Tulala ako habang nakatingin sa kawalan. Walang teacher, nag-iwan lang ng gagawin. But I already finished it. Kaya naman napa-isip ako. Paano ko ba sasabihin kila Mommy ang sitwasyon ni Ate? Balik pag-momodel si Ate, pero nag-aalala ako sa bata. She's always wearing loose clothes kaya 'di napapansin ang medyo paglaki ng tiyan niya. But she keep on wearing high heeled shoes. Paano kung madulas siya or what. Nag-aalala ako para sa kan'ya at magiging pamangkin ko.Pamangkin ko. Parang nae-excite ako lalo. Kapag lumabas na siya, mamahalin ko siya nang sobra. Tapos ibibigay ko lahat ng pangangailangan niya. I'm so excited to play with her or him. I smiled while imagining the future.
"Don't smile, mukha kang tanga." Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Jaycee. My forehead creased ng nasa tabi ko na siya. Asan na si Julius, yung original seatmate ko? Napansin yata niya na hinahanap ko ang dapat kong katabi kaya kumunot ang noo niya at bumusangot.
"Bakit mo siya hinahanap, andito naman ako?" Inis niyang saad.
"Pinaalis mo?" Takhang tanong ko.
"Oo, bakit? Reklamo ka?" Maangas niyang saad kaya inismiran ko siya. Ang angas lagi nito lalo na kapag tinotopak. Parang laging may menstruation.
"Yabang mo," bulong ko.
"Sino ba yang iniisip mo, bakit ka ngumingiti kanina?" Seryoso ang tono ng boses niya. I stare at him at napa-iling. Gusto ko sana sabihin ang problema ni Ate, but this is a family matter. Hindi pwedeng idamay ko siya.
"Wala." Sagot ko at nag-iwas ng tingin.
"Tss. Siguraduhin mong hindi yan lalaki, ah!" Aniya saka humilig sa upuan.
"Bakit kung lalaki, anong gagawin mo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Sumimangot siya saka ngumuso.
"Dapat ako lang ang isipin mong lalaki, dapat ako lang nakaka-pagpangiti sayo tuwing iniisip mo," aniya saka umiwas ng tingin na nagpatulala sa akin. My heart is thumping so loud kaya napa-hawak ako sa dibdib ko. Nagkatitigan kami at ako ang unang nag-iwas ng tingin.
"Tigilan mo nga ako, Jaycee," saad ko saka kinagat ang labi. Damn, it can't be.
"Matagal ko nang sinubukan, pero 'di ko magawa. I think I'm crazy for you."
Shit. Damn it, Jaycee.
"Nagpa-check up ka na ba ate?" Mahina kong tanong sa kan'ya. Nandito ako sa harap ng pinto niya, hinintay ang pagdating niya. Tinaasan niya ako ng kilay at mukhang inis sa presensya ko.
"Do you think I'm dumb, of course I already did," masungit niyang saad saka tumitig sa akin. Mariin ang tingin niya sa akin na tila pinag-aaralan ang bawat sulok ng mukha ko.
"Umalis ka sa harap ko nakaka-irita." Singhal niya saka itinulak ako at pumasok sa kwarto niya. Nag-kibit balikat ako saka umalis na do'n at pumasok sa kwarto ko.
Napa-mulat ako nang maramdaman ang pangangalabit ng kung sino. Pagmulat ko ay bumungad ang nakabusangot na mukha ni ate Aliah.
"Bangon!" Singhal niya. Papungas-pungas akong bumangon saka tinignan siya.
"Bakit Ate?" Paos pa ang boses ko. Tumingin ako sa wall clock, alas-tres na ng madaling araw. Samantalang si Ate, mulat na mulat ang mata.
"Gusto kong kumain," Naka-busangot siya habang sinasabi yon. Pinag-krus pa niya ang braso at parang bata na nakatingin sa akin.
Tumayo ako saka sinuklay ang buhok.
"Anong gusto mo 'te. Lulutuan kita," saad ko. May kahati na siya sa pagkain kaya malamang mabilis na siyang magutom. Tsaka hindi naman sila istorbo sa akin. Ilang beses na akong nakabasa na mahirap talaga ang mabuntis. Hindi maintindihan ang nararamdaman.
"Ayoko ng luto. Gusto ko singkamas at bagoong." Para siyang bata na nag-mamaktol.
My eyes widen when I realized what she's requesting. Wala kaming singkamas, 'yung bagoong meron dahil favorite yun ni Mommy. Pero singkamas? Naglilihi na ba si Ate.
"Pero ate wala tayong singkamas. Saging, grapes, apple at orange lang ang meron." Saad ko nang maalala ang mga prutas na nasa hapag at refrigerator.
"Gumawa ka ng paraan!" Iritado niyang singhal sa akin. Napa-isip ako at napabuntong hininga.
"Ah, sige. Pabili na lang tayo kay Manong. Wait lang..." Hinawakan niya ako sa braso. Nagtatakhang tumingin ako sa kan'ya.
"No! Gusto ko ikaw ang bumili no'n! Gusto ko rin ikaw ang magbalat. Please Hatey..." Pamimilit niya. Muli akong napa-buntong hininga. Wala akong magagawa, naglilihi siya. Mangiyak-ngiyak pa siyang nakatingin sa akin kaya napatango na lang ako.
Nag-suot ako ng jacket, I'm still on my pajama. Itinali ko ang buhok ko saka dahan-dahang bumaba. Maingat kong kinuha ang susi sa may vase at lumabas ng tahimik.
I drove the car papunta ng palengke. Buti na lang kahit alas-tres pa lang bukas na ang palengke. Marami-rami na rin ang mga bumibili. Ipinark ko ang kotse sa may bukana saka naglakad papasok sa masikip na palengke.
Tinitignan ko nang mabuti ang mga prutas. Buti naman mga sariwa pa, mas masarap ang mga ito. Halatang mga bagong ani at pitas lamang. Pumili ako ng isang kilo at umalis na do'n.
Pagdating ko sa mansion, nakaabang si Ate sa sala. Sabik na sabik siya ng makita ako dala-dala ang singkamas. Agad ko siyang pinagbalatan and because of my stupidity, lagi akong nasusugatan sa daliri. Tss, hapdi.
"Sarap." Napatitig ako kay Ate. Ang saya niya habang kumakain. Napangiti ako saka dumampot ng grapes at kumain na rin. Napawi lahat ng antok ko, makita lamang siyang masaya.
Napatayo ako nang tuwid ng bumaba si Manang Cecil. Ang mayordoma. Nanunuri ang mga mata nito.
"Oh, anong kinakain mo Aliah?" Takhang tanong niya.
"Singkamas 'nang," sagot ni Ate.
Kinabahan ako ng makita ang lalong pagsingkit ng kaniyang mata habang pinapanood si Ate. Matanda na siya, at hindi imposibleng malaman niya ang sekreto ni Ate. Dumaan na rin siya sa pagbubuntis at alam na alam niya malamang ang mga sintomas.
"Bagong paborito niya po," singit ko. Napatingin siya sa akin at tumango-tango pero halatang 'di kumbinsido.
Sana, hindi niya mahalata.
"Hatid na kita," nakangiting saad ni Jaycee. Umiling ako. Kumunot ang noo niya, maya-maya ay bumusangot ang kan'yang mukha
"Bawal," saad ko at inaalala ang maaaring mangyari. Pag-iisipan na naman nila nang kung ano kapag nakita kami na magkasama. Ayaw ko ng madamay si Jaycee.
"Bakit naman?" Inis niyang sabi.
"Baka isipin nilang boyfriend kita," ani ko at inayos ang strap ng shoulder bag ko. Isinabit ko sa balikat at naghandang umalis.
"Boyfriend mo naman talaga ako. Lalaking kaibigan," aniya.
"Sorry Jaycee. Maybe next time." Saka ako nagpaalam sa kan'ya. At tuluyang umalis.
Friendship namin? Ito masaya naman. Kahit topakin s'ya minsan at abnormal, masaya siyang kaibigan. Masyado siyang caring and he have his own way of being sweet.
"Bruha ka talaga!" Nabigla ako nang galit na galit na sinugod ako ni Ate Aliah. Sinabunutan niya ako saka kinaladkad at binalibag sa may hagdan. Napa-igik ako nang tumama ang likod ko sa hagdan. Ang sakit pero hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Ate.
"Ano ba 'yon ate?" I manage to speak kahit patuloy niya akong pinagsasabunutan.
"Bwiset ka! Hayop ka!" Sigaw niya at lumagapak ang malakas na sampal sa pisnge ko. Napa-iyak ako dahil sa sakit pati na rin sa confusion.
"Ano b-ba yon ate!" Sigaw ko.
"Alam na nila Mommy ang sitwasyon ko. Na buntis ako! Ikaw lang ang may alam, malamang sinumbong mo ako! Galit na galit sila!" Sigaw niya.
Napatulala ako. Alam na nila? Paano?
*****
Supladdict<3
BINABASA MO ANG
The Unwanted (Completed)
Short Story(Painful Series #1) Do you know what is the worst feeling in this world? It is being unwanted by everyone. No one is caring.. No one is loving... You'll always feel rejected. Neglected. Alone. Do I deserve this? Why do I need to feel this kind of pa...