CHAPTER 25
“SURPRISE!!” “waaaaaaaaaaaaaaaah!!!” nagulat naman ako kasi nandito sila lahat. Si Bella at si Sab, si Mark at si Austin at tska si-----FREAK?!!!!!! Oh no!!! bakit sila nandito??!!? Takte naman! Mapapamahal pa ako eh. “huy!”sigaw ni bella. “ay…eh..haha, uy, bakit kayo nandito?”tanong ko with fake smile. “its your birthday tomorrow kaya nandito kami!”sabi ni Austin. Tsk! Pano nila nalaman? Hhmm si Bella at si Sab ang may pakana nito eh. “di ka ba na surprise?”tanong ni Freak. “syempre nasurprise! Kaya lang bat ka nandito?”tanong ko. ngatawanan na sila, siya naman ngumingisi lang. ano ba problema nila.
“huy bella! Kayo may pakana nito no?”tanong ko kay bella. “what do you think? Okay ba?”sabay ngisi niya. “nakakabadtrip ka naman! Bakit pati si Freak sinama mo?”tanong ko. “ayaw mo ba?”may nagsalita sa likod ko. waaah si Freak. “oo bakit? Angal?”biro ko. okay lang naman na nandito si Freak, ayaw ko lang naman na nalaman niya yung birthday ko. “o sge, mamaya din naman aalis na ako.”sabi niya at bigla na lang siya umalis. Wow ang drama, best actor palakpakan. “lagot ka Van!”sabi ni Bella. “bakit ano ginawa ko?”sabi ko. “pinaalis mo kasi yung tao, siya kaya ang lahat lahat magaayos ng party mo bukas, tas ganyan lang gagawin mo sakanya. Tsk tsk! Lagot ka van!”parang kinukunsensya ako ni Bella. Sira ulo talaga itong babaitang to. “sige na, pupuntahan ko lang si Austin.”tahimik lang ako.
5pm na. nandun lang sila sa SOFA nag tatawanan, ako naman nasa kitchen, nasaan na kaya si FREAK? Hinanap ko siya sa SOFA, wala. Sa mga KWARTO, wala. Sa labas, nandun, pinuntahan ko naman agad. “huy!”sabi ko. lumingon siya at binalik ulit yung tingin sa garden. “huy, ito naman! Ayaw mamansin….uuuy mamansin na yan!”kiniliti ko siya sa bewang. “stop it Vanessa!”galit niyang sabi. Ano ba problema nito? Dahil ba kanina? Bigla na lang siya umalis at dumeretso sa kwarto, sinundan ko naman. “oh! Bat ka nagiimpake?”tanong ko. “aalis na ako”sabi niya. “ha bakit? Wag! Sorry na! binibiro lang naman kita kanina, sorry na!”sabi ko. pero wala pa rin siyang imik, tuloy pa rin siya. “uy! Sorry na, yiiee tatawa na yan, sige pag umalis ka, aalis na din ako dito!”nagulat naman siya sa sinabi ko. at tumigil na sa pag iimpake at lumabas na. oh diba effective. Kaya lang ang sungit naman niya. Tsk ! baka meron? Nyaa!!