Bumuhos ang mga luha ko. Akala ko, anytime handa akong malaman ang rason. And I never thought na ganito iyon kalalim. At ganito kasakit. Parang binibiyak ang puso ko. Napapikit ako dahil sa paninikip ng dibdib. Masakit, sobrang sakit."H-hatey..." Nanlalaki ang mata ni Tita Kate.
"T-totoo po ba? Totoo ba iyon, Mommy?" Tanong ko. Mula sa gulat na mukha ay bumalik ang galit sa mukha niya. Hinarap niya ako, at nasasaktan ako sa ekspresyon na pinapakita niya.
"Oo. Totoo iyon. That's the reason why I hate you Hatey. That's the reason why I loathed you to hell. Dahil pinapaalala mo sa akin ang lahat. Bunga ka ng pambababoy sa akin. And now that you know, parang mas lalong hindi ko na ata kayang makita ka. Umalis ka! Get lost!" Sigaw niya at tumulo ang luha sa mga mata niya.
Nasasaktan ko ba siya? Pero hindi ko naman 'to ginusto eh. Kahit sino hindi ginusto na maging bunga ng pagkakamali. Na maging dahilan para masaktan ang magulang mo. I love them, I love my Mom. So much.
"Ate! Tumigil ka na! Kuya Alistair. Pigilan mo si Ate!" Ani ni Tita Kate sa kakapasok lang na si Daddy.
Lumapit si Daddy kay Mommy at pinalis ang mga luha nito. Napa-atras ako nang makita ang galit nito sa mata. Sumunod na pasok sila Ate at Kuya at nagalit rin nang makitang umiiyak si Mommy.
"Ano ba Hatey! Sinasaktan mo na naman si Mommy. Grabe na nga ang pag-iyak niya nang pinanganak ka tapos ngayon na naman, ito? Wala ka nang magandang dulot kung hindi saktan kami. Hindi mo alam na halos mabaliw si Mommy dahil sa'yo. Kung paano ka nabuo! Because she was raped, at ikaw ang bunga. Napabayaan kami. Kaya ngayon, wala kang karapatang umiyak at saktan si Mommy!" Sigaw ni Ate Alyna. Napahagulhol ako sa sakit. Lord, it hurts. It pains me a lot. Sobra-sobra na po. Hanggang saan pa po ba 'to.
"Damn it, tumigil na kayo!" Sigaw ni Ate Kate. Namumula ang kan'yang mata habang nakatingin sa akin.
"Umalis ka na Hatey. Ayoko nang makita ka kahit kailan! Get lost! S-sana..sana namatay ka na lang. Sana hindi na lang kita pinanganak. Sana pinalaglag na lang kita. I hate you... I hate you so much! At hinding-hindi kita tatanggapin!"
Napaatras ako matapos sabihin iyon ni Mommy. Hate? Masakit! Oo sobrang sakit na hate ka ng sarili mong magulang. Minsan naiinis ako sa pangalan ko. Hatey...hate. Pero ngayon, mas masakit. Because she loathe me. Loathe. Mas malalim iyon, mas masakit iyon, mas sobra iyon.
My mother wish for my inexistence? G-gusto niya akong mamatay? Mariin akong napapikit. Wala na bang mas sasakit pa dito? Lord, sabi ko hindi ako susuko. Na magpapakatatag ako kahit anong mangyari. Pero this time, kaya ko pa ba? Kasi parang hindi na. Pakiramdam ko patay na ako. Pinatay na nila ako. Sa sakit. Tinorture na nila ako, but this time tinapos na nila ang lahat.
Ni Mommy...
"M-mommy... I'm so so so sorry if I cause too much pain. Sorry kung pinapaalala ko sa'yo ang lahat. If I know from the very start that I'm causing a lot of pain to you, to all of you, sa pamilya ko, sana matagal na akong umalis. Nawala. Kasi ganoon ko kayo kamahal. Na kaya kong gawin ang lahat na magpapasaya sa inyo. Kahit kapalit pa no'n ang buhay ko. Because I love you so much, at hinangad ko lang naman ay mahalin niyo rin ako. But I think I don't deserve it. Kasi sinasaktan ko na pala kayo." Huminga ako nang malalim at inisa-isang tignan ang mga umiiyak nilang mukha. Damn, sinasaktan ko na pala sila. Akala ko ako lang nasasaktan.
"T-thank you Mommy, Daddy. Sa inyo Ate, Kuya. Kasi kahit papaano nakasama ko kayo. But from now on, don't worry. Mawawala na ako. Hindi na ako magtatagal dito. Sorry sa inyo. Sa inyong lahat. All I want for all of you is happiness. A-at sana dumating ang araw na patawarin niyo ako. Goodbye at mahal na mahal ko kayo..." Ngumiti ako. A genuine smile before turning my back and running away.
Running away from my family, from that house, from their life.
Hindi ko inakalang sa ganito matatapos ang lahat. Akala ko darating ang araw na mamahalin nila ako. Na matatanggap nila ako. Akala ko darating ang araw na ang presensya ko ay papahalagahan nila. Pero akala ko lang pala. Akala ko lang ang lahat.
Minsan may hinihiling tayo na hindi natutupad. Ang sabi nila, hindi daw iyon ang best sa'yo. Mas may deserve ka pa doon. Pero para sa akin, ang pagmamahal nila ang best gift na matatanggap ko. Ito ang regalong hindi ko ipagpapalit sa kahit na ano.
Tumingala ako sa buwan at pinagmasdan ang mga bituin. Kahit papaano ay nababawasan nito ang bigat ng pakiramdam ko. Kapag nawala ako and meet God, I will request to him na ilagay niya ako kasama ng mga bituin. Para mapanood ko ang gabi. Ang mga pangyayari. At mabantayan ang mga mahal ko.
Tinignan ko ang cellphone ko at nakita ang reply ni Jaycee na susunduin na daw niya ako. Dalawang minuto na lang alas-dose na. October twenty-four na.
Napatingin ako nang makita ang pagparada ng sasakyan sa 'di kalayuan. Lumabas doon si Jaycee. Palinga-linga siya ng tingin at may bahid ng pag-aalala. Hanggang mapatingin siya sa akin. Ngumiti ako ng matamis at tumayo mula sa pagkaka-upo sa kalsada. Nakahinga rin siya ng maluwag at naglakad palapit sa akin.
I realized na kahit masakit ang nangyari sa gabing ito, may magandang regalo pa rin pala sa akin ang Diyos. Si Jaycee. Ang taong naparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal. Pinahalagahan niya ako ng sobra. At alam kong siya na ang lalaking para sa akin. Si Jaycee ang pinakamagandang regalo sa akin...
Ilang hakbang na lang ang layo namin sa isa't-isa ng lumiwanag ang cellphone ko kasabay ng pagyakap sa akin ni Jaycee ng mahigpit. Napangiti ako sa init ng yakap niya. Ang yakap na hinahangad ko lagi. At siya lang pala ang magbibigay sa akin.
Kasabay ng pag-alarm ng cellphone ko ay ang pag-alingawngaw ng putok ng baril sa gitna ng katahimikan. Natulala ako. Namanhid ang katawan ko kasunod ay ang aking pagbagsak.
"Damn it, wake up baby. Hatey!" Sinapo ni Jaycee ang aking mukha. Pilit akong nagmulat ng mata. And my heart broke into pieces when I saw his face. Umiiyak siya. At ngayon ko lang napagtanto, na ito pala ang pinakamasakit na maaari kong makita, marinig at maramdaman. Ang makita siyang nasasaktan.
Itinaas ko ang kamay at hinaplos ang kan'yang mukha.
Bumalik ang mga ala-ala ko kasama siya. Ang pagtawa niya, pag-nguso, pag-ismid, ang lahat-lahat sa kan'ya. Sa kan'ya ko naranasan na maging masaya ng hindi pinipilit.
"You're the best gift I ever received," bulong ko kasunod ay ang pag-ubo ko ng dugo.
Thanks God for the gift. Thanks God for giving Jaycee to me. Thank you po na kahit sandali ay pinahiram niyo siya sa akin at salamat sa buhay na pinahiram niyo sa akin.
Best birthday gift...ever.
****
Supladdict<3
BINABASA MO ANG
The Unwanted (Completed)
Short Story(Painful Series #1) Do you know what is the worst feeling in this world? It is being unwanted by everyone. No one is caring.. No one is loving... You'll always feel rejected. Neglected. Alone. Do I deserve this? Why do I need to feel this kind of pa...