The Neighbors Series #2
The Gorgeous Nanny
Sapphire Briones
Written by: jglaizaEpilogue
**
Kasalukuyan akong nasa isang bar ngayon kasama ang mga empleyado ko. Araw ng sweldo ngayon kaya niyaya nila ako kanina na sumama sa kanila. Ayoko sana dahil gusto ko nang umuwi para makasama ang anak ko. Pero sa huli ay napapayag nila ako dahil naisip kong siguradong tulog na ang anak ko sa mga oras na ito.
Kanina pa sila nagkakasiyahan habang ako naman ay nanatiling nakaupo lang sa isang tabi at umiinom. Pinanood ko na lang silang magkatuwaan dahil wala rin naman ako sa mood na makisali sa kanila. Isinasali naman nila ako sa usapan paminsan-minsan pero madalas ay nakikinig lang ako sa kanila.
I was busy drinking when they suddenly encouraged me to dance. Tumanggi ako dahil hindi naman ako mahilig sumayaw. I was left all alone when they all went to the dance floor. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa pag-inom.
Medyo matagal din akong nakaupo roon hanggang sa magpasya akong umuwi na lang. Balak ko na sanang magpaalam sa kanila pero bago pa man ako makatayo ay may bigla na lang tumabi sa akin.
"Hi, handsome," she said and smiled.
Imbes na sumagot ay sinulyapan ko lang siya at umiwas din ng tingin. Based on how she looked, she's the type of person who wants to get laid tonight. I have no time for that. Yes, she's gorgeous and sexy but I'm not up for something pleasurable tonight. Besides, I think she's drunk.
Akala ko ay aalis na siya dahil hindi ko siya pinansin. Nagulat na lang ako nang bigla niyang inilapit ang sarili niya sa akin. I stiffened. Fuck! I'm still a guy. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong wala siyang epekto sa akin. She's too hot to ignore.
"Napansin kong kanina ka pa hindi ngumingiti. Mukha namang masaya ang mga kasama mo pero ikaw nakasimangot lang. Do you want someone to make you happy?"
Hindi ako sumagot. I don't want to entertain her. Baka isipin niyang pumapayag ako sa gusto niyang mangyari.
Lumapit siya sa akin at bumulong. "Do you want me to make you happy?"
Dahil sa sinabi niyang iyon, hindi ko maiwasang lingunin siya. Napangisi ako. Tama nga ang hinala ko. She wants to get laid. But I think she approached the wrong guy dahil wala akong balak ikama siya. Yes, I've bedded so many girls before. But I already stopped that long ago. Paminsan-minsan na lang kapag naisipan. By this time, I'm too tired to give her what she wants.
Pero nang mapabaling ang tingin ko sa labi niya, bigla niya na lang akong sinunggaban. Hindi dapat ako tutugon sa halik niya pero nang ilagay niya ang kamay niya sa batok ko at kagatin ang labi ko, hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko. I just love how her lips move in my mouth.
I silently caressed her waist while kissing her. Fuck! She's such a good kisser. I can taste the alcohol from her mouth. I feel crazy just by kissing her. Ilang lalaki na ba ang nahalikan nito? Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng inis nang maisip iyon. I kissed her more because of that.
Naramdaman kong bigla niyang kinuha ang isang kamay kong nasa bewang niya at inilagay iyon sa dibdib niya. Bigla na namang sumagi sa isip ko kung ganito rin ba ang ginagawa niya sa ibang lalaking nahahalikan niya. Hindi ko mapigilang pisilin ang kanyang dibdib nang maisip iyon. I heard her moan.
BINABASA MO ANG
The Gorgeous Nanny (The Neighbors Series #2)
General FictionPUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her friends but most of the time, she's hanging out with a l...