Nine

143K 3.3K 143
                                    

Chapter 9
Seduce

**

Kasalukuyan kaming nasa sasakyan pa rin pauwi. Hinahaplos ko ang buhok ni Zoey na kasalukuyang natutulog ngayon sa kandungan ko. Pagkatapos kong tawagan si Joseff kanina ay hindi ko na mapigilang mapangiti dahil sa pagpapasalamat niya sa akin.

Ewan ko ba. Parang gumaan ang loob ko nang pasalamatan niya ako. Ang sungit kasi niya at wala sa itsura niya ang kayang magpasalamat sa isang tao. Kaya nga nakakagulat na pinasalamatan niya ako. Pero natatandaan kong narinig ko na rin siyang magpasalamat kay Ian at kay Nana Sonia. Siguro nagulat lang ako dahil first time niyang magpasalamat sa akin.

Ah, basta! Natutuwa lang siguro ako dahil makakasama ko si Zoey ngayon.

Natigilan ako sa pag-iisip nang bigla akong tanungin ni Bree.

"Saff, 'di ba annulled na ang Daddy ni Zoey? Nasaan nga pala ang Mommy niya? Parang hindi mo yata siya nabanggit sa amin."

Napatingin ako kay Bree nang sabihin niya iyon. Napansin ko namang napalingon din si Eunice sa amin nang marinig ang tanong ni Bree.

Come to think of it. Wala ngang nababanggit sina Nana Sonia tungkol sa nanay ni Zoey. Maski si Zoey at si Joseff ay hindi siya nababanggit. Ang alam ko lang ay annulled na si Joseff at ang nanay ni Zoey pero hindi ko alam kung nasaan siya. Ni hindi nga niya binibisita si Zoey.

"Now that you mention it, I haven't seen her yet. Hindi rin siya nababanggit ng kahit sino sa kanila," sagot ko.

"Hindi mo man lang ba natanong sa kahit kanino sa kanila?" tanong ni Eunice.

Umiling ako. Hindi na sila nagtanong pa pagkatapos no'n. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay nanahimik na lang sila. Pero sa buong biyahe namin pauwi, hindi na nawala sa isip ko kung nasaan nga ba ang Mommy ni Zoey.

Bakit kaya wala siya? Bakit hindi niya binibisita ni Zoey? At bakit kahit kailan ay hindi man lang siya nabanggit ni Zoey? Bakit hindi niya ito hinahanap?

Natigil lang ako sa pag-iisip nang magising si Zoey habang buhat ko papasok ng bahay. Umuwi na sina Bree, Eunice at Niel kaya kaming dalawa na lang ang nasa bahay ngayon.

"Yaya?"

Ngumiti ako. "What is it, baby?"

"I'm hungry."

Ibinaba ko siya sa sofa. Umupo siya nang maayos habang inililibot ang paningin. Naalala kong wala nga pala akong supply ng pagkain ngayon dahil halos isang linggo akong wala. Kung mayroon man ay siguradong puro cup noodles lang. Hindi naman pwedeng iyon ang ipakain ko kay Zoey para sa dinner.

"Wait lang, baby. Magpapa-deliver lang ako ng food, okay?" paalam ko sa kanya. Tumango lang siya habang inililibot pa rin ang paningin. Malamang ay nagtataka siya kung kaninong bahay ito.

Matapos kong tumawag sa Jollibee para magpa-deliver, tinanong ako agad ni Zoey.

"Whose house is this?" she innocently asked.

I smiled. "This house is Yaya Saff's house."

Napatingin siya sa akin. "Really? But you're just a nanny, right? How can you afford to buy a big house like this?"

Bahagya akong natawa.

"It's hard to explain, baby. But this house is really mine. Don't worry. You'll understand it in the future."

"Okay," sagot niya. "But Yaya, this house is too quiet. Are you living here alone? Where are your Mom and Dad?"

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Napabuntong-hininga ako. Kapag bata nga naman, ang daming tanong. Pero hindi naman pwedeng hindi ko sagutin dahil siguradong mas dadami lang ang tanong niya.

The Gorgeous Nanny (The Neighbors Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon