CHAPTER 14
Break time na naming at gagantihan ko na si Mr.Freak, humanda talaga siya. Sabay sabay kaming anim na pumunta sa cafeteria at sabay sabay din kami kumain, okay gaganti na ako. Sadyang tumabi ako kay Freak para magawa ko yung plan ko, tumayo ako na parang nababahuan, “I smell something, what’s that?”nagulat naman silang lahat, “wala naman ah!”sabi ni Bella. Echosera talaga itong babaeng to. “basta, may naaamoy talaga ako!”umaamoy na din silang lahat, pinipigil ko na lang yung tawa ko, at si freak naman ay parang nagtataka, “hey, kumain ka na lang baka guni guni mo lang yun!”sabi ni freak. Guni guni? Tanga ba siya. Tsk ! “ayaw ko!”sigaw ko at biglang nagtinginan yung mga tao sa cafeteria, “everyone! Naamoy niyo ba yun? Ang baho talaga eh!”tumingin ako sa inuupuan ni Freak at “eeeeeeww yuuuuck!!! Tumae si Mr.Evidente sa pants!”madami nagulat. Yay! Nakakatuwa naman yung ginagawa ko. “omg!!! Mr.Evidente, may C.R naman, bakit dito pa sa loob ng cafeteria? Tsk tsk!”sabi ko. “shit! Stop this Villamor!”mahinang sabi ni Freak. Nakaktuwa lang yung reaksyon niya, tumayo siya at naglakad “I’m just joking!”napa-stop siya. Revenge is Success!
“hahahahah!!! You’re so crazy!!!”
“baliw ka na talaga!!! Akalain mo yun, Ranz Viniel Evidente na kinatatakutan ng lahat eh nagawa mong ipahiya!” tawa lang sila ng tawa. “I’m not sure if magagalit talaga si Ranz!”sabi ni mark. “pinahiya niya ako, pinahiya ko siya edi tapos! Para fair!” Tawa lang kami ng tawang lima, ako, si bella, si sab and si Austin. Para na nga kami magkakaibigan talaga, pero si Sab and Mark, awkard pa din.
Bumalik na kami sa classroom, nakita ko si Freak nakaupo at parang wala sa mood. Umupo na ako at, hindi niya ako pinapansin, ako naman pinipigilan ko lang yung tawa ko. “you’re done?”tanong niya. “what?”sabi ko at natatawa pa. “are u done laughing?”sabi niya. Natawa na ako, dahil nakakatuwa kasi yung reaction niya nung pinapahiya ko siya. “para fair!” sabi ko at napatigil na ako kakatawa at inirapan siya. “ayoko na ! I hate this game!” siya yung nauna tapos sasabihin niya I hate this game, ewan ko sayo. DISMISS!!!!!
