Aryanna's POV:
Andito ako ngayon sa bahay ako lang ang umuwi dahil kukuhanin ko lang yung iba pang gamit ni athena.
Binuksan ko yung mga ilaw at dumiretso na ko sa taas, pumunta ako dun sa kwarto ni athena at binuksan ito.
Pumunta ako dun sa walk-in-closet nya at kumuha ng mga kailangan nya.
After kung kumuha ng mga gamit nya lumabas ako ng walk-in-closet nya tapos may nakakuha ng atensyon ko isang litrato at ang andun ay si lester at si athena.
Namamalik mata ba ko?.
Lumapit ako dun sa litrato kinuha ko yun tiningnan sa picture na tohh nakatalikod si athena tapos nakayakap si lester sa likod nya, kumbaga back hug.
Tiningna ko yung likod nun 02/16/15
Bigla akong napaluha nung nakita ko yung mismong date ng pic na yun.
Di ko akalain na niloloko na ko ng boyfriend at best friend ko behind my back.
Naging boyfriend ko si lester February 02,2014, tapos nag break kami August 18,2015
Ako ang nakipag break sakanya dahil nakita ko silang nag mamake out scene ni pauline at noon pa man may hinala na talaga ako kay lester na niloloko nya ko behind my back.
Kusang nabitawan ko yung litratong yun at biglang lumabas yung mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
I don't know na ganun pala ang kahihinatnan nun sana pala noon palang hindi na ko nagtiwala.
Past is past kaya wala na tayong magagawa almost 1 year na rin kaming break kaya mas mabuting mag move-on nalang kami medyo nahihirapan ako dahil sya ang first ever boyfriend ko tumagal din kami almost 1 year kaso hanggang dun nalang talaga yung relationship namin ehh.
Mahal na mahal ko si lester pero hindi naman tama na maging rebound or panakip butas nya lang ako, maraming lalaking naghihintay sakin at may lalaking nakalaan para sakin.
Pero isa lang sinisiguro ko, isang malaking pagkakamali na nagtiwala pa ko kay athena at nagkamali ako dahil naging kaibigan ko sya, ang pinaka ayoko sa lahat ang traydor.
Pinunasan ko ang mga luha ko at kinuha ko yung picture at lumabas na ng kwarto,nilock ko yun atsaka bumaba na ko at dumiretso sa kotse ko.
Galit na galit ako kay lester sobra sobra sagad pati na rin kay athena may naging relasyon sila habang kami pa nun, pinagkatiwalaan ko si athena dahil sya ang best friend ko pero di ko alam na isa rin pala syang traydor.
------------
Athena's POV:
Ang tagal ni aryanna, parang kinakabahan ako kasi may nararamdaman akong may mali ehh.
*BLAGG*
Nagulat kami ng may sumipa sa pintuan kaya muntik na tong masira buti nalang at crack lang.
Nagulat kami ng si aryanna ang sumipa wala kang mababasa na emosyon puro poot at galit lang nakakatakot syang tingnan, nakapaligid sakanya ang "BLACK AURA".
Lumapit sya sakin at bigla nalang nya kung sinampal ng malakas.
*PAKKKKK*
"ARYANNA, STOP. "Sigaw ni shanielle.
May binato sya saking picture.
Tinignan ko yun at nanlaki yung mata ko, eto yung picture namin ni lester nung sila pa ni aryanna.
Hinawakan na ni cassandra at shanielle sa kamay si aryanna.
"PANO MO IPAPALIWANAG YAN HA, NILOKO NYO KO, IKAW NA TINURING KUNG PARANG KAPATID EHH TRAYDOR PALA AHAS KA ANG DAPAT SAYO MAMATAY NA. "Sigaw nya sabay sinabunutan nya ko at sinampal.
YOU ARE READING
Sayrin Academy (Gangsters School) [COMPLETE]
Teen FictionPANO KUNG PAGTAGPUIN NG TADHANA SI MS.NERD AT SI MR.BADBOY MAY MABUBUO BANG LOVE OR WALA?. SAMAHAN NATING TUKLASIN ANG KWENTO NILANG DALAWA.