Chapter 13 ~I'm just joking (Ranz)

9 1 0
                                        

CHAPTER 13

huy!”napatalon ako sa gulat ng hampasin ba naman ni freak yung table ko. “takte naman!”sabi ko sabay irap.“hahahah”tawa pa ng tawa. Nakakairita lang. “kanina ka pa kasi tulala, parang ang lalim ng iniisip mo! May problem ba? Ha van?”sabi niya. Ewan ko ba kung bakit, siguro iniisip ko yung kina Mark at Sab. Kawawa naman kasi si Sab. Tsk ! teka… “hoy! Wag mo ako tinatawag na Van, hindi tayo close!”sabi ko. nilapit niya yung mukha niya sa akin, pero hindi naman magkadikit masyado, konti lang, “oh ayan! Close na tayo!”sabi niya. Ewan ko ba kung ano mararamdaman ko, bakit ang gwapo niya sa malapitan tska ang bango bango pa, waaah! Bigla ko naman siyang tinulak. “ano ba! Hindi tayo close ha! Tsupe tsupe!!” sabi ko. ngumingisi lang siya, baka akala niya maf-fall ako sa mga ganyan ganyan niya, huh no way milky way!! “miss sungit na lang!”ngisi ng ngisi lang siya, haay naku naman!

Miss Villamor and Mister Evidente! There’s any problem?”nagulat kaming dalawa. Kanina pa pala kami maingay, ang dami na pala sinabi ni ma’am, naku po. “aahhh..w---“naputol yung sinabi ko. “si miss Villamor daw po kasi natatae!”sabi ni freak. What? Sinabi niya yun! Nakakahiya! Pinagtawanan tuloy ako ng mga kaklase ko, pati na rin yung mga kaibigan ko, kakainis naman. “ah! Ma’am hindi po, ano po kasi—“naputol na naman yung sasabihin ko. “natatae na daw po talaga siya, she really need to go to the restroom!”sabi niya. Sige hala tawa kayo, nakakahiya na talaga. Ano ba problema niya. “Class! Quiet! Miss Villamor,can you go"okay tong freak na to. “ma’am hindi naman po ako natatae!ma’am hindi naman po!”sabi ko. “huwag ka na umarte! Dali na..tahahahah!”sabi nung isang kaklase naming.tumayo na ako at palabas na sana ako ng pinto bigla naman nagsalita si freak, “Ma’am, I’m just joking!”nagulat naman ako sa sinabi niya at nagtawanan na naman sila. Nako naiinis na talaga ako. MR.RANZ VINIEL EVIDENTE, humanda ka sa akin! 

~Love and Hate~Where stories live. Discover now