(photo of gabriel and daniel on the multimedia) 👉
Aryanna's POV:
It's been 2 weeks since nung nangyare yung insidente na yun at nagka bati-bati na kami at yes bukas na ang kasal namin ni gabriel.
Excited ako na kinakabahan kasi makakasama ko na habang buhay ang lalaking isasama ako papuntang altar.
I can not believe na ikakasal na ko ngayon, oo di pa ko maka move-on sa baby boy namin pero syempre we need to accept the consequences in our life.
Kahit masakit pinipilit ko na maging matapang at matatag dahil ikakasal na kami ni gabriel.
Andito kami ng mga kaibigan ko sa favorite place namin nung mga bata pa kami at nung mag dalaga kami.
Nandito kami sa likod ng Mall Of Asia, yeah inaabangan namin ang paglubog ng araw konti lang naman ang mga tao ngayon dahil wednesday.
Yung mga boyfriend namin ewan ko kung asan sila nagpunta hinayaan nalang namin.
~After 1 hour~
Nakita na namin ang paglubog ng araw at bumili kami ng ticket para sumakay sa mga rides.
Una naming sinakyan yung extreme tower.
Naka sakay na kami at nilagyan na kami ng mga seatbelts and after lagyan lahat umandar na pataas and nung andun na si taas biglang bumaba ng mabilis.
"KYAHHHHHH. "Tili namin.
Myghadddd grabee nakakatakot parang ayoko ng sumakay naiwan ata yung kaluluwa ko sa taas.
Bumaba na kami at nag pahinga muna jeskeeee di kinaya ng powers ko grabeeng taas wohh nakuu!
~After 2 hours~
After naming sakyan yung mga rides bumili muna kami ng makakain namin at maiinom and after namin kumain nag pahinga muna kami sandali.
Kinuha ko sa bag ko yung cellphone ko at monopad.
Nag selfie kami, selfie dito, selfie doon and after nun umuwi na kami.
Nakaka pagod tong araw na tohh, pumunta na kaming parking lot at sumakay na sila sa kotse ko at nag drive na ako.
Bigla kaming napadaan sa ******** bar.
Nakita kasi namin na nandun ang mga kotse ng boyfriend namin hininto ko sa tabi at bumaba kaming apat.
Pagpasok namin dun halo-halo ang amoy merong amoy sigarilyo,amoy alak basta halo-halo basta ang baho talaga.
Umakyat kami sa taas at binuksan namin yung isang room dun at napaluha nalang kaming apat ng makita namin na may ka make-out scene ang mga boyfriend namin nakita nila kami kaya nanlaki ang mata nila at sinarado ko na ang pintuan.
"Girls, let's go. "Sabi ko at paalis na sana kami ng mahawakan nila isa-isa ang mga braso namin.
"LET.ME.GO. "Matigas naming sabi.
"Let me explain. "Sabi ni gab.
Sinampal ko sya ng todong lakas muntik na syang ma out of balance.
"ANO? EXPLAIN? SA TINGIN MO BA MAY MAGAGAWA PA YANG EXPLANATION NYO? KAYONG LAHAT (turo ko sa apat na lalaki), KITA NA NAMING APAT YUNG GINAGAWA NYO DI NA KAYO NAHIYA. "Sigaw ko sakanila.
Buti at malakas ang sounds kaya di naririnig ang sigaw ko sa baba.
"Let us explain. "Sabi ni lester.
"Save your explanation lester, were done. "Serysong sabi ni athena at bigla syang napaluha.
Pati sina cassandra at shanielle umiiyak na rin.
"W-What do you m-mean?. "Tanong ni lester.
"Are you stupid? I said WE'RE DONE gusto mo bang tagalugin ko pa ha ang sabi ko TAPOS NA TAYO BREAK NA TAYO. "Sabi ni athena at napa-iyak sya.
"No. Athena pleased. "Pagmamakaawa ni lester.
Sinampal nila cassandra at shanielle si michael at si kevin.
"WE'RE DONE. "Sigaw nilang dalawa dun sa dalawang lalaki.
"Cass, pleased let me explain. "Sabi ni michael.
"You don't have to explain, nakita na namin kaya BREAK na tayo wala ka ng babalikan na cassandra kahit kailan. "Sabi ni cassandra at napa-iyak sya.
"Pleased cass. "Pagmamakaawa ni michael.
Hahawakan sana nya si cass kaso sinampal sya nito.
"Don't you dare to touch me. "Matigas na sabi ni cassandra.
"You too, kevin we're done, sa tingin ko nga hindi tayo ang para sa isa't-isa. "Sabi ni shanielle.
"S-Shanielle pleased don't do this to me. "Sabi ni kevin.
"Ginago mo ko kevin, anong don't this to me ha? Ehh t*ng*na ka pala ehh sana inisip mo muna yan bago ka nakipag landian sa iba, tandaan mo magsisisi ka sa ginawa mo sakin. "Sabi ni shanielle.
"S-Shanielle pleased. "Sabi ni kevin.
"Shut up. "Sigaw ni shanielle tapos di na nya napigilan ang emosyon nya kaya napa-iyak rin sya napa-iyak na rin ako at humarap sa apat na lalaki.
"Diring-diri ako sainyong apat akala ko pa naman tumino na kayo, but akala lang pala namin yun, siguro nga tama ang mga kaibigan ko na hiwalayan kayo dahil mga wala kayong kwenta. "Sigaw ko sakanila.
"At ikaw (turo ko kay gabriel) WE'RE DONE TOO, tapos na tayo wala ng magaganap ng kasal bukas at break na tayo, you're such a jerk, kamamatay lang ng anak natin di ka na nahiya, nag sasakripisyo ako sa nangyare sa anak natin tapos ikaw andito nagpapa kalasing, nagpapa saya, wow naman hiyang-hiya ako sayo sana matauhan ka na dahil wala ka ng babalikang aryanna sa buhay mo tandaan mo yan diring-diri ako sainyong apat mga t*ng*na kayo. "Sigaw ko at umiyak na ako.
Hahawakan sana ako ni gabriel kaso umatras ako at nilayo ko ang mga kamay ko.
"DON'T YOU EVER TOUCH ME YOU BASTARD, I CURSE YOU ALL TO DEATH "Sigaw ko sakanila at umiiyak na ako.
"Maraming salamat sa lahat at pagmamahal ha, siguro nga hanggang dito nalang ang pagsasamahan natin, maraming salamat sa lahat. "Sabi ko at tumalikod na ako.
"Girls let's go. "Sabi ko habang umiiyak.
"A-Aryanna. "Sigaw ni gab, kaso di ko sya nilingon at pinansin.
"Athena. "Sigaw ni lester.
"Cassandra. "Sigaw ni michael.
"S-Shanielle. "Sigaw ni kevin.
Di namin sila pinansin at nilingon at tuloy-tuloy kaming bumaba na umiiyak, ng makalabas na kami sa bar pumasok na kami sa loob ng kotse at ako naman sa driver seat.
Umiiyak kaming apat dito at pinapalo palo ko na ang manibela at sumisigaw sigaw na ako.
"T*NG*NA NYO, MAMATAY NA KAYO, I HATE YOU ALL I CURSE YOU ALL TO DEATH. "Sigaw ko at napahagulgol ako sa iyak.
Pinaandar ko ang kotse ko at pinaharurot ito biglang nandilim ang paningin ko kasi may luhang humaharang sa mga mata o hangga't sa may truck kaming kasalubungan.
"A-Aryanna. "Sigaw nila.
*BOGGSHH*
And everything went black.
---------------
A/N: Hi readers! Super sorry dahil late UD at short UD sorry po talaga and few more chapters matatapos na po ito.
And then sorry po sa typo,errors,grammars and etc. Sorry po dun.And then super thank you po sa tumangkilik, nagbasa at bumoto super thank you po talaga naappreciate ko po sya 60+ readers na po sana po madagdagan pa po itong readers na ito super thank you po sa lahat, yan lang po ang UD sa ngayon. God bless you. Kamsahamnida!.
By: yhzza9
YOU ARE READING
Sayrin Academy (Gangsters School) [COMPLETE]
Teen FictionPANO KUNG PAGTAGPUIN NG TADHANA SI MS.NERD AT SI MR.BADBOY MAY MABUBUO BANG LOVE OR WALA?. SAMAHAN NATING TUKLASIN ANG KWENTO NILANG DALAWA.