Nineteen

140K 2.9K 125
                                    

Chapter 19
Biological Mother

**

Matapos lagyan ni Joseff ng sunblock ang likod ko, nakahinga ako nang maluwag. Tumikhim ako at pilit na pinakalma ang sarili ko. Mabilis akong tumayo at lumingon sa kanya.

"Thanks," sabi ko at ngumiti. Napaiwas ako ng tingin. "Uh… magsu-swimming na ako."

Iyon lang ang sinabi ko bago mabilis na pumunta sa dagat. I can still feel my heart beating so fast and it's seriously driving me crazy. I don't even know why I'm feeling like this. Pinilit ko na lang ang sarili kong huwag intindihin iyon. Sigurado namang makakalimutan ko rin ang pakiramdam na ito.

Lumapit ako kina Nana Sonia at Zoey. Hindi naman sila ganoon kalayo.

Kahit na mataas ang sikat ng araw, hindi maipagkakailang December pa rin. Malamig ang simoy ng hangin kaya nang lumusong ako sa tubig ay naramdaman ko agad ang lamig. Hanggang tuhod ko lang ang tubig sa pwestong napili nila. Nang makita nila ako ay napangiti sila. Mabilis akong nilapitan ni Zoey.

"Mommy, let's swim," she happily said. Napangiti na lang ako nang marinig ang tawag niya sa akin. I think I should get used to it while we're here.

Bumaling sa akin si Nana Sonia. "Ikaw na muna ang bahala kay Zoey. Ako na lang ang magbabantay sa mga gamit natin. Hindi naman ako masyadong mahilig mag-swimming."

Tumango na lang ako at ngumiti. Tumayo siya at umahon kaya naiwan kami ni Zoey na nagtatampisaw sa dagat.

Or so I thought.

I saw Joseff walking towards us after Nana Sonia left us. As soon as I saw him looking at me, I immediately felt my heart beating so fast again so I looked away.

Nakakainis! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Kanina lang, pakiramdam ko ay kinukuryente ako dahil sa simpleng pagdampi ng kamay niya sa akin. Ngayon naman ay hindi ako makatingin sa kanya nang diretso. Bakit ba? Ano ba 'to? Pagkatapos ng nangyari kanina, pakiramdam ko ay hindi na ako kumportable kapag nandiyan siya.

Umiling ako para alisin ang mga naiisip ko ngayon. Nag-focus na lang ako sa pakikipagtampisaw kay Zoey at hindi na pinansin si Joseff kahit na malapit na siya sa amin ngayon.

"Daddy, can you please teach me how to swim?" Zoey asked Joseff.

Dahil doon ay napalingon ako kay Joseff para malaman ang kanyang sagot. Nakita ko namang nakatingin siya sa akin pero agad din siyang napaiwas ng tingin. Bumaling siya kay Zoey.

"Sure, baby," nakangiti niyang sagot.

Bigla kong naisip na magandang way ito para makapag-bonding ang mag-ama. Bumaling ako kay Joseff at nagpaalam para lumayo muna sa kanila.

"Maiwan ko muna kayo. Magsu-swimming lang ako sa medyo malalim," sabi ko. Nang tumango si Joseff ay lumayo na ako sa kanila.

Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagsu-swimming. Manghang-mangha ako sa kalinawan ng tubig. Parang bihira na lang kasi ang may ganitong kalinaw na tubig. Ang ibang dagat ay marami ng nagkalat na basura kaya naman sobra kong naa-appreciate ang kagandahan ng dagat dito.

Paminsan-minsan ay napapatingin ako kina Zoey at Joseff. Sa tuwing nakikita ko sila na parehong tumatawa, napapangiti na rin ako. Bihira ko lang makita si Joseff na tumatawa at ngumingiti kaya natutuwa ako na makita siyang ganito ngayon. At mas lalo akong natutuwa dahil nakikita kong masayang-masaya si Zoey dahil sa kanya. I know she really wants to spend more time with her Dad. And I know she's really happy right now.

Hindi ko maiwasang mainggit. Biglang pumasok ang napakaraming tanong sa isip ko. Kung nandito ba ang mga magulang ko, ganito rin kaya kami kasaya? If they're here, will they spend more time with me? Kung nandito ba sila, kaya rin ba nilang bumawi sa akin tulad ng ginagawa ni Joseff ngayon kay Zoey? Kung nandito ba sila, kaya rin ba nila akong mapatawa at mapangiti tulad ng ginagawa ni Joseff ngayon sa anak niya?

The Gorgeous Nanny (The Neighbors Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon