CHAPTER 19
Pumasok na naman ako ng maaga, yun nakita ko sila Bella and Sab, kaya pinuntahan ko na. “bella! Sab!”nagulat naman sila. “uy!”sabi ni Bella. “how’s yesterday huh?”tanong ni Sab. “yesterday? Bakit ano meron?”tanong ni bella. “Bella and Ranz’s date! Hahaha”sabi naman ni Sab. “date? Waahahha? Really?”sigaw naman ni Bella.. buti na lang wala pa masyado tao dito, makasigaw kasi eh. “manahimik nga kayong dalawa diyan, at pwede ba, hindi kami nag date ni Freak!”sabi ko at naka-halukipkip. “kung hindi kayo nag date eh ano?”tanong ni Bella. “wala, pinaghintay niya ako dun ng 1 hour, di naman bumalik, nakakabadtrip yung freak na yun! Dumating kasi si Katrina, badtrip talaga!”sabi ko ng galit. “hey!”nagulat naman kaming tatlo. “I forgot you, yesterday!”sabi niya. Lumingon naman ako, “me? You forgot? Tse!!!” umalis ako bigla. Yes kits freak! Nakakinis naman kasi talaga kahapon.
Sinundan na nila ako sa Classroom at wala pa naman teacher. “hey! Hindi ko naman sinasadya eh, here oh!”nagbigay na naman siya ng cake. Weakness ko talaga yung cake eh, pero pakipot muna ng konti, naiinis kasi talaga ako. “umalis ka nga, badtrip ako ah!”sabi ko. “mamaya pwede ba ulit?”tanong niya. “akin na nga yan!”kinuha ko yung cake. “no!”sabi ko. “tsk!” sabi niya. “eh, next time?”tanong niya ulit. “maybe! Pero bakit mo naman ako pinaghintay dun ng 1hour, ano ba kasi gagawin dun sa court!?”tanong ko. “wala lang!” badtrip talaga to. Bigla ko na lang siya hinampas. “basta next time!”tumingin na lang ako sakanya at inirapan ko.
Hindi ba siya marunong mag sabi ng salitang SORRY? Ano ba kalseng tao tong freak na to? Tao pa ba yan?
*tiktok**tiktok**tiktok*
Uwian na at, umuwi na ako at baka kulitin na naman ako ni freak, nagtext na din naman ako kina Bella at sab na uuwi na pero wala naman sila reply. Teka..ano na kaya nangyari kina Sabrinaa and Mark? Awkward pa rin ba? Makauwi na nga.