Prologue

275K 3.8K 136
                                    

The Neighbors Series #2
The Gorgeous Nanny
Sapphire Briones
Written by: jglaiza

Prologue

**

I moaned and opened my mouth when I felt him bit my lower lip. He started devouring my lips as I felt his hands slowly made its way to my chest. Agad ko na siyang itinulak bago pa man niya magawa ang gusto niya. Gulat naman siyang napatingin sa akin.

"I told you. I'm not in the mood," I said. Inirapan ko siya bago inayos ang damit kong ginulo niya.

Tumawa siya. "You, the gorgeous Sapphire Briones, is not in the mood to make out? Are you kidding me?"

Hindi ko siya pinansin. I grabbed my tequila and drank it before looking at him.

"Can you please leave?" I asked.

He shrugged. "Okay, darling. Siguro naman next time, nasa mood ka na."

"I said, leave!" inis na sabi ko.

"Fine. Fine. I'll go," sabi niya at umalis na habang umiiling.

Nandito ako sa isang high-end bar sa BGC at pinipilit na magpakasaya. I'm not really in the mood to make out with anybody. Yes, I am a playgirl and I like to flirt a lot but that doesn't mean I'll do it everyday. Nagpunta lang ako rito ngayon dahil nabo-bored ako sa bahay.

Unfortunately, Vince, the one I was kissing earlier, saw me as soon as I entered the bar. Dahil madalas ako sa mga bar, marami na ang mga lalaking nakakakilala sa akin. Isa na si Vince sa kanila. Sinabi ko na sa kanya kanina na wala ako sa mood na makipag-make out pero ang malanding lalaki, ipinilit pa rin ang gusto. Tss!

Kung tutuusin, hindi naman ako ganito dati. May pagka-maldita lang ako pero hinding-hindi ako nakikipag-make out kung kani-kanino. Nagsimula lang ito two years ago, a few months after my college graduation, pagkamatay ng Lola ko.

Napailing ako nang maalala na naman ang bagay na iyon. I don't want to remember that. I don't want to remember what they did. I hate them. I hate them for leaving me all alone.

Nagpaka-busy na lang ako sa pag-inom dahil wala ako sa mood ngayon na makipaglandian sa kung sino-sino. Tumingin ako sa dance floor. Masaya ang lahat habang nagsasayawan at umiinom. They look happy. Buti pa sila.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon at hindi na ako nagulat nang makitang ang kaibigan kong si Bree ang tumatawag. Hindi ko na lang sinagot. Alam ko namang tatalakan niya lang ako at sasabihing umuwi na ako. Sigurado namang alam na naman niya na wala pa ako sa bahay. Tinawagan na naman siguro niya ang katulong namin.

Niyaya ko kanina si Bree pati na rin ang isa pa naming kaibigan na si Eunice para samahan ako rito. Pero dahil sadyang mabait ang dalawang iyon, hindi nila ako sinamahan. Actually, sinasamahan naman nila ako dati. Kahit naman ngayon pero minsan na lang dahil may mga obligasyon sila sa pamilya nila. Hindi ko naman sila mapipilit lalo na kapag pamilya na nila ang usapan.

Alam nila kung anong klaseng babae ako. Alam nila ang buong pangyayari sa buhay ko. Para ko na silang mga kapatid. Kung tutuusin, silang dalawa na lang ang natitirang pamilya ko ngayon. Alam kong mahal nila ako kaya kahit na hindi nila ako sinasamahan sa mga bar na pinupuntahan ko, tumatawag sila sa bahay para alamin kung nakauwi na ako. At kapag hindi pa, saka nila ako tatawagan. Tulad na lang ng ginawa ni Bree ngayon.

The Gorgeous Nanny (The Neighbors Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon