Chapter 25
Busy**
I was shocked at first because of what he did but in the end, I just found myself pulling him closer to me as I kiss him back. I held his nape and kissed him with so much hunger. I don't know why he suddenly kissed me and I seriously don't care about it right now. I just want to enjoy this moment and savor his lips.
I can feel and hear my heart beating faster and louder. Pakiramdam ko ay wala akong ibang naririnig kundi iyon. Kahit ang tunog ng mga paputok at sigawan ng mga tao ay halos hindi ko marinig. We were kissing endlessly and it kinda felt amazing.
Naputol lamang ang paghahalikan namin nang bigla kong marinig ang pagbukas ng pinto ng bahay nila. Agad kong naitulak si Joseff sa takot na baka makita nila kami. Gulat naman na napatingin sa akin si Joseff dahil sa ginawa ko pero nang makita niya ang paglabas ng kung sino sa bahay nila ay kumalma siya.
Tumikhim ako at nilingon ang mga taong lumabas. Naroon ang parents ni Joseff pati na rin si Zoey at Nana Sonia. Nakatingin sa langit sina Nana Sonia at Zoey na para bang manghang-mangha sa fireworks habang nakatingin naman sa amin sina Tita Melissa at Tito Simon. Bigla akong kinabahan. Did they saw us?
"Kayong dalawa, kanina pa namin kayo tinatawag pero hindi kayo pumasok. Hindi tuloy kayo nakasama sa countdown," sabi ni Tita Melissa habang nakakunot ang noo.
"Pasensya na po," hinging-paumanhin ko. "Ano po kasi... nag-enjoy po kasi kami sa panonood ng fireworks at hindi namin namalayan na nagsimula na po kayo sa countdown."
Yes. I really enjoyed it. Not the fireworks but the kiss. But I shouldn't tell them that, right? Mabuti na lang at mukhang wala naman silang nakita.
Napabuntong-hininga si Tito Simon. "Well, we can't do anything about it, right? Anyway, happy new year."
Nagbatian na lang kaming lahat doon at sabay-sabay na pinanood ang fireworks. Habang nakatingala sa langit ay hindi ko naman maiwasang isipin ang nangyari kanina.
Kung kanina ay wala akong pakialam, ngayon ay may tanong sa isip ko na kanina pa hindi matanggal. Bakit ako hinalikan ni Joseff? Sure, he already kissed me before. Pero kadalasan, kapag hinahalikan niya ako ay may dahilan. It's not intentional. Pero ngayon, ano ang dahilan niya kung bakit niya ako hinalikan?
Sa buong oras na nagce-celebrate kami ay iyon ang nasa isip ko. Natigil lang ang pag-iisip ko tungkol doon nang tulungan kong kumain si Zoey. Halos hindi ko pinansin si Joseff sa buong oras na iyon. Besides, wala rin naman talaga akong sasabihin sa kanya pagkatapos ng nangyari kanina.
Kinabukasan, tinanghali kami ng gising dahil na rin sa pagpupuyat namin nang nagdaang gabi. Bago kami umalis sa bahay ng parents ni Joseff ay nag-lunch muna kami pagkatapos ay saka kami umuwi.
Dahil sa front seat ako nakaupo, hindi ko na naman maiwasang maisip ang nangyari kagabi. Bumalik na naman sa isip ko ang tanong kung bakit nga ba niya ako hinalikan. Naiinis na ako sa sarili ko dahil hindi ko talaga magawang maalis iyon sa isip ko!
Bakit ba kasi ang sarap niyang humalik? At bakit ba hinayaan ko siyang halikan ako? Tapos ngayon, para akong tangang isip nang isip kung bakit niya ginawa iyon.
Ugh! Maybe it's best to just ask him.
Pagdating sa condo ay naghanap ako ng magandang pagkakataon para makausap siya. Nang makita kong ipinasok niya si Zoey sa kwarto nito para hayaang makapagpahinga ay nanatili naman ako sa sala para maghintay. Pero mga ilang sandali lang ay naisip kong doon na lang sa kwarto niya maghintay.
Nang makita kong pumasok si Nana Sonia sa kwarto namin ay saka ako pumasok sa kwarto ni Joseff. Okay na rin na sa kwarto niya kami mag-usap para siguradong walang makakarinig. Soundproof kasi ang kwarto niya.
BINABASA MO ANG
The Gorgeous Nanny (The Neighbors Series #2)
General FictionPUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her friends but most of the time, she's hanging out with a l...