Forty-Two

122K 2.4K 167
                                    

Chapter 42
Baby

**

Tatlong linggo na ang nakalipas matapos ang pag-uusap naming iyon. Pagkatapos no'n, paminsan-minsan ko nang nakikita si Zania sa condo ni Joseff para bisitahin si Zoey.

Sobrang saya ni Zoey nang makilala niya ang Mommy niya. Hindi rin maalis ang ngiti sa mukha ko nang makita ko kung gaano siya kasaya nang araw na iyon. Hindi lang iyon. Masaya rin ako dahil kahit na nandiyan na ang tunay niyang ina ay itinuturing pa rin niya akong Mommy.

Iyon nga lang, nang maipakilala na ni Joseff si Zania bilang Mommy niya, nagtanong ito kung hindi na ba ito aalis at kung doon na ba ito titira. In the end, Joseff explained their situation to Zoey even though she's still young to understand everything. Tandang-tanda ko pa nga ang sinabi niya kay Zoey noon.

"Zoey, me and your Mom are in good terms but we're not getting back together. It's different now, baby. You're still too young to understand but I know someday, when you're on the right age, you'll understand everything. Don't worry, baby. Your Mom will always be here for you whenever you need her."

Nalungkot si Zoey sa narinig pero hindi na siya umangal. Matalinong bata si Zoey. Kahit na alam kong hindi pa niya naiintindihan ang lahat ng nangyayari, alam kong pinipilit na lang niyang intindihin ang lahat. Alam kong sinusubukan niya iyong tanggapin.

On the other hand, hindi pa rin namin nasasabi kay Zoey ang tungkol sa relasyon namin ni Joseff. Tingin ko kasi ay hindi pa ito ang tamang oras para doon lalo na dahil bumalik na si Zania. Kukuha ulit kami ng tamang tiyempo para doon at umaasa ako na matatanggap niya kami.

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko ngayon at kanina pa palakad-lakad. Hinihintay ko kasi ang resulta ng pregnancy test na ginamit ko pagkagising ko ngayong umaga.

Tatlong araw na kasi akong nakakaramdam ng kakaiba sa sarili ko. Madalas na wala ako sa mood at madalas din akong inaantok. Minsan naman, naghahanap ako ng pagkain na gustong-gusto kong kainin. I also have morning sickness for three days already. Also, I missed my period. Bigla pa ngang sumagi sa isip ko na hindi gumagamit si Joseff ng proteksyon kapag may ginagawa kami.

Huminto ako sa paglalakad at umupo sa kama ko. Pumikit ako bago tiningnan ang pregnancy test na hawak ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko hanggang sa makita ko ang dalawang linya na resulta ng pregnancy test.

Shit! I'm pregnant!

Nang tingnan ko ang dalawa pang pregnancy test na ginamit ko ay napansin kong pare-parehas lang iyon ng resulta. Two lines. I'm really pregnant.

Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi ko na halos alam ang dapat kong maramdaman. Of course, I'm happy. Pero may parte sa akin na natatakot. Paano kung hindi ko siya maalagaan nang mabuti? Paano kung pumalpak ako at mawala siya sa akin? Hindi ko yata kakayanin iyon.

Maliban pa doon, natatakot ako sa sasabihin nina Mommy at Daddy. I'm not married yet but now I'm pregnant. Ano na lang ang sasabihin nila?

Wait. I shouldn't be scared. I have Joseff. Alam ko namang hindi niya ako tatakbuhan. He's a responsible father to Zoey and I know he'll be a responsible father to our child, too. Iyon nga lang, paano namin sasabihin sa parents ko, sa parents niya pati na rin kay Zoey ang tungkol dito? Komplikado pa nga ang sitwasyon dahil hindi pa namin nasasabi kay Zoey ang tungkol sa relasyon namin tapos may ganito pa?

Ugh! Hindi ko na alam! For now, I think I should talk to Joseff. Ayokong ma-stress sa kaiisip dahil baka makasama sa baby namin.

Napangiti ako sa naisip. Baby namin. Ano kayang magiging reaksyon ni Joseff kapag nalaman niya na magkaka-baby na kami? Tulad ko, magiging masaya ba siya? Magtatatalon ba siya sa tuwa? Shucks! I can't wait to talk to him.

The Gorgeous Nanny (The Neighbors Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon