Eighteen

135K 2.9K 120
                                    

Chapter 18
Mommy

**

"Huh?" was all I could say.

Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na para bang sinusuri niya kung ano ang magiging reaksyon ko. Well, I don't know what to say. I don't even know why he said that. He wants me to seduce him. Is he serious? Sa pagkakaalam ko, siya pa nga itong nagsabi noon na huwag ko nang subukang i-seduce siya. Pero ano ang gusto niya ngayon?

Makalipas ang ilang sandali ay napabuntong-hininga siya.

"Never mind. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. I didn't mean it. Let's just go back to our room. Zoey is waiting for you."

Iyon lang ang sinabi niya bago siya nauna para umalis. Nanatili naman akong nakatingin sa kanya habang naglalakad siya paalis.

Hindi ko mapigilang mapaisip sa sinabi niya. I really don't understand him. He said he doesn't mean what he said. But why does it feel like he really wants me to seduce him?

Napailing na lang ako at napahinga nang malalim. Hindi ko na talaga alam. Ang hirap niyang intindihin. Ngayon, nadagdagan na naman ang kaalaman ko tungkol kay Joseff. He's a complicated person. Hindi ko malaman kung ano ang gusto niyang iparating o kung ano ang gusto niyang gawin ko.

Pinilit ko na lang ang sarili kong huwag isipin ang bagay na iyon. Kinabukasan ay maaga kaming nagising. Ayon kay Joseff, pupunta raw kami sa White Island Sandbar at sa Ardent Hot Spring. Excited naman ako dahil sa wakas ay makakapag-swimming na ako.

I wore a black spaghetti strap top and maong shorts. Sa loob ng aking damit ay ang aking pulang swimsuit. Nagdala rin ako ng shawl bilang pansamantalang pantakip sa aking balat. I also wore my sunglasses and tied my hair in a bun.

Nang makita ko naman ang suot ni Joseff ay hindi ko mapigilang mapalunok. Well, he's wearing a white sando and maroon board shorts. Naka-sunglasses din siya at medyo magulo ang kanyang buhok na mas lalong nagpagwapo sa kanya.

Shucks! He really looked hot. Parang ang sarap maglambitin sa biceps niya.

Nang matapos na kaming lahat sa pag-aayos ay umalis na kami. Dala ang kaunti naming gamit, una naming pinuntahan ang White Island Sandbar. We rented a boat to get there. Nang makarating naman kami roon ay hindi ko maiwasang mamangha sa kalinawan ng tubig. Parang ang sarap maligo.

Bago kami maligo ay naghanap na muna kami ng magandang mapupwestuhan. Naglatag kami ng mat sa napili naming pwesto saka namin inilapag ang mga gamit namin. Sa tabi nito ay naglatag din ako ng sarili kong mat na pwede kong higaan.

Habang inilalatag ko ang mat, sa gilid ng mata ko ay nakita ko si Joseff. Napatingin ako ng diretso sa kanya nang makita kong hinuhubad na niya ang kanyang pang-itaas. At literal akong napanganga nang makita ko ang kanyang matipunong katawan.

Shucks! Bes, parang ang sarap hawakan. Okay lang kaya?

"Papasukan ng langaw iyang bibig mo kapag hindi mo sinarado."

Napakurap ako nang marinig ko ang sinabi ni Joseff. I immediately closed my mouth and glared at him.

"Baliw. Walang langaw rito, 'no," sagot ko. Napaiwas ako ng tingin nang marinig ko ang pagtawa niya. Bakit ba kasi ako nakanganga? Dahil maganda ang katawan niya? Tss! Maganda rin naman ang katawan ko, ah!

Natigilan ako sa naisip. Napangisi ako. Tsk tsk tsk! Akala ba niya magpapatalo ako? He said he wants me to seduce him, right? Ano kayang magiging reaksyon niya kapag ipinakita ko ang aking sexy body? Baka hindi lang siya mapanganga. Baka malaglag pa ang brief niya. Or maybe he'll drool over me.

The Gorgeous Nanny (The Neighbors Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon