CHAPTER 24
IT’S MY BIRTHDAY….TOMORROW!!! Ang araw na ayaw na ayaw ko, kasi ayoko talaga tumatanda, I want to stay bata, hu hu. Mag se-seventeen na ako. Sana wala magbago.
Syempre ang dami agad bumati sa Facebook ko at marami din bumati sa Text, yung iba tumatawag pa. syempre unang unang bumati sa akin ay yung dalawang kaibigan ko na si Bella at Sab. Nag promise kasi ako sakanila na pag nag seventeen na ako, it-treat ko sila sa tagaytay.
Sinundo ko na sila sa mga bahay nila. una sinundo ko na si Bella. Ang ganda ng suot, ang dami pang dala eh, 3 days lang naman kasi kami dun. Sinundo naman naming si Sab. Simple lang, ayun madami din dala.
Habang nasa sasakyan kami, syempre chikahan. “Van! Bakit hindi mo sinama si Ranz?”tanong ni Bella. “bakit naman? Tska hindi naman niya alam na kung kalian birthday ko at buti na nga lang diba.”sabi ko. “you’re not sure!”sabi ni sab. Ano not sure? Tss. “haha”bigla na lang tumawa si Bella. “Sab! Hindi pa nga siya nakakasigurado! Haha”sabi ni Bella. “yeah right!”sabi niya, may pa-hangin hangin pa ng buhok. “tumigil nga kayo dyan, birthday na birthday ko, inaasar niyo na naman ako,”sabi ko. nagtawanan na naman sila. Nakadating na kami at yun nga ang ganda, sobra! Sana magtagal kami dito.
“magliligpit lang ako at magbibihis para makaalis na tayo mamaya”sabi ko. “go lang girl, may pupuntahan lang kami ni Sab, magpahinga ka na muna, okay?”sabi ni bella. “teka? San kayo pupunta?”tanong ko. “buy a cake!”sabi ni Sab. “teka, kuya vic, pahatid sila, bibili daw sila..sige na, inaantok pa kasi ako.”at agad na silang umalis, ako naman pumasok na sa kwarto at nakatulog na. pag gising ko, lumabas na ako ng kwarto at dun sa POOL, dahil may pool doon. Nakita ko, bakit walang tao! Pumunta naman ako sa SOFA, wala pa din, asan na kaya yung dalawa. Pumunta naman ako sa kwarto ni Bella, siguro nandun iyon. Inopen ko na yung pinto. Madilim, biglang bumukas yung ilaw. “SURPRISE!!!”sigaw nila. “waaaah!”