CHAPTER 2
“miss tulungan na kita?”sabi niya. Ang pogi at ang bago bago pa. “ay salamat!” sabi ko at hinawakan yung kamay niya. “are u okay?”tanong niya. Mukha ba akong okay? Nako pag nakita ko talaga yung isang lalaking nagsabi ng tanga tanga, malalagot yun! Wahahaha ! “miss?!” nagulat naman ako nung nagsalita siya.. “aaah..oo okay lang”nahiya tuloy ako. “sabay na tayo? Dun din naman ako nag aaral eh.” “MWU ka din?” tanong ko. “yah! Let’s go!” bigla niya na lang ako hinatak. Ang pogi naman nitong kasama ko, Moreno, grabe ha.
Dumating na kami sa Middle Way University, at kasama ko pa rin siya. Maya maya, nagpaalam muna siya dahil nmay hahanapin pa daw siya. “see you later?” see you later? Bakit? Tska sino ba yun? Parang kilala niya ako? Ano problema nun? Bakit alam niya kung saan ako nagaaral? Haaay!
Naglakad lakad na lang ako at maya maya “Van!” sino yun? Lumingon na ako “hey! How are you?” sabi ko na nga ba siya yun eh. “Bella!!!” alam na alam ko na si Bella yun, kikay mag salita at may arte. Haha. “eto, masaya na badtrip!”natawa siya. “what? Haha, what you mean?”tanong niya. “long story!”sabi ko. “edi paikliin mo!”sabi niya at nagtawanan na lang kami.
Bella’s POV
Hi I’m Bella Thompson, pretty, maarte, at may pagka-kikay, half british, but I know how to speak Filipino, 1st year pa lang kasi ako dito na ako nag aral sa Philippines pero every bakasyon pumupunta ako ng London to visit my family, then I met Vanessa, ang napakabait kong kaibigan at lagi akong pinagtatanggol at tinutulungan. I have a boyfriend, bago lang kami, and he is Austin Willford, british din. Nakilala ko siya nung nagbakasyon ako last year, at naging kami, then he transfer here in Philippines to be with me, diba sweet, ehem! O sya sya, si Van na!
“nasaan na ba si Sab?” tanong ko. “hindi ko pa nakikita eh”sabi naman ni Bella. “ habang naglalakad kami, nakasalubong namin si Sab!
