Sa tinagal-tagal ng panahon lagi kong iniisip. Ano nga ba ang dahilan ng lahat? Bakit galit sila sa akin? Bakit hindi nila ako magawang mahalin? Ano nga ba ang dahilan para maranasan ang lahat ng sakit na iyon. I'm so hungry for the reason. For the truth.Pero hindi pa pala ako handa. Hindi ko inakala na ganito pala kasakit. Hindi ko inakala na ito na pala ang rason para tuluyang mamatay ang puso ko.
"Anong meron?" Tanong ko sa isa sa mga kasambahay. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Reunion po niyo kasama ang family side ng Mommy mo," aniya. Tumango naman ako at hinayaan na siyang umalis.
Paggising ko ay nagtakha ako. Bakit ganoon kagulo? Everyone seems busy. Iyon pala may mangyayari. And I'm not informed. Mapait akong ngumiti, bakit nga ba ako sasabihan. Sa ganitong mga pagkakataon, ayaw akong palabasin nila Mommy at Daddy.
Kilala na ako ng lahat ng kamag-anak namin. Pero hindi rin nila ako matignan nang maayos. Para akong isang nakakadiring bagay.
"Umalis ka dito, Hatey!" Napatigil ako nang sumigaw si Allison. Isa siya sa pinsan ko, matanda sa akin ng isang taon. Anak siya ng kapatid ni Daddy. Kulay itim ang buhok niya katulad ng mga mata niya. Nasa likod niya ang mga naka-ismid ko ring pinsan. Halo-halo. Ang iba ay mother side, at ang iba ay father side.
"Bakit? Gusto ko lang makipaglaro sa inyo," Napatingin ako sa yakap-yakap ni Krela na malaking teddy-bear. Bigay daw sa kan'ya ito ng Mommy niya. Bakit ako wala? Bakit hindi ako binibilhan ng gan'yan ng Mommy ko?
"Bakit!? Eh ayaw namin eh. Nakakatakot ka kasi, mukha kang witch. Ang pangit mo, disgusting!" Sigaw ng isa ko pang pinsan na si Cielo. Napluha ko nang marinig iyon.
Bilang bata, walong taong gulang. Masakit masabihan ng pangit, ng nakakatakot at mukhang witch. Hindi ba pwedeng mukhang barbie na lang ako?
"O, bakit ka umiiyak? Kamukha mo nga yung pusa ko na nilunod ko eh. Pareho kayo ng mata! Naalala kita kaya ayon, nilunod ko!" Saad pa ni Ares. Lalo akong napa-iyak. Kawawa naman ang pusa. Tsaka ganoon ba siya kagalit kaya napatay niya ang pusa dahil kapareho ko ito ng mata.
"Umalis ka na nga dito! Kaya ayaw sa'yo ng Mommy at Daddy mo kasi pangit ka! Kahit kailan hindi ka nila mamahalin!" Sigaw ni Allison na sinundan pa ng masasakit na salita ng iba ko pang pinsan. Tinulak niya ako kaya napa-upo ako.
Nasaktan ako. Napuno. Ang sakit nilang magsalita.
"Hindi totoo iyan! Mamahalin pa ako nila Mommy!" Sa sobrang galit ay nabato ko siya ng putik na nasa tabi ko. Tumama ito sa maganda niyang bestida at tumilamsik ang iba sa maputi niyang mukha. Nanlaki ang mata niya at namula ito. Kahit ako ay nabigla. Nakatingin rin sa akin ng mga pinsan ko at nagsimula silang mag-iyakan.
Hindi ko alam nangyari, kung bakit sila umiyak samantalang si Allison lamang ang ginantihan ko.
"Anong nangyari!?" Dumagundong ang sigaw na iyon. Nanigas ako, nanlamig sa kaba ng marinig ang masungit na boses na iyon. Ang boses ni Grandma. Mama siya ng Daddy ko.
"Oh God!" Mabilis siyang pumunta kay Allison. Kasunod niya ang mga tita at tito ko at nilapitan ang mga anak nila. Hinintay ko sila Mommy. Bakit hindi nila ako nilapitan at tinatanong kung okay lang ako?
"What did you do!?" Natahimik ang lahat ng sumigaw si Lola. Inaalo niya si Allison. Naiinggit ako sa kan'ya, sa kanila lahat kasi nayakap na sila ni Lola. Samantalang sa akin, wala pang yumayakap. Dahil ba nakakadiri ako?
"Grandma, nananahimik lang po kami tapos ginulo niya kami. She threw me a fistful of mud. Tinakot niya po kami na sasaktan niya kapag nagsumbong kami. Pero I know na hindi niya na po iyon magagawa kasi you'll protect me diba po?" Napaiyak ako namg makita ang galit nila sa akin matapos sabihin iyon ni Allison. Mali lahat nang iyon! Sinungaling siya.
"H-hindi naman po totoo iyon eh," humihikbi kong saad.
"Sinasabi mo bang sinungaling ang apo ko?" Sigaw ni Lola.
"Apo niyo rin naman po ako eh," nalulungkot na saad ko.
"Sumasagot ka pa!" Nanlalaki ang mata niya.
"Hatey! You're really disrespectful! Wala kang galang!" Sigaw ni Tita Sandra.
Nagsisunuran naman ang mga tita at tito ko saka inalo si Grandma na nakahawak sa dibdib. Nag-alala ako kaya nilapitan ko siya pero hindi ako nakalapit ng kaladkarin ako ni Mommy.
Itinulak niya ako papasok ng mansion. She looked at me furiously and with hint of disgust. Somehow, umaasa ako na kakampihan niya ako. Pero alam kong hindi.
"Walang hiya ka talagang bata ka! Anong ginawa mo? Kapag may nangyaring masama sa Mama, humanda ka. Wala ka talagang kwenta."
Kinulong nila ako noon sa kwarto. At simula noon, sa tuwing may reunion ay nagkukulong na lamang ako. No one wants to see me. Mas mabuti pang magkulong na lamang. Because I'm nothing, but an unwanted Child.
Pinalis ko ang luha na bunga ng mga masasakit na alaala. Nagkulong na lamang ako sa kwarto at patagong nagpahatid ng pagkain.
Ayokong bumaba, baka mawalan lamang sila ng gana sa pagkain. Ayoko ring makita, dahil rinig na rinig ko ang mga tawa, halakhak at saya nila. Sinabi lang nila Mommy na nag-abroad si Ate para i-pursue yung pangarap niya.
And I'm annoyed to them because of that. Why not tell them the truth right? Dahil ba malaking kahihiyan iyon?
Nalulungkot ako para sa magiging anak ni Ate Aliah. Pakiramdam ko mararanasan niyang hindi mahalin nila Mommy. I wish, hindi. Atsaka mahal na mahal siya ni Ate Aliah. Napangiti ako nang maalala si Ate. Nag-tetext kami palagi.
Maayos naman ang lagay niya. She's visiting the Ob-gyne on date para siguradong healthy si baby. And there is a big chance na twins daw ito. Malalaman niya next month.
My phone beeped at agad ko itong kinuha. I excitedly opened it and saw message from Jaycee.
From: Jaycee
What are you doing? I miss you.
I can't help but to smile widely at magpagulong-gulong sa kama. Kinikilig ako! Damn it. Lalo akong nahuhulog sa kan'ya. Hindi ko pa sinasabi na mahal ko siya. Well, alam niya gusto ko siya. And he's currently courting me.
We texted for I don't know how many hours. Nakaramdam ako ng uhaw kaya bumaba ako. Nakakahiya naman kung mag-uutos pa ako.
Madilim ang sala at kusina ng bumaba ako, but still enough for me to get a glass of water and drink. Nang mapadaan ako sa dining table ay kumuha ako ng tangkay na may grapes saka mabilis na umakyat pataas. Maingay pa rin sila at mukhang nagkakasiyahan.
Masaya akong kumakain ng grapes ng makarinig ng tila nagtatalo. Mahina lamang ito pero rinig na rinig ko pa rin ang mga galit at diin sa bawat salita.
Mabilis ang tibok ng puso ko at naglakad palapit sa bahagyang nakaawang na pinto. Pagsilip ko ay nakita ko si Mommy at Tita Kate.
"Bakit hindi mo pababain si Hatey! Ate! She's part of our family!" Saad ni Tita Kate. Napangiti ako nang marinig ito. Kahit papaano ay okay naman ang pakikitungo sa akin ni Tita Kate, ang bunsong kapatid ni Mommy. Kapag umuuwi siya galing ibang bansa ay may regalo siya sa akin. Kaso nga lang, minsan lang siya umuuwi dito sa Pilipinas.
"Ayokong magkagulo na naman. Alam mo namang may pagkamalas ang batang iyon." Parang tinarak ng kutsilyo ang puso ko. But it's okay. I'm fine.
"Ate, anak mo siya! God, hindi ko akalain na gan'yan ka mag-isip. I can't imagine it. Don't tell me iba ang pakikitungo mo sa anak mo!" Ani Tita Kate.
"Anak ko! Oo, anak ko na bunga ng pambababoy sa akin Kate. Kapag nakikita ko siya, puro sakit at galit lang ang nararamdaman ko! Kaya ayoko sa kan'ya. Mas mabuti pa nga kung namatay na lamang siya. Ayokong makita ang pagmumukha niya. Naaalala ko ang lahat. Nandidiri ako. Isa rin siya sa dahilan kung bakit muntikan na kami maghiwalay ni Alistair!" Nanigas ako matapos niyang sabihin iyon. Naibagsak ko ang hawak kong grapes. Napatingin sila sa akin at tuluyang nabuksan ang pintuan.
Damn it. Damn it!
****
Supladdict<3
BINABASA MO ANG
The Unwanted (Completed)
Short Story(Painful Series #1) Do you know what is the worst feeling in this world? It is being unwanted by everyone. No one is caring.. No one is loving... You'll always feel rejected. Neglected. Alone. Do I deserve this? Why do I need to feel this kind of pa...