Chapter 11
Hugging**
Nang tuluyan nang maghiwalay ang mga labi namin ay diretso agad ang tingin niya sa mga mata ko. Medyo nakakunot ang kanyang noo at nang mapansing nakatitig na kami sa isa't isa ay bigla siyang napaiwas ng tingin. Matalim niyang binalingan si Vince habang ako ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
He kissed me first! Hindi ako ang unang humalik kundi siya! Oh my gosh! Is this really happening?
"Now, pwede mo na ba siyang tigilan?" dinig kong sabi ni Joseff kay Vince. Napatingin ako sa kanilang dalawa.
Tumawa si Vince. "Do you really think I'll believe you just because you kissed her? I know Sapphire. She's an expert in kissing other guys. Alam ko rin na kahit wala siyang gawin, nagagawa niyang mang-akit ng kung sinong lalaki kaya hindi na ako magugulat kung naakit ka sa kanya kaya mo siya hinalikan."
Hindi ko maiwasang mainis sa kanyang sinabi. Nakakainis dahil tama siya. Bakit ba hindi ko naisip na maaaring hindi siya maniwalang boyfriend ko si Joseff? Sa tagal naming nagha-hang-out, alam kong kilalang-kilala na niya ako.
I heard Joseff sigh. Nang tumingin ako sa kanya ay napansin kong naiinis na talaga siya. Bigla naman akong na-guilty. Maaaring naiinis na siya hindi lang dahil kay Vince kundi dahil na rin sa akin. I dragged him to this mess. Pero wala na kasi akong maisip na paraan para mapaalis si Vince. Kilala ko si Vince. Hindi siya sumusuko sa kahit ano. And I know he'll do everything to get me.
"Do you still need proof that she's mine?" he asked. "She's going to be the mother of my daughter. Isn't that enough proof?"
Nagulat ako sa sinabi ni Joseff. Pero saglit lang iyon dahil napansin kong nawala ang ngisi sa mukha ni Vince.
"What?"
Kinuha ni Joseff ang cellphone niya at may kinalikot doon. May kung ano siyang tiningnan doon pagkatapos ay ipinakita kay Vince. Nang makita ko iyon ay napansin kong picture nila iyong dalawa ni Zoey. May bigla naman akong naisip kaya kinuha ko rin ang cellphone ko. Pagkatapos ay ipinakita ko kay Vince ang mga pictures namin ni Zoey na magkasama sa bahay kagabi.
Nanlaki naman ang mata ni Vince nang makita ang mga pictures sa cellphone namin ni Joseff. Halatang hindi siya makapaniwala sa nakikita. Kahit hindi kami magkasama ni Joseff sa pictures, mahahalata naman na iisang bata lang ang kasama namin kaya siguro naman ay sapat na ebidensya na iyon para maniwala siya sa sinasabi namin.
"Siguro naman sapat na ebidensya na iyan para tigilan mo na ako. I'm not available anymore, Vince. Go and find someone else," I said.
Napakunot-noo siya pero wala na siyang sinabi. Napapailing na umalis na lang siya. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon.
Napatingin ako kay Joseff nang bitiwan niya ang bewang ko. Nakakunot-noo siyang uminom ng whisky pagkatapos ay bumaling siya sa akin.
"What was that? Why did you tell him I'm your boyfriend? Wala bang ibang paraan para mapaalis mo siya? Sino ba kasi ang lalaking iyon?" sunod-sunod niyang tanong.
Napahalukipkip ako. "Sorry naman kung iyon lang ang naisip ko para mapaalis siya. Nakakainis na kasi ang pagsunod-sunod niya sa akin. Sa tuwing pupunta ako rito, lagi siyang nakasunod. Saka tinulungan mo rin naman ako, nagrereklamo ka pa. You even kissed me without my permission."
"You told me to kiss you," he said while glaring at me.
Natigilan ako. "Oh. Oo nga pala. Sorry, I forgot."
"Saka talagang susunod siya nang susunod sa'yo dahil ganyan ang suot mo. Do you even have decent clothes at home?" he said. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa at kitang-kita sa mukha niya na naiirita siya.
BINABASA MO ANG
The Gorgeous Nanny (The Neighbors Series #2)
General FictionPUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her friends but most of the time, she's hanging out with a l...