Chapter 44
Die**
"Smile! 1, 2..."
Ngumiti ako sa camera nang magsimulang magbilang si Niel para kuhanan kami ng picture. Kasama ko ngayon sina Eunice at Bree sa loob ng hotel room kung nasaan ako.
It's finally my wedding day! Sa wakas, ikakasal na kami ni Joseff. Nagpapasalamat ako dahil kahit na maikling oras lang ang mayroon ay naasikaso namin lahat ng kailangang asikasuhin para sa kasal. Mabuti na lang at magaling ang inirekomendang wedding planner ni Tita Melissa sa amin.
Kanina pa ako nakaayos pero hanggang ngayon ay nasa hotel pa rin ako. Hindi naman ako nangangambang ma-late dahil medyo maaga pa naman.
Binisita muna ako rito nina Bree at Eunice kasama si Niel bago sila dumiretso sa simbahan. At heto nga, kanina pa kami hindi matigil sa pagpi-picture taking. Mabuti nga ay hindi nagrereklamo si Niel dahil kanina pa namin siya ginagawang photographer kahit na nandito naman ang kinuhang videographer ni Joseff.
"Saff, I'm so happy for you! Ikakasal ka na talaga!" sabi ni Eunice sa akin matapos naming mag-picture taking.
"Oo nga. Parang kailan lang, papunta-punta ka lang sa bar tapos ngayon, handa ka nang magpatali. Ang bilis man ng mga pangyayari pero masaya ako dahil nakahanap ka ng taong makapagpapatino sa'yo," sabi naman ni Bree.
Bahagya akong natawa. "Ano ba kayo? Kanina niyo pa inuulit iyan. Hindi talaga kayo makapaniwala?"
"Masaya lang kami para sa'yo, Sis. Alam naming magiging masaya ka na," sagot ni Bree.
"Ano ba kayo? Masaya naman ako, eh."
"Oo. Pero alam naming iba 'yong sayang nararamdaman mo ngayon kaysa noon. We're really happy for you, Saff. You deserve this," Eunice said.
Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kaya tumingala ako at bahagyang natawa.
"Huwag niyo nga akong paiyakin. Nakakainis kayo! Masisira 'yong make-up ko nito, eh," natatawa kong sabi habang nakatingala.
Niyakap nila ako kaya mas lalo akong nahirapang huwag maiyak. Pero kahit ganoon, niyakap ko rin sila pabalik. I'll surely miss them. Mami-miss kong yakapin sila ng ganito.
Noong nag-asawa si Eunice, hindi na kami halos nagkikita-kita. Kadalasan, puro video calls na lang kami o kung may libreng oras ay saka lang kami lumalabas. At ngayong ako naman ang ikakasal, alam kong mas magiging busy ako bilang asawa ni Joseff at ina ni Zoey. Dagdag pa na magkakaanak na kami ni Joseff. Pero kahit ganoon, alam kong walang magbabago sa pagkakaibigan namin.
Pagkatapos naming magdramahan doon ay nagpaalam na silang tatlo. Ngayon naman, si Zoey na lang ang hinihintay ko kasama sina Mommy at Daddy. Nasa kabilang kwarto lang sila at nag-aayos. Pinuntahan na ako kanina nina Mommy at Daddy pagkatapos ay lumipat sila sa kabilang kwarto para puntahan si Zoey.
Mauunang pumunta sa simbahan sina Mommy at Daddy samantalang kasama ko naman si Zoey sa bridal car. Si Joseff naman ay siguradong nasa simbahan na ngayon kasama sina Tita Melissa at Tito Simon.
I smiled when I remembered what Joseff told me last night. Sa bahay nila sa QC siya natulog kagabi kaya sa cellphone lang kami nagkausap. He said he wanted to hear my voice so he called me last night before going to bed.
Hiniling niyang buksan ko ang GPS ko ngayon para malaman niya kung nasaan na ba ako. Natatakot kasi siya na baka tumakbo ako sa kasal kahit na in-assure ko siya na darating ako. Gusto lang daw niyang makita kung papunta na ako o malayo pa ba. In the end, ginawa ko na lang ang sinabi niya.
Kanina pa naka-on ang GPS ko kaya siguradong alam niyang nandito pa ako.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. Napangiti ako nang pumasok doon sina Mommy at Daddy kasama si Zoey. Napalapit na rin talaga si Zoey sa mga magulang ko. Gustong-gusto naman nina Mommy at Daddy na makipaglaro sa kanya sa tuwing bumibisita ito sa amin. Itinuring na nila si Zoey bilang tunay na apo.
BINABASA MO ANG
The Gorgeous Nanny (The Neighbors Series #2)
General FictionPUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her friends but most of the time, she's hanging out with a l...