Chapter 26
Sayang**
Busy pala, huh? Hindi naman niya sinabing dito pala siya busy. Busy siyang makipag-usap sa isang higad kaysa ang makasama ang anak niya. At talagang nakikipagtawanan pa siya, huh?
Ewan ko ba. Naiinis talaga ako! Sino ba kasi ang babaeng 'to?
Lumapit si Zoey kay Joseff at agad naman siyang kinandong nito. Nanatili naman akong nakatayo malapit sa pinto at hindi naman nila pinansin ang presensya ko. Nakatingin si Zoey sa babae na para bang curious siya kung sino iyon.
"Hello there, little girl," nakangiting bati ng babae bago bumaling kay Joseff. "Is she your daughter?"
Tumango si Joseff. "Yes, she is."
"She looks just like you. She's pretty and cute," she said. Mga ilang sandali pa niya itong tinitigan bago ito tumayo. "So, I'll go ahead. You should spend your time with your daughter for now. Babalik na lang ako sa ibang araw para mapag-usapan pa ang ibang bagay. Thank you for your time."
Tumayo rin si Joseff habang buhat-buhat si Zoey. He apologetically smiled.
"Yes. Pasensya na dahil naputol ang meeting natin."
"Oh, don't worry about it. Marami pa namang ibang araw," sagot ng babaeng higad.
Matapos nitong makapagpaalam ay umalis na rin ito. Bago ito lumabas ng pinto ay sinulyapan pa ako nito at binigyan ng nakakainsultong ngiti. It's like she's mocking me and I don't know why. Tss! Ang sarap burahin ng ngiti sa mukha niya.
Nang tuluyan na siyang makaalis ay bumaling sa akin si Joseff. Nakatingin siya sa akin na para bang may ginawa akong masama. Ano? Galit ba siya dahil naistorbo namin ang pakikipag-kwentuhan niya sa higad niya?
"What? Nandito kami kasi sabi ni Zoey, nami-miss ka niya. Hindi naman siguro namin kasalanan kung naistorbo namin kayo ng girlfriend mo sa pag-uusap," sabi ko.
"She's not my girlfriend," he replied. Ibinaba niya si Zoey at pinaupo sa sofa.
"I mean, kalandian mo," sagot ko at napairap. "Ang sabi sa akin ni Nana Sonia, busy ka raw kasi ang daming tambak na trabaho na kailangan mong tapusin. Hindi ko sana dadalhin dito si Zoey kasi alam kong busy ka pero naawa naman ako sa kanya. Kung alam ko lang na busy ka pala sa pakikipaglandian sa kung sino, sana pala hindi ko na lang dinala si Zoey rito. My gosh! Nakita pa tuloy ni Zoey kung paano ka makipaglandian."
Iritado siyang tumingin sa akin.
"Hindi ako nakikipaglandian. That girl is an investor in this company. Kaya siya nandito ay dahil may mga bagay kaming kailangang pag-usapan tungkol sa kompanya."
Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya.
"What? Investor iyon? Akala ko napulot mo lang kung saan-saan iyon, eh. Grabe! Hindi ka man lang namili ng matino-tinong investor. Talagang 'yong mukhang clown pa ang pinili mo."
Hindi ko talaga alam kung bakit ako naiirita. Siguro dahil nakakabwisit talaga ang pagmumukha ng babaeng iyon. Nanliit ang mata niya sa akin.
"Ano ba talagang ikinagagalit mo diyan? You sound like an angry wife who found out that her husband's having an affair," he said. Bigla siyang natigilan nang mukhang may mapagtanto. "Wait a minute. Nagseselos ka ba?"
Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi. Nagtaas ako ng kilay at sarkastikong tumawa.
"Ako? Nagseselos? My goodness! Ang ganda-ganda ko para magselos. Saka 'yong babaeng iyon, pagseselosan ko? Oh my gosh naman talaga! Ang layo-layo ng level no'n sa akin. Hindi naman ako tulad no'n na kung mag-make-up ay ang kapal-kapal at hindi rin ako ganoon manamit. Kulang na nga lang sa babaeng iyon ay maghubad sa harap mo pero hinahayaan mo lang. O baka naman ganoon ang mga tipo mong babae? Iyong kulang na lang ay maghubad," mahaba kong sabi.
BINABASA MO ANG
The Gorgeous Nanny (The Neighbors Series #2)
General FictionPUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her friends but most of the time, she's hanging out with a l...