Chapter 6
Away**
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nasa loob ng banyo ni Joseff. Hindi ko alam ang gagawin ko. I can't go out like this. Hiyang-hiya na nga ako dahil nakita niya iyon, mas lalong nakakahiya kung lalabas ako rito nang hindi nakakapag-ayos. Pero hindi naman pwedeng manatili na lang ako rito.
Tumayo ako malapit sa pinto. I don't know what to do. Hindi naman pwedeng pakiusapan ko siyang ikuha ako ng pamalit. May hiya pa rin naman ako, 'no. Isa pa, boss ko siya. Ugh! Bakit ba kasi ngayon pa nangyari ito?
"Saff?"
Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Nana Sonia. Bigla akong nabuhayan ng loob.
"Nana..."
"Sinabi sa akin ni Joseff ang nangyari. May dala ako ritong pamalit mo. Lumabas ka muna diyan at kunin mo ito," sabi niya.
Nakahinga ako nang maluwag. Thank God for Nana Sonia. Mabuti na lang at nandiyan siya.
Pipihitin ko na sana ang seradura nang bigla kong maalala si Joseff. Wait. Baka nandiyan pa siya. Nahihiya akong lumabas.
"Uh, Nana... ikaw lang po ba ang nandiyan?" tanong ko.
"Oo. Huwag kang mag-alala. Nasa labas ng kwarto si Joseff kasama si Zoey. Lumabas ka na diyan."
Nang marinig ko iyon ay saka ko binuksan ang pinto. Tumambad sa akin si Nana Sonia na may dalang shorts, underwear, towel at sanitary napkin. Kinuha ko iyon at nagpasalamat. Pagkatapos ay pumasok ulit ako sa loob ng banyo para magpalit.
Nang matapos akong magpalit ay nakahinga ako nang maluwag. Akala ko ay mata-trap na ako rito. Mabuti na lang at dumating si Nana Sonia. Kaya lang, nakakahiya pa rin kay Joseff. Pakiramdam ko ay hindi na niya makakalimutan ang nangyari ngayon. Oo, gusto kong mapansin niya ako pero hindi sa ganitong paraan!
Napabuntong-hininga na lang ako saka nagpasyang lumabas na. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako nang makitang hindi si Nana Sonia ang naroon kundi si Joseff na. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Well, seryoso naman talaga siyang tumingin simula pa noong unang beses kaming nagkakilala. He really has a cold personality.
"Sir!"
"Are you done?" tanong niya.
Mabilis akong tumango. "Yes, Sir. Uh... thank you nga pala sa pagpapagamit sa akin ng banyo. And I'm sorry for what happened."
"Don't worry. I know it's normal for a girl to have a period," he seriously said.
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Shucks! Bakit parang nakakahiyang manggaling sa kanya ang salitang 'period'? Pakiramdam ko ay namumula ako ngayon dahil sa hiya.
"Hmm, Sir. May ipapagawa ka pa ba?" tanong ko.
He shook his head. "Wala na."
"Sige, Sir. Lalabas na ako. Salamat ulit."
Wala na siyang ibang sinabi kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto niya. Agad akong dumiretso sa kwarto namin ni Nana at nang makapasok doon ay saka lang ako tuluyang nakahinga nang maluwag. Grabe. Ayoko nang mangyari ito ulit. Maglalagay na ako ng alarm sa cellphone ko para hindi ko makalimutan ang date ng period ko.
Pagkatapos kong malabhan ang mga natagusan kong damit ay lumabas na ako ng kwarto para tingnan si Zoey. Nanonood pa rin siya ng TV at nakasimangot pa rin siya. Tumabi ako sa kanya at nagpasyang tanungin siya sa problema niya.
"Zoey, why are you frowning? Do you have a problem?"
Lumingon siya sa akin. "You went to my Dad's room, right? Is he still working?"
BINABASA MO ANG
The Gorgeous Nanny (The Neighbors Series #2)
General FictionPUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her friends but most of the time, she's hanging out with a l...