Special Chapter II

128K 2.5K 153
                                    

Author's Note:

Happy 2M reads, TGN! Here's a special chapter for all of you who made this possible. I hope you like it!

**

Sapphire's Point of View

"Good morning, hon!" masaya kong bati kay Joseff pagkatapos ko siyang gisingin. Pero imbes na sumagot ay gumalaw lang siya at natulog ulit.

I groaned. Ang hirap niya talagang gisingin nitong mga huling araw. Lagi kasi siyang nag-o-overtime sa trabaho. May event kasi silang inaasikaso na ayon sa kanya ay mangyayari raw mamaya. But if he's not going to stand up and get ready, he'll be late for that event.

Nilakasan ko na ang pagyugyog sa kanya para tuluyan na siyang magising. Hindi naman ako nabigo dahil maya-maya lang ay nakakunot-noong dumilat siya at tumingin nang diretso sa akin.

"You should get up and get ready. You have an event to attend today, right?" I asked.

He nodded. He pulled me closer to kiss me on the lips. "Good morning, hon," he said.

I smiled and gave him another kiss. Pagkatapos no'n ay tumayo na ako saka ko hinila ang kamay niya para tumayo na rin siya. Mabuti na lang at hindi na niya ako pinahirapan pang hilahin siya dahil tumayo na siya para maligo. Hinayaan ko na siyang pumunta sa banyo habang sinimulan ko namang ayusin ang isusuot niya.

I went out of our room after preparing his clothes. Nagpasya akong silipin muna saglit ang mga bata na alam kong hanggang ngayon ay tulog pa. Since it's Saturday, I let them sleep some more.

Pagkatapos kong masigurong tulog pa sila ay bumaba na muna ako para tumulong kay Ate Cel sa paghahanda ng breakfast. Matagal nang wala si Nana Sonia rito sa amin. Umuwi na siya sa probinsya kung saan naroon ang mga kaibigan niya. She's probably taking a rest now. Paminsan-minsan ay kinukumusta namin siya at alam naming nasa mabuti naman siyang kalagayan.

After half an hour, I saw Joseff enter the dining room. Nakahanda na ang breakfast kaya umupo na kaming dalawa sa harap ng hapagkainan para sabay nang kumain. Mas mabuting kumain na rin ako ngayon dahil pakakainin ko pa ang tatlo mamaya.

Nagpaalam saglit si Ate Cel para puntahan si Sofia sa kwarto. Pag-alis niya ay nagsimula na kaming kumain ni Joseff.

"I haven't checked the kids yet. They're still asleep?" he asked while putting rice on my plate. Napangiti ako sa ginawa niya. Dapat nga ako ang gumagawa sa kanya no'n pero siya pa itong gumagawa no'n para sa akin.

Tumango ako. "Yep. Hinayaan ko na lang muna silang matulog dahil ilang araw rin silang gumigising nang maaga. By the way, what time are you going home tonight?"

"I don't know. Maybe after the event."

"Anong oras ba matatapos ang event?"

Hindi siya agad sumagot kaya nilingon ko siya. Napakunot-noo ako nang mapansin kong para siyang nag-iisip. Nang makita niyang nakatingin ako ay agad siyang sumagot.

"The event will end by seven in the evening. After that, I still need to talk to some people before going home," he replied. Still, hindi ko maiwasang magtaka kung bakit kailangan pa niyang mag-isip.

Sa huli ay hindi ko na lamang iyon pinansin. Mas na-bother ako dahil late na naman siyang uuwi.

"You're going to be late again tonight?"

He stopped eating then sighed. Napatigil din ako sa pagkain at nakasimangot na tumingin sa kanya. Hinawakan niya ang isang kamay ko saka niya iyon hinalikan.

The Gorgeous Nanny (The Neighbors Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon