakit pero sanay na ako. Sanay na ako sa physical na sakit pero ang puso ko. Dinudurog pa rin sa tuwing sinasaktan ako. Dahil parang balewala lamang sa kan'ya tuwing nasasaktan ako at pinagbubuhatan ng kamay.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Wala ka talagang kwenta!" Singhal ni Mommy. Napa-iyak ako saka umiling.
"Naghihintay lang po kami ng tamang tiyempo. Pero sasabihin rin po namin sa inyo," saad ko.
"Kailan? Kapag lumaki na 'yan? Kailangang mawala 'yan. We'll do the abortion! May kilala akong matanda na gumagawa niyan!" Ani Mommy saka naglakad palapit sa amin. Pilit kong iniharang ang sarili, naramdaman ko ang pagkapit ni Ate sa bewang ko at ang pag-hagulhol niya.
"Wag, Mommy, please! Kawawa naman ang bata. Karapatan niyang isilang. Wala tayong karapatan na patayin siya!" Humihikbi kong saad. I can't afford to loose Ate Aliah's baby.
"Umalis ka diyan, Hatey! Such a disgrace, Aliah! Kahihiyan 'yan. Kailangan 'yan mawala!" Saad ni Daddy. Palapit na sila kaya hinarap ko si Ate at niyakap ng mahigpit.
"Wag daddy!" Pilit niya akong hinila paalis kay Ate. Hindi ako makapaniwala na kaya nilang gawin ito! Apo nila ang batang iyon. Kadugo, pero bakit ganito! Bakit nila kayang ma-isip na patayin ang bata? Why can't they just accept the baby!?
"No! Daddy, Mommy! Please, wag ang anak ko! Hatey, help me please." Nagmamakaawang tumingin sa akin si ate ng mapaghiwalay na kami. Pilit akong kumawala sa pagkakahawak sa akin pero hindi ko nagawa. Pilit akong nagpumiglas pero wala akong nagawa dahil malakas siya.
"Ate! Daddy pakawalan niyo ako!" Nanghihinang napa-upo ako nang mailabas na nila si Ate. Umalis si Daddy para sumunod. Tumingin sa akin ang isa ko pang ate na nanonood lang. Inismiran niya ako saka umalis rin. Hindi ba siya naawa kay ate? Sa pamangkin namin?
Tumayo ako saka tumakbo palabas pero hindi ko sila naabutan. Then I remember something!
Dali-dali akong umakyat pataas saka pumunta sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Ate Aliah. Ilang beses kong inulit at makalipas ang halos isang oras ay nasagot niya. Rinig ko ang hikbi niya.
"Ate..." Saad ko.
"Hatey tulungan mo ako. Nakatakas ako. Please, nandito ako sa café." Nanginginig ang boses niyang saad. Alam kong umiiyak siya.
"Hintayin mo ako ate." Dali-dali kong kinuha ang mga kailangan ko saka umalis sa mansion.
Pagdating ko sa Café na sinabi ni Ate ay hinanap ko siya. Nasa pinakasulok siya para hindi makita nila Mom kung sakali.
"Ate!" Tawag ko sa kan'ya. Umupo ako sa harap niya saka sabay kaming luminga. Mugto ang mata niya. Mabuti na lang malakas ang kapit ng bata pati si Ate malakas. Kaya walang nangyaring masama.
"H-hatey, baka mahanap ako nila Mommy. Hindi ko kayang mawala ang baby ko." Puno ng takot ang boses niya maging ang mata niya. Tumango ako saka kinuha ang isang card at inabot sa kan'ya. Binigay ko rin sa kan'ya ang isang envelope na naglalaman ng cash.
"Lumayo ka muna pansamantala ate. Sa probinsya, yung hindi alam nila Mommy at Daddy. Hanggang sa manganak ka, para wala silang magawa kay baby." Saad ko saka hinawakan ng kamay niya. Tumingin siya sa binigay kong itim na card na may gintong linings pati sa envelope.
"Yang nasa envelope, sahod ko 'yan this month para sa pagiging call center agent. 'Yang card wag mo ng isipin 'yan. Basta tumakas ka na," saad ko. Humagulhol siya kaya mabilis akong lumapit at inalo siya.
"Wag kang umiyak Ate, tama na. Kawawa si baby. Basta stay strong ka lang, ha? Ito pala oh, mga pagkain. Para pagbyahe mo hindi kayo magutom. Sa bus lang pala sumakay kasi kung airplane baka ma-trace ka." Nagdala rin kasi ako ng mga biscuit at cupcakes. Wala lang, marami akong stocks sa kwarto dahil paborito ko.
Nabigla ako nang yakapin ako ng mahigpit ni Ate saka umiyak lalo.
"S-sorry Hatey, sa lahat. Ang bait mo, hindi ko deserve 'tong ginagawa mo sa akin. Salamat, maraming salamat. Babawi ako sayo pagbalik ko," halos mapaiyak ako nang marinig ang sinabi niya saka niyakap siya pabalik.
"Of course, mahal kita eh. Sige na ate, ingatan mo sarili mo ah. Pati si baby. Please, contact me. Kahit text lang para alam ko ang kalagayan niyo. Bibisitahin rin kita minsan," saad ko.
Tumayo siya saka pinahid ang mga luha. Tumayo rin ako at inalalayan siya palabas at inabot ang isang paperbag na naglalaman ng pagkain at tubig. Nabigla ako ng halikan niya ako sa pisngi saka kumaway.
"Gagawin ko lahat ng sinabi mo," aniya saka sumakay sa taxi. Sana, makarating sila nang ligtas. Lord, please guide them.
Makalipas ang ilang sandali ay nilisan ko na rin ang lugar na iyon.
Habang naglalakad papasok ay naalala ko ang card na binigay ko kay Ate. Hindi ko kasi alam basta laging may naghuhulog do'n nang malaking halaga. Hindi ko naman ginagastos kaya alam kong malaki na ang laman no'n at malaki ang maitutulong kay ate. Dalawa ang gano'n ko at yung isa ay nasa akin. Buong gold naman iyon at may tatak ng korona.
"Nasaan si Aliah!" Sumalubong ang galit na galit na si Mommy. Natakot ako pero pilit kong pinatatag ang sarili.
"Hindi ko po alam," sagot ko. Magsisinungaling ako kasi kailangan. Para kay Ate at kay baby.
Napapikit ako nang sugurin ako ni Mommy at nakatanggap ng sampal, sipa at suntok. At nang magsawa ay kinaladkad ako pataas papunta sa bodega. Humagulhol ako dahil sa sakit ng puso at katawan. Pero worth it ang lahat.
Para kay Ate at kay baby...
*****
Supladdict<3
BINABASA MO ANG
The Unwanted (Completed)
Short Story(Painful Series #1) Do you know what is the worst feeling in this world? It is being unwanted by everyone. No one is caring.. No one is loving... You'll always feel rejected. Neglected. Alone. Do I deserve this? Why do I need to feel this kind of pa...