"Stop crying na po, please.." Napahikbi ako at pilit silang pinatahan.Nakaupo sila sa sofa na malapit sa kama ko. Hindi pa rin ako nadischarge dahil kailangan. I need the support of this hospital. Magkayakap si Ate Alyna at Mommy. Nasa magkabilang gilid naman si Daddy at Kuya na tahimik na umiiyak at pinapatahan si Mommy.
"I'm sorry.." Ulit-ulit na saad ni Mommy. Napa-iling ako at pinalis ang mga luha.
"I'm sorry Mommy...nasasaktan ko na naman kayo. H-hindi ko naman po ginusto 'to eh. Patawarin niyo ako..Mom, Dad. Sa inyo rin Ate, Kuya." Saad ko at itinakip ang palad sa mukha.
"Kasalanan ko 'to. Dapat hindi ako nagpauna sa galit. H-hindi ko man lang nasubaybayan ang paglaki mo. Hindi ko man lang alam ang mga paborito mo. A-at hindi ko man lang alam na m-meron ka niyan..." aniya. Humagulhol siya lalo kaya napapikit ako. God, please heal their hearts. Tanggalin niyo po ng sakit na nararamdaman nila. Ayokong maranasan nila ang bigat na naramdaman ko.
"D-don't worry, M-mommy..sasabihin ko lahat ng tungkol sa akin. Yung mga paborito ko..bago ako mamatay," bulong ko.
"Hatey! Don't say that! Lalaban ka!" Sigaw ni Daddy at bakas ang sakit sa mukha niya. Napayuko ako at lalong umiyak. Kaya ko pa ba?
"P-pero Dad, alam mo namang hindi ko hawak ang buhay ko. A-anytime soon, p-pwedeng tumigil ang tibok ng p-puso ko.." Malungkot kong saad at pinakiramdaman ang mabagal na tibok ng puso ko.
"No, Hatey. Please...fight." ani Ate Alyna na may nagmamakaawa na ekspresyon. Ganoon rin si Kuya. Napapikit akong muli. Kahit mahirap, pipilitin kong lumaban. P-para sa kanila. Kay J-jaycee, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita.
Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa nababasa. Wala pala talagang gamot sa sakit kong ito. Isinara ko ang libro at nilagay sa tabing cabinet. Sumandal ako sa headboard ng kama at tinignan ang paligid. Gusto ko ng lumabas dito sa ospital. Na-mimiss ko nang mag-type sa laptop ng mga kwento. Hindi ko pa natapos yung kwento kong iyon.
Naalala ko ang sinabi ng doktor. Hereditary daw ito. Ibig sabihin sa tunay kong ama ko ito namana. Buhay pa kaya siya? Sana, gusto ko pa siyang makilala. Gusto ko pang malaman kung bakit niya iyon ginawa kay Mommy. At kahit sandali, gusto ko pa rin siyang makasama. Mayakap at mahalikan.
Ano kaya ang pakiramdam kapag niyakap niya ako? Hindi naman sa hindi ko tinuturing na ama si Daddy Alistair. Mahal na mahal ko si Daddy, pero iba pa rin kapag tunay kong ama. Kahit sandali gusto kong mabuo ang pagkatao ko.
Mapait akong napangiti. Makikita ko pa kaya siya? Baka nga hindi niya alam na may anak siya. Sana tanggapin niya ako, hindi naman ako manggugulo kung may pamilya na siya. And that thought excite me. May kapatid kaya ako sa kan'ya?
Narinig ko ang pagkalabog ng pintuan. Nag-angat ako ng tingin at napasinghap ng makita siya. Messy hair, dark deep-set of eyes, pointed nose and that luscious lips. Ngunit ngayon, may nagbago sa kan'ya. Mukha siyang pagod, dark circles under his eyes are visible. Bahagya ring tumubo ang ilang facial hairs. But that made him look matured for his age.
"Jaycee.." Hindi ko maitago ang saya nang makita ko siya. Dalawang linggo na ang nakalipas, ngayon lang siya nagpakita.
Naglakad siya palapit sa akin at pinagmasdan ako. Nakita ko ang lungkot at sakit sa mga mata niya. Dahan-dahan siyang umupo sa kama at hinaplos ang pisngi ko.
"I miss you..." I uttered. Ngumiti siya at lumapit saka hinalikan ako sa noo. Napapikit ako at dinamdam ang munting halik na iyon. Damn it, I will miss him.
"I miss you too. I-i'm sorry kung ngayon lang ako nagpakita. I'm scared, baby.." His husky voice filled my ears. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ng paulit-ulit sa noo.
"D-don't leave us, don't leave me..please, baby." Nabasag ang boses niya. Naramdamn ko ang luha mula sa kan'ya na tumulo sa pisngi ko. My eyes began to water.
"I'll try, Jaycee." Nanginginig ang boses ko.
"Do it, baby. Don't try."
"I can't promise." Lalong humigpit ang yakap niya. Pinakinggan ko ang tahimik niyang pagtangis.
"Labas tayo Jaycee, please!" Pangungulit ko sa kan'ya.
"Hindi pwede!" Paulit-ulit niyang sagot kanina pa. Inismiran ko siya pero inismiran rin niya ako. Dinampot ko ang unan sa tabi ko at binato siya. Maya-maya ay ngumuso siya at nagpipigil ng ngiti. Sinangga niya ang binato ko.
"I love this side of your. Brat," aniya at humalakhak. Dinampot ko ulit ang unan at binato siya. Muli niya iyon sinangga.
"But any side of yours. Side view, front view, back view. I lo-- view." Saka siya ngumisi.
"I love you too," sagot ko. Unti-unting nawala ang ngisi niya at natulala. Maya-maya ay nanlaki ang maya niya at tumitig sa akin. Ako naman ang napangisi.
"What did you say?" Aniya. Umiling ako at niyakap ang isa pang unan.
"Ayaw. Ayaw mo naman akong palabasin eh," pang-aasar ko. Bigla siyang tumayo at tumakbo palabas ng kwarto ko. Halos madapa-dapa pa siya sa pagmamadali.
Pagbalik niya ay humihingal siya na tumingin sa akin.
"Pwede ka daw lumabas, sabi ng nurse. Sa garden tayo?" Napangisi ako saka tumango. Inalalayan niya akong tumayo at inayos ang hospital gown bago inalalayan palabas.
Ang laki ng ngisi ko habang naglalakad kami sa hallway. Ramdam ko ang paninitig niya hanggang dumating kami sa garden. Maraming tao doon, ang iba ay pasyente rin. Napangiti ako nang makita na may mga bata rin. Kahit wala na silang buhok at naka-face mask ay kaya pa rin nilang ngumiti.
"Ang sarap ng hangin dito," saad ko nang humangin ng malakas. Tinignan ko ng mga bulaklak sa paligid.
"Hey, ulitin mo na nga yung sinabi mo kanina," pangungulit ni Jaycee.
"Ayaw," sagot ko at nginisihan siya. Ang gaan na talaga ng pakiramdam ko. Wala na ako masyadong maramdamang sakit at lungkot. Para na akong lumulutang sa saya.
"Please, sige na baby." Ngumuso pa siya at nagpapungay ng mata. Kinurot ko ang pisngi niya kaya napasimangot siya.
"Ang daya," aniya at nag-iwas ng tingin saka bumulong-bulong. Napangiti ako at pinagmasdan ang mukha niya.
"I love you. I love you so much, Jaycee. Mahal na mahal kita," saad ko. Napalingon siya sa akin nang nakaawang ang labi. Nag-iwas ako ng tingin at pinalis ang luhang umalpas mula sa mukha ko.
"Damn it, say it again baby." Aniya.
"I love you." Ulit ko at tinitigan siya saka ngumiti nang matamis.
Kinabig niya ako at naramdaman ko na lamang ang malambot niyang labi sa akin. Napapikit ako at pinakiramdaman ang bawat haplos nito sa akin. This kiss is full of pure love and longing. This one is a painful kiss.
This is my first kiss. He's my first kiss. And probaly my last kiss. Naramdaman ko ang mga luha niyang umaalpas rin mula sa kan'yang mata. Bahagya siyang lumayo at tinitigan ako ng mariin. Pinalis niya ang mga luha ko.
"I love you too baby. Mahal na mahal kita, and I wish for nothing but to be with you forever." Bulong niya. Lalo akong napa-iyak. Matutupad ko pa ba ang hiling niya? Na makasama ako ng walang hanggan.
Inabot ko ang labi niya at mariin siyang hinalikan. Siya ang taong unang nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal. Sana, sana noon ko pa siya nakilala. Para kahit papaano ay mahaba ang pinagsamahan namin. Pero hindi pa rin ako nagsisisi na ngayon ko siya nakasama. Dahil hindi magiging ganito kasaya ang buhay ko kung hindi lahat iyon nangyari.
Napapikit ako nang nanikip ang dibdib ko. Bumilis ang paghinga ko dahil sa pag-abot ng hangin. Lumayo si Jaycee at naramdaman ko ang pagsapo niya sa pisngi ko.
"H-hatey...baby. Are you okay?" Hindi ako nakasagot dahil sa sakit na nararamdaman. I can feel him panicking.
"Don't leave me." Paulit-ulit niyang saad. Binuhat niya ako at nagmamadali siyang tumakbo pabalik sa loob.
"I love you Jaycee, baby..." And that's the only words I manage to say before I fell in a deep slumber.
****
Supladdict<3
BINABASA MO ANG
The Unwanted (Completed)
Short Story(Painful Series #1) Do you know what is the worst feeling in this world? It is being unwanted by everyone. No one is caring.. No one is loving... You'll always feel rejected. Neglected. Alone. Do I deserve this? Why do I need to feel this kind of pa...