CHAPTER 11
Bakit nga wala pa si freak? Dumating na yung adviser naming pero wala pa rin si freak. Ayan na! dumating na, ano yung dala niya? Cake?
“here!”sabi niya at sabay lapag nung cake sa table ko. bakit niya ako binigyan? “ano yan?” tanong ko. “cake!”pilosopo niyang sagot. Tanga alam ko na cake yan, I mean…oo nga eh yung tanong ko kasi, pero common sense naman oh! Tsk ! “alam ko, bakit may ganyan?”tanong ko. “may birthday! Kainin mo na!”sabi niya. “birthday? Sino?”tanong ko. “joke lang! basta kainin mo na! ayaw mo pa! pinaalam na din kita na di ka pa kumakain, so go ahead!”sabi niya. Kinain ko naman yung cupcake na binigay niya. Favorite ko kaya ang cupcake. Mabait naman pala itong si Freak eh, kaya lang hindi marunong mag sorry by word.
Inaalala ko lang, hindi niya ba ako maalala? Yung nabunggo niya nung first day of school? Matanong nga! “fr—ranz!”sabi ko. “yun, pinansin din ako! Bakit?”sabi naman niya. “wala!”sabi ko sabay irap. Wag na baka may amnesia to. Haha
Uwian na, 1 week kasi na half day lang kami, then next week, regular na. umuwi na ako ng maaga kasi, gusto ko na talaga umuwi.
Sa bahay..
“lola! Tumwag na ba sila mama? Baka kasi ano yung..alam mo na!”sabi ko. “oo tumawag, at napagusapan na namin, matutuloy naman iyon, pero hindi pa sa ngayon”tanong ni lola. “hhhhm….isa lang naman yung gusto ko, hindi tanggapin yung inaalok sa akin ni mama tska ni papa.”sagot ko. “apo! Hindi pwede iyon, ako din naman ayoko, pero yun ang kailangan iyon dahil, iba ka sa mga babae, kailangan iba din yung ibibigay sayo.”
Nakakainis naman kasi, pagdating ko ng 17, ipapadate nila ako sa mayaman, matalino, gwapong lalaki, kaya ayoko muna mga birthday kasi, kinakabahan ako. Ayaw daw kasi ni mama at papa na kung sino sino na lang daw yung mga makatuluyan ko, eh wala pa naman akong oras para dyan. Makapagpahinga na nga.