Chapter 4
Familiar**
Inayos ko ang sarili ko at nagpasyang lumabas na ng kwarto ni Zoey. Huminga ako nang malalim habang papunta sa kusina. Hindi ako dapat sumuko ngayon dahil lang sa nangyari. Kakayanin ko ito. Mapapaamo ko rin ang batang iyon.
Pagdating ko sa kusina ay naabutan kong nakaupo na roon si Zoey habang inihahain naman ni Nana Sonia ang kanyang pagkain. Now, I just need to make Zoey eat.
Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Zoey para mapakain siya. Sinamaan niya ako ng tingin hindi pa man ako nakapagsasalita. Hindi ko pinansin ang kanyang masamang tingin. Kumuha na lang ako ng plato at naglagay ng kanin.
"What do you want to eat, Zoey? Hotdog or bacon? Or maybe you want the egg?" I asked.
Imbes na sumagot ay bumaling siya kay Nana Sonia. "Nana, I want my old yaya back. Let this girl go away. I don't know her!"
"Zoey, behave. Umuwi na nga si yaya mo sa family niya. Alam mo na iyon, 'di ba? Siya na ang bago mong yaya ngayon. Mabait naman siya tulad ng dating yaya mo, eh," sagot ni Nana.
"I don't care. I don't want her to be my yaya."
Napabuntong-hininga si Nana. "Zoey, anong sinabi ng Daddy mo sa'yo? Hindi ba dapat ay mag-behave ka? Gusto mo bang magalit sa'yo ang Daddy mo kapag nalaman niyang hindi ka nagbe-behave?"
Natahimik ito nang sabihin iyon ni Nana Sonia. Nakasimangot ito at mukhang nag-iisip. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ang cute niyang mukha. Bakit kahit nakasimangot siya ay ang cute niya pa rin?
"Why are you smiling? Are you happy because I was scolded by Nana?" she asked.
Nawala ang ngiti sa labi ko at nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Huh? No. I'm not smiling because of that. I'm smiling because you look cute even though you're frowning," I said.
"Hmp! I know I'm cute. You don't have to say that."
I smiled. "But I think you'll look even cuter when you smile. Can you please smile for me?"
Imbes na ngumiti ay napaiwas ito ng tingin.
"Why would I smile for you? Can you just give me my food? You're wasting my time. I still need to go to school."
Tumawa ako nang mahina. "Okay po, mahal na prinsesa. Ano bang gusto mong kainin?"
Tumingin siya sa mga ulam na nakahain sa mesa. Nang itinuro niya ang hotdog ay kinuha ko agad iyon at hiniwa ng maliliit. Pagkatapos ay sinubuan ko siya nito na may kasamang kanin. Akala ko ay hindi niya kakainin pero napangiti ako nang diretso niya iyong kinain.
Habang pinapakain ko siya ay hindi ko maiwasang matuwa. Akala ko ay mahihirapan akong paamuhin siya pero mukhang natauhan siya sa mga sinabi ni Nana. Siguro naman ay hindi na siya mananakit.
Nang matapos ko siyang pakainin ay dinala ko naman siya sa banyo para paliguan. Hindi naman umalma si Zoey nang sinubukan kong paliguan siya. Iyon nga lang, ilang beses niyang sinadyang basain ako kaya naman nang matapos ko siyang bihisan ay ako naman ang nagpalit ng damit. After that, I braided her hair.
Kalahating oras bago ang simula ng kanyang klase ay bumaba na kami ng condo para pumunta sa kanyang school. Ayon kay Nana Sonia, nasa parking lot na raw ang driver nilang si Mang Tonyo para ihatid kami sa school ni Zoey. Nang makita ko siya ay nagpakilala rin ako bilang bagong yaya ni Zoey. Pagkatapos no'n ay hinatid na niya kami sa school.
It was an exclusive school. Halatang puro mayayaman lang talaga ang nag-aaral doon. Kung hindi lang ako mayaman ay siguradong namamangha na ako sa laki at ganda ng school pero dahil galing din ako sa mayamang pamilya, normal na lang iyon sa akin.
BINABASA MO ANG
The Gorgeous Nanny (The Neighbors Series #2)
General FictionPUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her friends but most of the time, she's hanging out with a l...