CHAPTER 20
3rd quarterly exam na sa Monday, so Saturday ngayon kaya magrereview na ako. Pag katapos nun SEMBREAK and CHRISTMAS BREAK. Oo ganun sa School namin, bali 1 month ang BREAK naming,diba ang saya.
Nandito lang ako sa kwarto at nagrereview ng may tumatawag sa celphone ko. *rriiiinnn riiiinngg* number lang ang nakalagay. Sinagot ko naman. “hello?”sagot ko. “sungit!”kilala ko yun ha? Freak? Is that him? “fr—ranz? Ikaw ba yan?”tanong ko. “yeah! Ano ginagawa mo?”tanong niya. “nagrereview. Teka bakit ka tumawag? Tska pano mo nakuha number ko?”tanong ko. “ah sge, basta, kain ka na lunch! Sige bye!”bigla na lang niya binaba yung linya. Walangya, istorbo, nagaaral tapos tatawag, wala naman dahilan.
*tiit* *tiiit* may nagtext. Si Freak. Sinave ko yung number niya, pero FREAK ang nilagay kong pangalan. Hehesh!
From:Freak
‘hey! Kumain ka na?’
Nireplayan ko. ‘di pa. mamaya na. nagrereview pa ako.’ Nagreply naman agad siya. Wow ang bilis huh.
From:Freak
‘sige na, mamaya na yan, kumain ka na, wag ka aalis ha, dyan ka na lang sa bahay niyo, wag ka aalis na hindi ako kasama’
Nireplayan ko ulit. ‘okay!’ yun lang. pero di na siya nag reply. Ano daw? Wag daw ako aalis na hindi siya kasama? Bakit? Tsss
*ttiiiittt* *tiiit*
From:Freak
‘SORRY!’
