Chapter 7

34.4K 1K 15
                                    


"Ang swerte niya, partner niya si Jaycee." I heard one of the students near my table stated. I'm taking my recess here in cafeteria while reading.

Inggit talaga sila sa akin because I'm the partner of their so-called prince. Well, wala namang special para sa akin kung partner ko siya. He's just like us. Student, human. What make him special? Is it because of his looks and undeniable oozing appeal? I don't know at bahala sila.

Napakunot-noo ako saka nagtatakhang nakatingin sa taong umupo sa harapan ko. Marami pa namang lamesa, naki-share pa talaga siya. I rolled my eyes when I heard someone gasp and groan in envy. Fan girl so much, eh? Cool na cool lamang siya habang naka-upo sa harap ko.

"Maraming vacant table, can you just transfer?" naiinis kong saad.

Hindi ako nagdadamot. Naiinis lang ako dahil masyadong nakaka-agaw ng attention ang pag-upo niya sa inu-okupa kong mesa. Some will conclude and make some crazy things on their mind. And I don't want to be included. Ayokong masangkot sa issues. I'm contented on my peaceful and quiet stay here in the University.

"Sa'yo ba 'to?" Tanong niya saka sinalubong ang tingin ko. May bahid pa ng ngisi ang labi niya na lalo kong ikinainis.

"No, but marami namang lamesa d'yan," saad ko. He shrugged his shoulder. Parang wala lamang sa kaniya ang inis kong ekspresyon. Mukha pa siyang amuse.

"You seems very affected with my presence. Lagi mo akong pinapa-alis or iniiwasan. Naiisip ko tuloy, isa kang mahiyaing admirer," He boastfully said. I rolled my eyes saka ibinaling ang tingin sa libro.

"Yabang," I murmured.

I heard him chuckled and it sounds so sexy. Napa-iling ako dahil sa iniisip ko. Kailan pa ba ako natutong mag-appreciate ng mga lalaki?Nakakita na ako ng maraming gwapo and attractive pero wala lang. Everything is normal. Pero pagdating sa damuhong nasa harap ko, I can't help but to appreciate his looks. Argh, what the hell is happening to me? Am I admiring him? Crush ko ba siya? Damn, manahimik ka Hatey. Family first, hindi mo pa nga sila na papamahal sa'yo, tapos papasok na naman ako sa ibang sitwasyon na nangangailangan ng atenttion. Ugh, hindi! Hindi pwede! I need to kill this feeling. Quick! Fast!

"Penny of your thoughts?" He said. And I realized na tulala pala ako. Umiling ako saka sumipsip sa frappé.

"Kailan ba natin matatapos yung research?" I asked. Tumingin siya sa akin nang matagal bago nagsalita.

"Dunno. Maybe the day after tomorrow or next week." He casually said.

"Hell no! We need to finish it as soon as possible!" Sigaw ko sa kan'ya na ikinabigla niya. Kumunot ang noo niya.

"Gan'yan mo ba kaayaw na makasama ako?" Unknown emotion crossed on his eyes pero agad rin iyong nawala at naging blanko.

Nag-kibit balikat ako habang nakatingin sa itim na itim niyang mga mata. His deep set of his eyes are really mysterious. 'Yun bang, parang maraming mga sekretong nakatago. Parang hinahalukay ang pagkatao mo. Napaiwas ako ng tingin dahil sa intensidad ng mata niya. I can't look at his eyes for so long. Parang malalaman niya ang mga nasa isip ko.

"Sa ayaw at sa gusto mo, we need to do it slowly and surely. Ayokong magmadali," saad niya saka tumayo. Napanganga ako nang dinampot niya ang frappé ko saka umalis ito nang bitbit iyon. Damn that guy! Kinuha pa talaga niya!

"KUYA are you free tomorrow?" Mahinahong tanong ko sa kan'ya na kasalukuyang nakaharap sa laptop niya. Tumingin siya sa akin sandali bago muling ibinalik ang atensiyon sa laptop. I sighed saka umalis sa harap niya.

I know he's busy. At kahit hindi, hindi pa rin naman niya ako pagbibigyan. He's already the COO of our company. Hindi pa rin kasi umaalis sa pwesto si Dad since kaya pa naman niyang pamahalaan. And also, mahal na mahal ni Dad ang company. Kaya matagal mai-itake over ang kompanya kay Kuya.

I stared at the ceiling blankly habang naka-upo sa sofa. Bakit pa ba ako aasang may aattend bukas para sa awarding namin? Gusto kasi nang principal na meron kaming kasama sa awarding. Lalo na at nag-dala kami ng karangalan para sa University. It's a writing contest and since writing stories are my forte, I did my best to won. I got the highest place all over the region.

Hatey, bakit hanggang ngayon umaasa ka pa? Recognition nga no'ng junior high wala? Graduation for the senior high, wala rin. Ngayon pa kaya? Kaya kahit marami akong nakuhang award, I can't still be happy. Everything feels useless and worthless. Pero kahit gano'n, hindi pa rin ako tumitigil na gumawa ng achievements. Kasi umaasa ako na baka mapansin na nila ako.

Nawala ang atensyon ko sa taas nang marinig ang mga hikbi. At nakita ko so Ate Aliah na naglalakad paakyat sa kwarto niya, umiiyak. Tumayo ako saka sumilip kay Kuya. I think he didn't see Ate because of being engrossed on what he is doing. Napuno ng pag-aalala ang sistema ko kaya tinungo ko ang kwarto niya. I knocked on the door three times.

"Ate Aliah, are you okay?" Tanong ko.

"Leave me alone!" Sigaw niya. I stayed there for a moment and keep on calling her pero hindi siya lumabas

Mukhang may problema siya, and I think she needs to be alone. Minsan kasi, kailangan mong mapag-isa para mas mapag-isipan ang lahat. In my case, lagi naman akong nag-iisa kaya sanay na ako. I don't know kay Ate Aliah. Siguro naman mapapansin 'yon nila Mommy since they always give much attention to my siblings. So, they can figure out that there's something wrong.

I decided to go in my room saka umupo sa kama. I stared on the wall of my room. Isinabit ko na ang mga medals, ribbons, certificates and displayed my trophies. Wala namang ibang pumapasok dito sa room ko. Kaya walang makakakita ng achievements ko. Tumayo ako saka lumapit sa pader kung saan naka-sabit ang mga paintings ko. Hindi ako pinanganak na magaling magpinta. But as I grew up, painting caught my interest. I started when I was in Grade 11. Ilang beses na rin akong nanalo sa mga contest. Contest na palaging mag-isa kong pinupuntahan. Minsan, naiinggit rin ako sa iba dahil full support ang pamilya nila unlike sa akin. Pero, nasanay na rin siguro ako.

Nadagdagan na rin ang published stories ko. Until now, Ms. Lovely is still mystery to them. Hindi pa rin ako kilala ng mga readers ko. But I'll meet them soon.

Ilang taon na nga ang lumipas, pero ang pakikitungo nang pamilya ko still remain. At mas lumala pa. Mom's cold stares. Ramdam ko ang galit niya sa tuwing nakikita ako. Dad look at me with usual hint of being disgust. Even my siblings. I don't know why. Meron bang malalim na reason? And I am eager to find out that reason.

*****

Supladdict<3

The Unwanted (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon