Seventeen

138K 3.3K 305
                                    

Chapter 17
Kiss

**

Matapos naming makapagpaalam sa mga magulang ni Joseff ay umalis na kami. Inihatid na lang kami ng driver nila sa airport para bumiyahe papuntang Camiguin. Babiyahe muna kami papuntang Cagayan De Oro pagkatapos ay saka kami sasakay ng ferry papuntang Camiguin.

Alas tres na ng hapon nang makarating kami sa beach resort kung saan kami magpapalipas ng ilang araw para sa aming bakasyon. Isang kwarto na may dalawang malaking kama na lang ang kinuha ni Joseff para sa amin. Of course, magkatabi kami ni Nana Sonia at magkatabi naman ang mag-ama.

Pero pwede rin namang tabi na lang kami ni Joseff tapos tabi rin sina Nana Sonia at Zoey. Hehe.

Gusto ko sanang mag-swimming pero dahil sa pagod ay nagpasya akong matulog na muna. Mukhang ganoon din naman ang ginawa nina Joseff kaya hindi na kami lumabas lahat.

Iyon nga lang, hindi ko maiwasang manghinayang dahil three days and two nights lang kami rito. Ibig sabihin ay uuwi na rin kami sa isang araw. Nakakapanghinayang dahil hindi man lang namin mae-enjoy ang unang araw namin dito dahil sa pagod sa biyahe.

Nagkibit-balikat ako at hindi na lang inisip iyon. I don't know what we'll do tomorrow but I'll try to enjoy everything that Joseff planned for us.

Dahil sa sobrang pagod sa biyahe, nakatulog ako agad. Tingin ko nga ay mas nauna pa akong nakatulog kaysa sa kanila. Paggising ko ay nakita ko sa bintana na madilim na. Nakabukas na rin ang ilaw rito sa kwarto. Nang ilibot ko ang paningin ko ay napansin kong walang tao sa kwarto maliban sa akin. Marahil ay nasa sala sila. Nakahiwalay kasi ang kwarto at ang sala rito. Ang banyo naman ay nasa labas din ng kwarto, malapit sa pinto.

Tumayo ako at nag-inat. Nang tingnan ko ang wall clock na naroon ay napansin kong malapit nang mag-alas siyete ng gabi. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya tumayo na ako at lumabas ng kwarto.

Paglabas ko ng kwarto ay nagulat ako nang makita ko si Joseff na nakahiga sa sofa. Nang ilibot ko ang tingin ko ay napansin kong wala roon sina Nana Sonia at Zoey. Wala rin sila sa terrace. Saan naman kaya sila nagpunta?

I shrugged. Baka lumabas lang sila at naglakad-lakad.

Tumingin ako kay Joseff. His eyes are closed. His heavy breathing told me that he's asleep. Lumapit ako sa kanya at huminto sa kanyang harap. I sat beside his face and looked at him.

Ang gwapo niya talaga. He looks peaceful. Parang wala siyang kahit anong inaalala dahil sa itsura niya ngayon. Parang hindi siya si Joseff na mayroong cold persona at laging nakakunot ang noo. Parang ang sarap na lang niyang titigan habambuhay.

I wonder why he slept here. Pwede namang sa kwarto siya matulog. Dalawa naman ang kama roon at wala naman sina Nana Sonia at Zoey. Bakit mas pinili pa niyang dito sa sofa matulog? Halata namang hindi siya kumportable rito. Matangkad siya at lampas na sa sofa ang legs niya.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa kanya. Nagulat na lang ako nang bigla niyang imulat ang mga mata niya. Hindi agad ako nakatayo dahil doon. Nahalata ko rin na mukhang nagulat siya nang makita ako pero nawala rin agad ang reaksyon niyang iyon.

He creased his forehead. Dahil doon ay hindi ko rin mapigilang mapakunot-noo. Bakit ba kasi siya laging nakakunot? Gusto ba niyang tumanda ng maaga?

"Why are you watching me sleep?" he asked.

"Wala. Masama bang panoorin kang matulog?" tanong ko. "Ang gwapo mo kasi kapag tulog kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para panoorin ka."

Mukhang hindi niya inaasahan ang pagsasabi ko no'n ng diretso. Well, what can you expect from me? I am this straightforward.

The Gorgeous Nanny (The Neighbors Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon