Forty-Five

142K 2.6K 105
                                    

Chapter 45
Boy

**

Nagising ako sa isang maliwanag na kwarto. Napapikit akong muli nang tumama ang liwanag ng ilaw sa mga mata ko. Habang sinasanay ko ang mata ko sa liwanag, naririnig ko naman ang tunog ng aparato na nagpapatunay na humihinga ako at tumitibok ang puso ko.

Nang tuluyan nang masanay ang mata ko sa liwanag, inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto. Looks like I'm in a hospital room and it's already dark outside. Napapikit akong muli nang maalala ko kung anong nangyari bago ako napunta rito.

Zania tried to kill me and Zoey. Si Zoey, nasaan siya? Is she alright?

Napahawak ako sa tiyan ko nang maalala ko ang baby ko. My baby's still here, right? Hindi naman siya nawala, 'di ba?

Nilingon ko ang gilid ko at nakita kong naroon si Joseff. Nakaharap ang mukha niya sa akin kaya kitang-kita ko kung paano siya matulog. He's still wearing his tux. Tinanggal lang niya ang coat niya.

Iniangat ko ang kamay ko para haplusin ang buhok niya. Mukhang naramdaman niya yata ang ginawa ko dahil bigla siyang gumalaw. Napangiti ako nang makita ko ang pagkunot ng noo niya na para bang naalimpungatan siya. Unti-unti ay iminulat niya ang mga mata niya. Nginitian ko siya nang magtama ang paningin namin.

Napabalikwas siya ng bangon nang makitang gising na ako. Pinigilan kong matawa nang makita kong mukha siyang natataranta at hindi alam kung anong gagawin.

"Uh… I think I should call the doctor," he said. Pero bago pa man siya makaalis ay agad kong hinila ang kamay niya. Napalingon siya sa akin.

"Dito ka lang," mahina kong sabi.

"But hon, we need the doctor to check you," he said.

Umiling ako. "I'm fine. Okay lang ako. Mamaya mo na lang siya tawagin. Dito ka muna, please. I want to talk to you first."

Napabuntong-hininga siya bago umupong muli sa upuang nasa gilid ko. Kinuha niya ang kamay ko at masuyo iyong hinalikan. Napangiti ako sa ginawa niya. Pero nawala rin ang ngiting iyon nang maalala ko kung anong itatanong ko.

"Joseff, how's our baby? Ayos lang ba siya? Si Zoey, nasaan? Maayos na ba siya? What happened to the wedding? Anong sabi nila? Alam na ba nila ang nangyari?" sunod-sunod kong tanong.

Natawa siya nang mahina. Napakunot-noo ako sa reaksyon niya. Natataranta na nga ako tapos nagawa pa niya akong tawanan?

"Kalmado ka nang magising kaya akala ko hindi mo na itatanong," aniya. "Don't worry about our baby. Maayos naman siya. Ang sabi ng doctor, malakas daw ang kapit niya. Besides, wala namang malalang nangyari sa'yo na magiging dahilan para mawala siya sa atin."

Nakahinga ako nang maluwag nang sabihin niya iyon. Hinintay ko pa ang susunod niyang sasabihin.

"As for Zoey, she's in your parents' house. Pinatingnan na namin siya sa doctor kanina at wala namang nangyari sa kanya maliban sa na-trauma siya. Actually, ayaw niyang umalis sa tabi mo at iyak siya nang iyak. She won't even talk to us. Your parents were able to take her home when she fell asleep," he said.

Hindi ko maiwasang mag-alala kay Zoey. She saw what her mother did. She saw her pointing and shooting her gun at me. Naiintindihan ko kung bakit siya na-trauma. Bata pa siya para makasaksi ng ganoong pangyayari.

"Don't worry about her, hon. I'm sure she'll be alright," he said. Tumango ako at napabuntong-hininga. "Tungkol naman sa kasal, inaasikaso na iyon nina Mommy at Daddy. Sila na raw ang bahala sa lahat."

Malungkot akong ngumiti. "I'm sorry kung hindi natuloy ang kasal natin."

"It's not your fault, hon. Don't worry about it. Besides, we can still have our wedding some other day. Ang mahalaga, makapagpagaling ka para maasikaso na natin ulit iyon."

The Gorgeous Nanny (The Neighbors Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon