Chapter 14

5.4K 89 0
                                    

BACK to reality na si Maeve pagbalik nila sa Manila. No more fun dahil kailangan na niyang magtrabaho ulit. Super hectic ang schedule niya dahil puro photoshoots at practice sa runway para sa fashion show ang gagawin niya.

Sunday na ngayon, it has been 2 days since naka balik sila. Wala nanaman si Danielle dahil lumabas sila ni Dimitri. Hindi niya maiwasang mapansin ang pagka close ni Danielle at Dimitri.

At hindi rin niya maiwasang isipin kung seryoso ba si Dimitri sa best friend niya. Syempre iisipin niya 'yon dahil magkaibigan sila ni Liam. At sa mga itsura nila, hindi maikakaila na habulin sila ng mga babae. Gwapo silang tatlo, maganda ang pangangatawan at successful sa chosen fields nila.

Kumuha siya ng juice sa kanyang fridge at kumuha din ng snacks, magrerelax siya ngayon. Manonood siya ng movie.

Nilapag niya ang dalang pagkain sa lamesa at pumunta sa rack ng mga dvd's.

Nasa kalagitnaan siya ng pamimili ng movie nang may mag doorbell. Hindi niya agad binuksan dahil wala naman siyang ine-expect na bisita. Malabong si Danielle 'yon dahil may susi naman siya.

Naglakad siya papunta sa pinto at sumilip sa peep hole. Nagulat siya nung makita niya si Chad.

Napaatras siya ng kaunti. What is he doing here? She mentally asked herself.

Patuloy lang siya sa pag-doorbell niya. At hindi pa ito nakuntento, kinatok niya ang pinto. Hindi parin alam ni Maeve kung ano ang gagawin niya.

Bubuksan ba niya or hindi?

Naalala niya ang sinabi ni Danielle sa kanya. Walang mangyayari kung palagi nalang na hindi mo alam kung ano ang gusto mo.

She let out a huge sigh before opening the door. "Chad." She muttered under her breath.

"Maeve." He said, his eyes bloodshot.

"What are you doing here?" Tanong niya sa binata. Napansin niya ang pamumula ng mga mata nito.

Nagulat si Maeve dahil bigla itong lumuhod. "I miss you love. Come back to me please."

Napasinghap ng malakas si Maeve dahil sa narinig. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya ma-realize kung ano ang nangyayari.

"Chad tumayo ka diyan." Malamig ang pagkakasabi niya.

"I won't. Not until you take me back." He said ng naka luhod pa rin.

Huminga ng malalim si Maeve. Naisip nanaman niya ang sinabi ni Danielle sa kanya. Walang mangyayari kung laging hindi niya alam kung anong gusto niyang mangyari.

I better get my shit together. She mentally said.

"Tumayo ka. Let's talk inside." Malamig parin ang pagkakasabi niya, iniwanan niyang bukas ang pinto at dumiretso sa backyard ng bahay nila. Umupo siya at hinintay si Chad.

True enough, wala pang isang minuto ay naupo na rin si Chad sa kaharap niyang upuan. "Maeve—" Sinimulan ni Chad ang usapan nila pero, Maeve cut him off.

"Hush. Let me talk." Sabi niya, tumango si Chad. "First of all, nakipag break ka saakin because as you said I am not enough. You left me with a broken heart, you looked at me straight in the eye and told me that you don't love me anymore. Tapos ngayon, what? You expect me to take you back? Just because lumuhod ka?" Halos mawalan na ng hininga si Maeve dahil dire diretso ang pagkakasabi niya. Nakatungo si Chad. He's guilty. Because everything that Maeve just said was true.

"I'm sorry Chad. Pero I'm not stupid enough to take you back after what you did to me." Maeve said, she looked at him. Waiting for an answer pero nakatungo lang ito.

"Maeve I'm so sorry. I'm so sorry because I was stupid enough to let you go." He wiped the tears from his bloodshot eyes. "Hinayaan kong mawala ang kaisa isang babaeng nagmahal saakin ng tunay."

Maeve is breathing hard. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa galit na nararamdaman niya o dahil... mahal niya pa rin si Chad.

Of course mahal niya parin ito. Its only been 2 weeks since nag break sila. But then naalala niya si Liam.

I think I like you. Nag echo sa isip niya ang sinabi nang binata.

Naguguluhan na siya ng sobra. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. "Leave."

"P-pero Mav—" Pag angal ni Chad sa kanya pero galit siyang tumingin ditto.

"Chad. Please. Just leave. Ginugulo mo lang ang isip ko. Please umalis ka na." Sabi niya at pumunta sa main door. Binuksan niya iyon at hinintay si Chad.

Tumingin muna si Chad kay Maeve bago ito lumabas ng bahay niya. Pero bago ito maka alis ng tuluyan ay muli siyang nagsalita. "I hope you know how much I love you Mav. I hope you know how sorry I am." Sinabi niya ito ng naka talikod kay Maeve.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya ng tuluyan.

Sinara na ni Maeve ang pinto. Sumandal siya dito at dahan dahang naglupasay sa sahig habang umiiyak.

Ang akala niya chill Sunday ay naging disastrous.


------------------------------------------------


AN: Hi guys! Short update lang ito. I hope you enjoyed :)

Lust At First Sight (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon