Fifteen

139K 3K 171
                                    

Chapter 15
Know Me

**

Hindi agad ako nakasagot sa kanyang tanong. Parang hindi pa talaga nagsi-sink in sa akin ang tanong niyang iyon. Alam ko namang maganda ako pero hindi ko akalaing itatanong niya iyon na para bang bagay ako bilang girlfriend o fiancée ni Joseff.

"Mom—"

Hindi na naituloy ni Joseff ang kanyang sasabihin nang biglang tumawa ang kanyang ina. Napakunot-noo ako. Bakit siya tumatawa?

"I'm just kidding, hija. Of course, we know you. 'Di ba, Simon?" sabi niya saka bumaling sa kanyang asawa. Nagulat naman ako nang mapalitan ang kanyang seryosong reaksyon ng isang ngiti. Tumango siya at tinapik ang balikat ko.

"Pagpasensyahan mo na ang asawa ko. Mahilig lang talaga siyang magbiro."

Ngumiti ako ng alanganin. "Kilala niyo po ako?"

Bahagya namang nawala ang kabang nararamdaman ko dahil sa pagbibiro nila at sa magandang ngiting ipinapakita nila sa akin. Pero hindi ko naman maiwasang mapaisip. Kung kilala nila ako, ibig bang sabihin ay alam din nila ang tungkol sa estado ng buhay ko?

Did Joseff tell them everything that happened last last week?

"Yes. You're Zoey's nanny, right? Nasabi na sa amin ni Joseff nang minsang tumawag ako na nakahanap na nga siya ng yaya para kay Zoey. He told us your name that's why we already recognized you when you said your name," Joseff's mother replied.

"Ang mabuti pa ay pumunta na tayo sa dining area para makakain na. Doon na rin tayo magkwentuhan. Mas mabuting kumain na tayo nang maaga ngayon dahil siguradong mamayang madaling-araw ay mas marami ang kakainin natin," nakangiting saad ng ama ni Joseff.

Nauna na silang pumunta sa dining area habang nakasunod naman kami. Tiningnan ako saglit ni Joseff pagkatapos ay sumunod sa kanyang mga magulang. Mukhang hindi yata alam ng mga magulang niya ang tungkol sa estado ng buhay ko. Akala ko ay ikinuwento niya. I don't know if it's a good thing or not, though.

Nang makarating kami sa dining area ay hinayaan ko na silang maupo dahil alam ko namang hindi ako pwedeng sumabay sa kanila sa pagkain. After all, I am still a nanny. Kadalasan naman ay hindi dapat sumasabay ang isang yaya sa pagkain ng kanyang mga amo. Kung sa condo ni Joseff ay nagagawa kong sumabay sa kanila sa pagkain, hindi pwedeng ganoon ang gawin ko rito.

Pero nagulat ako nang umupo si Nana Sonia pati na rin ang tatlong katulong na narito. Bigla naman akong napansin ni Mrs. Valderama.

"What are you doing, Sapphire? Ayaw mo bang kumain?" tanong niya.

Napakamot ako sa batok. "Uh... okay lang po ba na sumabay ako sa pagkain? 'Di ba po dapat hindi ako sumabay kasi yaya lang naman po ako?"

Parehas na tumawa ang ama at ina ni Joseff. Si Joseff naman ay nakakunot-noong napatingin sa akin.

"Of course, it's okay. Ganito talaga kami rito, hija. Sa tuwing kumakain kami ay lagi na naming isinasabay ang mga katulong. Kahit naman katulong sila ay hindi na rin sila iba sa amin," sagot ni Mrs. Valderama. "You should sit now so that we can eat."

Tumango ako at nahihiyang umupo. Grabe. Tama nga si Nana Sonia. Mabuting tao sila. Sobrang bait nila talaga.

Nagsimula na kaming kumain pagkaupo ko. Habang kumakain kaming lahat ay nag-uusap naman si Joseff at ang kanyang ama ng tungkol sa business. Kinukumusta nito ang kanilang kompanya. Paminsan-minsan ay nakikisabay rin sa kanila ang ina ni Joseff kapag may gusto itong sabihin. Tahimik naman kaming nakikinig sa kanila.

Maya-maya ay natigilan ako nang kunin ni Mrs. Valderama ang atensyon ko.

"By the way, may gusto nga pala akong sabihin sa'yo, Sapphire."

The Gorgeous Nanny (The Neighbors Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon