Chapter 23 (Part 1)

1.9K 43 26
                                    

Isang lingo bago ang kasal ni Danielle at Dimitri, nagdatingan na ang mga bisita nila galling sa iba't ibang lugar. Family, friends, and some people they have worked with.

Their wedding will be held in a known Hotel sa Manila. Traditional Filipino wedding ang theme ng wedding nila with a touch of sage green. It wouldn't be the perfect wedding she dreamed of kung hindi siya tinulungan ng best friend niya.

Simula nung nagkausap sila Maeve at Danielle sa New York 1 month before their wedding, pinakiusapan na ni Danielle na umuwi na sila sa Pinas upang pag-planuhan ang kasal. Finishing touch na lamang ginawa nila, dahil naasikaso n ani Danielle ang iba months before the wedding date.

Pero kahit ganoon pa man, Danielle is thankful dahil naroon ang pinaka matalik niyang kaibigan sa especial na okasyon ng buhay niya.

And ever since bumalik si Maeve sa Pilipinas, nalaman na niya na ang best man ni Dimitri ay walang iba kung hindi ang lalaking minahal niya ng sobra pero sa huli ay sinaktan lang siya, si Liam.

Hindi niya malaman ang gagawin niya noong nalaman niya ito. She was stupid enough to think na hindi ito ang pipiliin ni Dimitri bilang best man. Ang buong akala niya ay simula nung nangyari ang insidente 3 years ago ay nagkawatak watak na sila. Dahil nalaman niya na umalis din si Matt ng Pilipinas pagkatapos niyang makarating ng New York.

Naging miserable silang lahat dahil sa nangyari. Si Matt ay nagpunta ng Milan para doon ituloy ang pagiging fashion photographer niya. Matt and Maeve never talked after that.

Ang tanging nakakausap niya lamang noon ay si Danielle. But after a few months they all got busy dahil sa work nila. For Danielle's case, she got busy with her pregnancy and having her daughter Ella.

The part that hurts Maeve the most ay dahil sa isang balita na hindi niya inaasahan. Simula noong malaman niya ito buhat ng pag uwi niya, sobrang nasasaktan siya.

Vanessa had Liam's baby.

Nabuntis siya ni Liam after that one night that they spent together. Nung una niya itong nalaman sobrang nadurog ang puso niya. She cried in her room that night. But after that, she decided to be numb again.

Naisip niya na wala siyang magagawa dahil nangyari na ang mga nangyari at tapos na ang mga dapat tapos na.

Pero despite her logical way of thinking. Her subconscious is torturing her.

It should have been you and him, and your child. Her mind keeps thinking about the possibility that have been taken away from her.

What if hindi nangyari lahat ng yun? Would she and Liam be happy with their own little family? Yun ang mga naiisip niya.

She set aside her thoughts for a while dahil gaganapin na ang rehearsal dinner for the wedding mamaya ng gabi.

The rehearsal dinner will be held in the backyard of Danielle and Dimitri's house.

Idea ni Maeve na magkaroon ng rehearsal dinner dahil she figured it would be a nice way to kind of thank the people who helped with their wedding, and specially to rehearse the entourage on what will happen at the wedding.

She started getting ready for the rehearsal dinner dahil magsisimula na ito in 2 hours.

Kapagkuwan ay may kumatok sa pinto ng kwartong tinutuluyan niya. "Pasok ka." Sabi niya at ibinaba ang damit na pinagpipilian niya.

Bumukas ang pinto at pumasok si Danielle. She smiled and closed the door. "Hey what's up?" Maeve said and sat down on the bed. Sa bahay ng kaibigan niya siya tumutuloy dahil mas madaling mag plano kung nasa isang bubong sila. Plus, she had so much fun bonding with Ella. Nakakalimutan niya lahat ng dinaramdam niya kapag nakikipag laro ang bata sa kanya.

Lust At First Sight (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon